Chapter 12

49 1 0
                                    

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama dahil bukod sa malapit lang ang condo niya kaysa sa akin dito sa Ateneo ay gusto ko rin pumunta sa condo niya, I giggled. Napalingon siya sa akin kaya tinikom ko ang bibig at kinunot ang noo, nagkukunwaring wala sa mood

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko at nang makita ang sasakyan niya ay nauna na akong pumasok sa loob ng sasakyan, nakita ko kung paano niya iniling ang ulo, dismayado dahil hindi niya ako napagbuksan ng pintuan, I smirked. What now Ezekiel? Matapos kang sumama sa ibang babae kahapon, ngayon problemadong-problemado ka naman

"What are we talking about? You're so annoying, bakit ako ang ginugulo mo? Bakit hindi ang babae mo?" Hindi ko napigilan sabihin, I bit my lower lip and look away. Para takpan ang kahihiyang ginawa ay sa bintana ko tinuon ang atensyon, hindi siya tinitingnan

Hindi ko dapat yun sasabihin!

"What the fvck are you talking about?" Napapikit ako at halos lukutin na ang laylayan ng damit ko para kumuha nang lakas ng marinig ang pagmumura at ang madiin na pagbigkas niya sa mga salitang yun. Hininto niya ang sasakyan sa gilid kaya napanguso na ako, akala ko ba mamaya mag uusap?

"Look at me, Alexa" He demand, I sighed bago siya hinarap, nakasalubong ko ang kunot noo niyang mukha, madilim at hindi maipinta

"Is that the reason why are you avoiding me, huh?" His brows shut up, amusement is evident on his face

Hindi ko siya sinagot at inirapan lang, iniwas ko ang tingin sa kaniya, I even crossed my arms

Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga nang wala siyang nakuhang sagot sa akin. Agad niyang minaneho ulit ang sasakyan papalayo roon

Huminto kami sa isang malaking building, sa labas ay may gate at may nakabantay na guwardiya. Expensive condominium ha, mayaman nga. Agad na akong lumabas pagkahinto ng sasakyan, hindi na siya hinintay pa at pumasok sa loob. Umupo ako sa may sofa roon at nakahalukipkip na hinintay siyang dumating. Syempre hihintayin, hindi ko naman alam saan yung room niya roon.

Hindi nagtagal ay dumating din naman siya, nakita ko pa kung paano ngumiti at bumati ang babaeng nasa counter habang namumula ang pisnge, tumango lang si Ezekiel bago nagtuloy-tuloy na lumakad. Umirap ako bago tumayo at sumunod sa kaniya

Habang naglalakad hindi ko mapigilan na pasadahan ang suot niya, Formal pants and white button sleeveless on top, kumikinang din ang Oxford na sapatos at ang buhok niyang nasa simpleng ayos, calvein klein watch. Pwede na gawing sugar daddy

Tiningnan ko ang number room nang hinituan naming pintuan, Room 103 huh, matandaan nga para bumisita dito lagi.

Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako, nilingon niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Where can I sleep?"

Tinuro niya naman ang isang pintuan na nasa gilid, nilingon ko yun at agad din naman binalik sa kaniya

"Kwarto mo?"

Tumango siya, my eyes widened in disbelief. Is he fvcking serious? He will let me sleep on his bedroom?!

"Sigurado ka? Baka may babae ka ng dinala riyan ah, wag na lang" Nandiriring tinignan ko ang pintuan na yun at agad na humalukipkip ang dalawang braso

Tinaasan niya ako ng kilay before putting a smirked on his lips, hindi niya ededeny?! Agad na nalukot ang mukha ko at nagmartsa paupo sa sofa

He chuckled, I glared on him

"You really love watching me pissed because of you, huh" I mocked, He smirked

"To answer your questions. No, it's only you"

Agad na nabalik ang atensyon ko sa kaniya, naglakad siya papunta sa sofa at umupo hindi kalayuan sa akin bago naglabas ng mga gamit galing sa bag na dala, gagawa ata ng assignment or what

Worth of Sacrifices (AS #1 ONGOING) Where stories live. Discover now