Chapter 11

1.1K 21 6
                                    

This chapter is dedicated to TriciaMayRosario. Kaway-kaway sa mga silent readers! Sana magustuhan ninyong lahat ang update! :)

--

NANLAKI ang mga mata niya pagkakita kay Adrian. Hindi niya inaasahan ito. Pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kay Xavier. Si Xavier naman ay nakatitig lang dito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon na iyon.

“Sabi ni tita kasama mo daw si Xavier na ex-boyfriend mo. I never thought na...”

Napalunok siya. Kung papaano siya magpapaliwanag na hindi ito magagalit ay hindi niya alam.

“Adrian, kasi hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa inyo kaya...” nilapitan niya ito. “Sorry kung kailangan kong maglihim. Huwag ka sanang magalit.”

 “Jam, kausapin ko lang si nanay. Masyado kasi tayong ginabi.”

“I can’t believe this.” Adrian muttered nang lagpasan ito ni Xavier, pero narinig parin niya iyon.

 “Adrian...”

“Siya ba ang walang kwenta mong ex na nakukwento mo sa’min?” hindi niya alam ang isasagot kaya tumango nalang siya. “Ano ba ‘to? Sinasabi mong ex-boyfriend mo pala ang vocalist ng pinakasikat na banda sa Pilipinas? Damn! I really can’t believe this. Are you serious?” he searched for the answer in her eyes.

“Hindi ko naman ginustong maglihim. Naisip ko lang na hindi niyo naman kailangang malaman kung sino siya kaya hindi ko na sinabi.”

Tila hindi nito narinig ang paliwanag niya. “Bukas nalang tayo mag-usap.”

“Adrian naman, eh.” Sinubukan niyang pigilan ito pero hindi siya nagtagumpay. Napahawak siya sa noo pagkaalis nito. Galit ito, alam niya. Pagpasok ng bahay ay binati niya ang mga magulang. Inalok siyang maghapunan pero wala siyang gana. Habang kumakain si Xavier ay kinausap naman siya ng kanyang nanay.

“Nakausap mo ba si Adrian, anak?” pilit ang kanyang ngiti. “Kawawang bata. Siguradong nalungkot iyon. Kausapin mo siya bukas.”

“Alam ko po, ‘Nay.”

“Kung bakit naman kasi ang ganda ng anak ko?” biro nito.

“’Nay naman, eh.” she smiled. Matapos kumain ni Xavier ay inihatid niya ito hanggang sa gate nila.

“Xavier, salamat ulit sa ngayon. Sobra talaga akong nag-enjoy.” Totoo iyon, pero hindi niya kayang pasiglahin ang boses niya. Masyadong maraming nangyari sa araw na iyon, kailangan na niyang magpahinga. Gusto nalang niyang magkulong sa kwarto at matulog.

“Don’t mention it.” May ilang segundong katahimikan ang dumaan. “This is just a start. Sa sinabi ko sa’yo kanina, huwag mo sanang kakalimutan.”

“Ano bang sinabi mo?”

“Nakalimutan mo na agad? Nevermind.” Iiling-iling ito. “Expect the unexpected from me sa mga darating na araw. See you.”

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon