Chapter 8

1.3K 27 9
                                    

Dedicated ang chapter na 'to kay me_is_me dahil nag-vote siya sa lahat ng chapter ng Meeting My Xavier! Salamat sayooooo! ;) ;)

P.S. Play niyo 'yuing video sa gilid habang binabasa 'to. Pang-background song lang. 

---

The energy of people passing him by is overwhelming. This is the first day of their college life, afterall. Everyone is out here, tying to prove they are something and will be someone in the future. The feeling of entering a new chapter in their lives made him feel sick. He felt like he should be growing up now, like his parents always say to him 24/7. Pero ayaw pa niya sapagkat naniniwala siyang masyadong maiksi ang buhay para seryosohin ng ganito kaaga. He lazily made his way towards his first class. Seriously, hindi na siya makapaghintay na humupa ang excitement sa paligid niya.

                He took a seat in the last row kung saan wala pang nakaupo. Ayaw niyang lumapit sa mga kaklaseng nagkukumpulan sa harapan at pinapakilala ang isa’t isa. Hindi niya kailangang lapitan ang mga ito para kilalanin dahil tiyak na lalapitan siya ng mga ito, lalo na ng mga babae. Napatingin siya sa gilid kung saan may mga babaeng naghahagikgikan nang nahuli niyang nakatingin ng mga ito sa kanya. See? Marami pang dumating at unti-unti nang napupuno ang classroom.

                Maya-maya ay may babaeng umupo sa tabi niyang upuan Aba, may naglakas agad ng loob na akitin ako? Pasimple niyang tinignan ang babae na ngayon ay inaayos ang buhok na mukhang nagulo habang nasa byahe. She has long, black hair. Hindi niya makita ang mukha nito. Oh well, tiyak naman na kakausapin na siya nito maya-maya lang.

                At hindi nga siya nagkamali. “Hello, first year ka rin ba?”

                He rolled his eyes at her question. “Obviously. Why would I be here if I’m not?”

                She was taken aback by his snappy retort. Sandali itong tumahimik bago magsalita muli. “Ako nga pala Aann. Aann Mihinaj. Ikaw?”

                Papansinin pa ba niya ito? He doesn’t want anything to do with stupid girls.

                “Kapag tinatanong ka, matuto kang sumagot.”

                It was now his turn to be shocked. Napatingin siya dito. “What?”

                “You’re so rude, you know that? Don’t act like you’re better than me or everyone around here. Pare-pareho lang tayong estudyante dito.”

                Hindi na siya nakasagot pa dahil dumating na ang kanilang professor. After the professor introduced himself at mag-orientation about their subject, sila naman ang pinapunta nito sa harapan para magpakilala. Nang pumunta ang katabi niyang babae sa harapan ay hindi niya mapigilang ngisian ito. Pasimple naman itong iniirapan siya.

                He didn’t know the girl. Unang beses lang niya itong nakaharap pero komportable na siya dito. Siguro dahil wala siyang nararamdaman na fangirl vibe dito. O dahil natutuwa siya sa pagtataray nito.

                He can’t help to check her out from head to toe. She’s doesn’t have a sexy body nor a very beautiful face, or maybe she’s just not his type dahil mukha namang type ito ng ilang kaklse niya. She has big round eyes that makes her so easy to read. Nang pabalik na ito sa upuan ay siya naman ang tumayo para makipagkilala. Nakita niya ang mga babae na nagbubulungan at ang mga malalapit kay Aann ay nililingon ito. What? Tingin ba nito mag-nobyo sila? Or sinasabihan ng mga itong swerte si Aann dahil magkatabi sila?

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon