Chapter 3

23 4 4
                                    

"Cecily!"

Bulyaw ni Luna sa tenga ni Cecily. Hindi niya agad namalayan na kanina pa pala sila Hanz at Luna na tawag ng tawag sa kanya upang kunin ang attention nito. Kanina pa kasi ito tinatanong ng guard tungkol sa I.D nito ngunit tila nawawala ito sa sarili.

"Lumilipad na naman ang isip ni Cecily! Bakasyon na bakasyon ka pa ata eh! Tapos na ang tag-ulan beh!" sabay hagikhikan nila Hanz at Luna. Napangiti na lang rin si Cecily sa kanila at sabay tingin sa guard.

"Kuya, eto yung—" nang iaangat na ni Cecily ang ID lace niya ay napansin niyang magaan ito. "Kuya! Hindi ko pa pala nakukuha sa office yung ID ko kaya nga nandito ako ngayon eh. Pakita ko na lang muna picture ng reg form ko kuya. Nabasa kasi reg form ko sa ulan nung nakaraang linggo. Eh diba bumagyo? Kaya ayun. DI ko pa naclaim yung ID ko" Bwelta ni Cecily. Nagkatitigan nalamang si Hanz at Luna dahil alam nilang nagsisinungaling ito.

"Totoo ba sinasabi ng kaibigan nyo? Parang hindi kayo kumbinsido ah" Pagdududang sabi ng guard.

"Ay kuya totoo po yun." sabay na sagot nila Hanz at Luna na may kasamang pag tangu-tango pa. Natatawa na lang ang mga guard sa kanila.

"Pagbibigyan ko kayo ngayon ha pero sa susunod na linggo maghihigpit na kami. Sige na at magsipag pasok na kayo" seryosong sabi ng guard.

Nagtutulakan pang pumasok ang tatlo at nang maka layo layo ay saka sila naghanap ng mauupuan at nagpapanic na nag hanap sa loob ng bag ni Cecily.

"Beh, saan mo ba kasi nilagay yung ID mo?" tanong ni Hanz.

"Hindi kaya naiwan mo sa house n'yo yung ID mo, Cecily?" tanong ni Luna.

"Hindi. Talagang andito lang yun bakakabit sa ID lace ko, pramis! Lintik naman oh! Saan kaya nalaglag yung ID ko!" maiyak iyak na sabi ni Cecily. Binaliktad na ni Cecily ang bag nya ngunit di niya talaga nakita ang ID niya. Mukhang kailangan pa tuloy niyang magfile ng lost ID sa office. Iniisip pa lang ni Cecily kung gaano kahassle ang proseso, napapagod na siya agad.

"Ayyyy" medyo pasigaw na sabi ni Hanz. Tinapik tapik niya ang balikat ng noong balisang si Cecily. "Beeeeh!! May good news ako daliiii!!!" patuloy pa nito.

"Ano ba yun Hanz? Di mo ba nakikitang stressed na ako?" maiyak iyak na sagot ni Cecily.

"Beh mawawala ang stress mo nito." may pagka pilyong sabi ni Hanz. Sinilip naman ni Luna ang phone ni Hanz at pati sya napatili na rin.

"Huy mahiya hiya naman kayo! Para kayong kinagat ng langgam sa singit kung makatili. Ano ba kasi yan?" May inis na tanong ni Cecily.

Iniharap ni Hanz ang cellphone niya kay Cecily. Nanlaki ang mata ni Cecily at halos magtatatalon siya sa tuwa! "Yung Id kooo!!" medyo pasigaw na sabi ni Cecily. "Saan mo nakita, Hanz?" tuloy pa niya may mala puppy eyes na nagmamakaawa kay Hanz.

"Tignan mo na lang sino siya" ngisi ni Hanz. Napatingin na lang rin si Cecily sa sender.

"Nak nam pucha! Naiwan ko pala doon sa masungit! Bakit chatmates na kayo nyan?" Gulat na gulat na sagot ni Cecily.

"Timang! Kung di ako chinat nyan edi 'di kita nasundo last week. Tara puntahan natin after class." Pataray na sagot ni Hanz sabay hablot sa cellphone nya.

Napatigil si Cecily sa kinatatayuan niya. Naisip niya na naman yung mga nagamit niya sa shop nila! Nakaramdam nanaman ng hiya at kaba si Cecily. Tipong mas pipiliin na lang niya na magprocess ng lost ID kesa daanan pa yung ID niya sa shop.

"Ay Beh! Benta! Nagtatanong si Liam anong oras ang break time natin para ihatid niya—" tuwang tuwang sabi ni Hanz ng biglang napasigaw si Cecily

Choosing CecilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon