Chapter 1

2.9K 29 5
                                    

          Pumasok muna siya sa CR bago puntahan si Xavier. Humarap siya sa salamin at nag-ayos. Sinilip niya kung nalagay ba niya sa bag ang pinagpuyatan niyang love letter para dito. Kalma lang, Jam. Chill!

         

Aann Mihinaj ang buong pangalan niya pero Jam ang tawag sa kanya ng mga tao. Mula pa high school ay magkakilala na sila ni Xavier. Palagi pa silang magkasection noon at ngayong college lang nagkahiwalay dahil magkaiba ang kurso nila. BS Architercture siya at BS Biology naman ito.

          Nagmadali na siya papunta sa Heroes’ Park. Parte iyon ng kanilang campus kung saan maraming estatwa ng iba’t ibang bayaning nanggaling sa kanilang probinsya. Madalang tambayan iyon ng mga estudyante mula sa ibang course. Mga estudyante lang ng engineering ang madalas doon dahil katabi lang ito ng building nila.

          Wala pa si Xavier nang dumating siya. Umupo siya sa isang bench doon at naghintay. Kinakabahan siya. Parang nagkakabuhol-buhol yung mga bituka niya sa pinaghalong kaba at kaba. Hindi niya napansin na nalukot na niya ang hawak na love letter

.

          “Ay nakupo!” nasabi nalang niya sa sarili.

          “Ano bang ina-ay nakupo mo diyan?” Si Xavier. Umupo ito sa tabi niya. Itinago niya sa likod ang love letter.

          “Ah... wala.” nginitian niya ito upang itago ang kaba. “How’s your day?”

          Hunubad nito ang suot na shades. May black eye ito! Napansin din niya na parang putok din ang gilid ng labi nito. “Oh my God, anong nangyari sayo?! Sinong gumawa nito? Isumbong natin sila sa guidance office!”

          “OA.” natahimik siya. Isinuot nito muli ang salamin. “Sino naman ang nagsusumbong sa guidance na nabugbog sila? At hindi makakatulong sa reputasyon ko ang magsumbong, ano. I can handle them.”

          Yabang talaga.

          “Nabugbog lang naman ako ng ganito kasi hindi ako lumaban.” patuloy pa nito.

          “Eh sino ba talaga may gawa niyan sayo?”

          “Si Teb. Mainit ulo niya pagpunta kanina sa practice tapos alam mo namang irita saken ‘yun. Nagkabwisitan kami kanina kaya eto. Alam mo na.”

          “Dapat kasi hindi mo na binubwisit.”

          “Matagal nang bwisit saken yun. Paano, ako ang pumalit sa lugar ng bestfriend niya sa banda. At saka lagi namang mainit ang ulo nun. Mabait lang iyon sa girlfriend niya.”

          “Sabi ko nga.”

          “Bakit mo nga pala gustong makipagkita?”

          Bumalik ng 10x ang kaba niya. “Ahm, kasi... may sasabihin sana ako sayo.”

          “Ano ‘yun?”

          “Uhhh...”

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon