Chapter 6

1.3K 25 3
                                    

ILANG beses niyang kinusot ang mata para masigurong hindi aparisyon o ilusyon ang nakikita niya ngayon. Why is Xavier in her home? Hindi rin makapal ang mukha nito matapos ng lahat ng nangyari sa kanila? Hindi lang ata paglaki ng ulo ang ginawa ng kasikatan dito, kundi kakapalan rin ng mukha.

          Hindi pa siya napapansin ng mga ito kahit nasa pintuan na siya. Ugh, the view sickens her. Kung alam lang ng mga magulang niya ang totoong nangyari kung noong naghiwalay sila paniguradong hindi nito papapasukin man lang ang ex-boyfriend niyang mayabang.

          Tumayo ang nanay niya nang makita siya. “Jam! Bakit ka ginabi? Kumain ka na?”

          Pinaglapat niya ang mga labi upang walang masabing hindi maganda. Nagmano siya rito at sa tatay niya. “Kumain po kami ni Adrian sa labas. Birthday niya po kasi.” Inirapan niya si Xavier.

          Nabasa naman ng mga magulang ang iniisip niya. “Si Xavier ang nagdala ng kotse mo pauwi.”

          Bakit naman sa dami ng pwedeng magdala, ito pa? Are their friends trying to get them back together? Never in a million years. She swore to herself to never fall for a guy like him ever again.

          Funny. Noon hindi man lang siya magawang siputin nito sa dates matapos mangako, ngayon bigla-bigla nalang itong nagpapakita sa harapan niya. At nagawa pang ihatid ang kotse niya. She faked a smile. “Thanks. Baka marami kang ginagawa, naabala pa kita. Ihahatid na kita sa labas.”

          Kokontra pa sana ito nang hilahin niya ito palabas. Nakuha pa nitong magpaalam sa mga magulang niya. Huminto sila sa tapat ng kotse nito.

          “What are you doing?” binaba niya ang boses upang walang ibang makarinig.

          “What? Ano ba’ng ginagawa ko?”

          She tried to ease her frustration with a sigh. “Anong ginagawa mo sa bahay namin? Bakit ka pumasok?”

          “I’m still welcome in you’re home, sweetie.” Nilapit pa nito ang mukha habang nagsasalita. Nang-aasar talaga!

          “Of course you’re still welcome because they thought we broke up because it’s a mutual decision.”

          “Isn’t it? We both agree on that. And mind you, you’re the one who broke up with me.”

          She scoffed. How stupidly selfish can this man be? “Technically, you’re right. I was the one who broke us up. Pero alam natin ang totoong nangyari, Xavier. Minahal ka nila nila. Tinago ko ang totoo sa mga magulang ko dahil ayokong masaktan sila. Ayokong madamay sila sa nangyari sa atin.” Nawalan ito ng imik. “I’ll be really grateful if you don’t show up in front of me ever again. I don’t want you in my life anymore. Nadala mo na ang kotse ko dito kaya makakaalis ka na.”

          “Wow. You’ve changed.” He said after a long silence.

          “You made me change.” She looked a him with hate. “Nagmakaawa pa ako sayo noon para lang hindi mo ako iwan pero anong napala ko? Wala. Bumaba lang ang pagkatao ko. Dahil sayo, nalaman ko na ang mahina... palaging iniiwan at niloloko.” Hindi niya mapigilang mapaiyak sa harapan nito. She hated it but she can’t stop. She took one step back nang akmang aaluin siya nito. Was that pity in his eyes? The last thing she needed in this world is his pity. Crap. “Makakaalis ka na.”

          Nagmadali siyang bumalik sa bahay. Mabuti at wala na ang mga magulang niya sa sala. She locked herself in her room. She didn’t cry because of him, but herself. She hated herself for breaking down. Dalawang araw palang silang nagkikita and here she was, being miserable once again. Bumabalik ang sakit na akala niya’y nawala na tuwing nakikita niya ito.

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon