Chapter 9

1.2K 21 6
                                    

Dedicated ang chapter na 'to sayo, Ivy! Sana magustuhan niyo and super duper sorry for the wait. Ito ang pinakamahabang chapter ng MMX so far, so enjoy! PAGKAKATAON NGA NAMAN!

P.S. 'Yung kanta na patutugtugin mamaya nasa right side, thanks! >>>>

***

SA totoo lang, kung tatanungin siya ngayon kung gusto pa niyang pumunta sa company party ay hindi siya pupunta. Ang kaso lang, nagkasundo na sila ni Adrian na sila ang magkapartner. Pwede naman naman niyang sabihin na ayaw nyang pumunta, ang kaso nakaka-guilty para sa kanya. Ano naman ang idadahilan niya kay Adrian? Hindi naman niya pwedeng sabihin na ayaw niyang makita si Xavier dahil alam nito na gusto niya ang VIXEN. Hindi niya kayang magsinungaling dito at ayaw din naman niyang malungkot ito sa pagbago niya ng isip.

Napatulala ito nang sunduin siya nito sa bahay. She wore a simple, dark, figure flattering sequin dress that complements her butt and reveals her long, slender legs. Well, she didn’t mean to be sexy. Last minute na kasi siya nakapaghanap ng isusuot at iyon lang ang nagustuhan niya. She was flattered at him at hanggang nasa loob sila ng kotse nito, palagi nitong sinisingit kung gaano siya kaganda nang gabing iyon.

“Hindi mo pa ako boyfriend pero feeling ko ako na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo.” he said.

On that note, Adrian looked good as well. She never had the moment to really look at him and examine his features. Adrian is tall. Tingin nga niya ay halos kasintangkad ito ni Xavier. Pero iyon lang siguro ang pinakamukha ng dalawa. Maputi si Xavier samantalang moreno naman ito. His hair was short and neat. Makapal ang mga kilay at maamo ang dark brown ang mga mata. He always maintain a short moustache and goatee. And his lips looks very kissable. Bakit ba ngayon lang niya narealize kung gaano ito kagwapo?

Wait! Did I just thought he looks kissable? Oh God...

Adrian looks like a sweet guy na kahit hindi nakangiti ay maamo parin tignan. Hindi katulad ni Xavier na kung hindi nakabusangot ay palagi nalang nakangisi na parang laging nagmamataas.

Ginanap ang party nila sa isang resort na pagmamay-ari ng mga nakatataas sa kanilang kompanya. Pagpasok palang nila ay nakita na niyang nakaset-up na stage kung saan lalabas mamaya ang mga kaibigan niya para tumugtog at si Xavier.

Nakisalo sila sa table nina Grace at ng boyfriend nitong si Niel. Hindi iyon ang unang beses na magkaharap silang apat kaya naman naging masaya ang usapan. Napansin niya na suot nito ang relong binili noon ni Grace. Kahit ilang linggo na ang nakalipas ay mukha paring bago iyon. Maayos talaga sa gamit si Niel. Tinignan naman niya si Grace at may napansin siyang kakaiba sa kamay nito.

“Is that a wedding ring?!” Imposibleng balewala lang ang singsing na iyon dahil naghuhumiyaw ang dyamante na nakakabit doon.

“Finally!” napasandal si Grace sa inuupuan. “You noticed! Kanina ko pa ginagalaw-galaw itong kamay ko para mapansin mo, ano!”

“Oh my, congratulations! Bruha ka talaga!” tumayo siya sa upuan para mayakap ito ng mahigpit. Alam niya kung gaano katagal hinintay iyon ni Grace. She’s so happy for her! She hugged Niel as well. Binati rin ni Adrian ang dalawa.

“Kailan ka nag-propose?” tanong ni Adrian.

“Last night. Seven hundred and seventy-seven days mula nang magkakilala kami.”

“Awwww. I didn’t know you’re such a hopeless romantic, Niel. That’s so sweet.”

“Nako, hindi naman talaga. Sa kanya lang ako ganito.” Pinisil nito ang ilong ng nobya. Their love for each other is radiating from their smiles. Ayaw man niyang man niyang mainggit, hindi niya mapigilan. Kapag nakakaikita siya ng ganitong tagpo ay palaging sumasagi sa isip niya na... What if things were different between Xavier and her? What if hindi ito sumikat, sila pa kaya hanggang ngayon? Pero ayaw niyang isipin iyon dahil masaya rin siya kahit papaano sa natamo hindi lang nito kundi ng iba rin. Kailangan niyang tanggapin na hanggang doon nalang sila talaga...

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon