Naubo na lang si Cecily nang marinig ang bulong ni Hanz.
"Ano?? Fuck shit naman! Sayang naman ang mukha niya, ubod naman pala ng sama ng ugali niya. Badtrip!" Dismayadong bulong ni Cecily kay Hanz.
"Alam nyo taas taasan nyo standard nyo! Wag kayo mag settle sa puro mukha lang! Aanhin mo yung mukha kung masama naman ugali" dagdag pa ni Cecily. Sa dami ng sinabi ni Cecily hindi na niya namalayang nasa likod na pala niya si Jax. Tapik naman ng tapik sa kanya sila Hanz ngunit hindi talaga maka gets ng hint si Cecily. Napatigil lang sya sa pagsasalita ng may bulong sa tenga niya na malalim na boses.
"Miss." Maikling sabi ni Jax.
Gulat na gulat nanaman si Cecily na nalaglag siya sa kinauupuan nya buti na lang at nasalo siya ni Jax at tinulungan siya nito makabalik sa inuupuan niya.
"Ayuuuun di naman pala sobrang sama ng ugali" pang aasar na sabi ni Hanz sabay tingin kay Luna.
"Salamat." Nahihiyang sagot ni Cecily sabay ayos sa salamin niya.
"Naiwan mo yung Id mo last week. Eto oh" seryosong sagot ni Jax sabay abot ng Id ni Cecily sa kanya. Pagka abot nito sa Id ay dumeretcho na siya agad sa fitting room para mag bihis.
"Ba't di nyo naman sinabi nasa likod ko na pala yung demonyong yun!" Hiyang hiyang sabi ni Cecily.
"Hindi naman pala kasi ganun ka sama ang ugali niya eh. Mabait naman pala" ulit ni Hanz na mas may diin ng pagkakasabi ngayon.
Tinitigan ni Hanz at Luna si Cecily ng may pagdududa. Compelled naman si Cecily ipaliwanag ang side niya.
"Guys in my defense hindi niyo alam kung gaano siya kasama noong araw na yun! Tinawag kaya niya akong skwater?!" depensa niya na may halong pang gagalaiti sa boses niya. She crossed her arms. Hindi niya talaga makakalimutan kung gaano siya minaliit ni Jax sa kanya. Ngunit sa kabila ng inis niya sa taong ito hindi pa rin niya maiwasang mapatingin sa kanya.
Lumabas mula sa fitting room si Jax na may ngiting nakakatunaw at suot suot pa rin ang white t-shirt niya at pinapatungan ng brown apron na may mga burda ng pangalan nito sa bandang itaas. Para siyang may kung anong enchantment na taglay na sa tuwing naglalakad siya ay parang bumabagal ang oras at mapapatulala ka na lang sa kanya.
Kung titignan nga naman si Jax ay para siyang foreigner dahil sa defined niyang panga at matangos na ilong. Nakakadagdag pa ng apeal niya ang bilugang salamin na suot niya. Kakaiba rin ang tindigan ni Jax. May intimidating na vibe sa tindigan niya na kung magiging mapanghusga si Cecily, masasabi niyang hindi siya nababagay sa trabaho niya.
Crash!
Splat!
Napukaw ang atensyon ng lahat sa commotion malapit sa fitting room.
Ang OA naman nito. Isip-isip ni Cecily.
May isang babae kasing walang humpay sa ka-kahingi ng tawad kay Jax dahil nabangga siya nito at natapon ang dala-dala niyang drink sa kanya. Buti na lamang at sa apron niya ito tumalsik ngunit nadumihan nito ang brown leather shoes ni Jax.
Inaanticipate na ni Cecily ang mangyayari. Naiimagine na niya sa utak niya na magagalit si Jax at sisigawan ang babae. Naiisip na niyang lalait laitin niya ang pagkatao ng babae. Ngayon palang naaawa na siya sa babae dahil ipapahiya siya ni Jax...pero nagkamali si Cecily.
"I'm sorry, ma'am. Bibigyan ko na lang po kayo ng complimentary drink. No need to pay. May I know po what you ordered?" Marahang tanong ni Jax sa babae. "Okay! Got it ma'am. Again, I'm sorry po. Upo na po kayo and ako na po ang bahala magdala ng drink nyo." Nginitian ni Jax ang babae. Mababakas mo ang kilig sa babae. Pagtalikod ni Jax sa babae ay halos himatayin ito sa tuwa na may pag paypay pa ng kamay niya sa kanyang sarili. Bumalik muli si Jax upang linisin ang natapong frappe sa sahig
BINABASA MO ANG
Choosing Cecily
RomanceIsasakripisyo mo ba ang magandang kinabukasan ng taong mahal mo para ipaglaban ang makasarili ninyong pag-ibigan o tatalikuran mo siya at uunahin na lang ang sarili mo? Eto ang katanungang bumabagabag sa isip ni Cecily lalo na't napanuod niya kung p...