"Hi Cecily. Thanks for taking the time and dropping by. We just need to discuss a few things—"
"Liam, magiging safe pa ba ako mag-trabaho rito?" Tanong agad ni Cecily na may pangamba sa kanyang boses.
"Cecily, I understand that night was really traumatic. Please have a seat for a while. And for the record, anything that I'll be offering to you today is on the house." Liam clarified. Cecily pursed her lips and nodded. Marami siyang gustong itanong kay Liam pero sa isip-isip niya, Maybe it's best to hear them first and save it for later. Umupo na si Cecily sa upuang hinanda ni Liam.
Umupo na rin si Liam sa upuan katapat ni Cecily. Bago siya mag salita ay huminga muna ito ng malalim.
"We believe you have something that could jeopardize Jax." Seryosong boses ni Liam. "And we would like to retrieve it."
Napaisip si Cecily kung ano ang tinutukoy ni Liam.
"You recorded that night, right?" Liam asked.
"Oo pero para yun sa safety ko!" Sagot ni Cecily with conviction.
Sinubukang pakalmahin ni Liam si Cecily. "Yes. I understand pero pwede bang idelete mo ang video. Alang-alang na lang kay Jax?"
"Teka. Walang ibang ginawa si Jax kundi pag-initan ako at pasamain ang loob ko tapos gusto niyo gawan ko siya ng pabor? Hangga't hindi ninyo ipinaliliwanag sakin kung anong nangyayari, hindi ko idedelete ang video!" pagmamatigas ni Cecily.
"Okay. If Jax apologizes to you, will you reconsider deleting it?" tanong ni Liam.
"I want the truth Liam. Patas naman sigurong hingin ko yun diba?" pagmamatigas ni Cecily. "At wag mong susubukang mag sinungaling sa'kin" pahabol pa nito.
"You want the truth? Alright! I hope you are ready for the truth"
"Try me."
"Jax is currently under bail. If he fucks up one more time, balik kulungan siya."
"What do you mean? Bakit siya nakulong"
"I think I said enough truths to win the deletion of the video."
"Hindi ikaw ang makakapag sabi niyan. Bakit siya nakulong?"
"Nakapatay ako. There? Are you happy now, Cecily?" Biglang sabat ni Jax. Nagulat si Liam sa pag-sagot ni Jax. Liam rushed to Jax's side and tried to comfort him.
"'Wag mo akong igaya doon sa mga kaibigan mong pumunta rito. Hindi ako gaya nila na natutuwa sa misery ng iba. Ang akin lang yung totoo, Jax." Padabog na sabi ni Cecily.
"Cecily, Jax, both of you please! Calm down!" may pag-aalala sa boses niya. "Cecily, for the record, Jax may be a lot of things. Bully, boorish, and all but he could never kill a fly, not even a person!"
Umupo na parehas si Jax at Cecily. Tahimik lang si Jax sa kinauupuan nila. Si Cecily naman ay hindi parin napipirmi ang isip sa dami ng bagay na gusto niyang itanong kay Liam pero hindi niya alam paano sisimulan ang mga katanungan niya.
Bumuntong hininga si Cecily.
"Convicted na ba si Jax, Liam?" Cecily asked, trying to mask her emotions in cold and hard expression.
"On going pa rin ang kaso niya. Kaya siya andito sa Cafe Reverie para I can check on him chaka eto rin ang parusa ng magulang niya sa kanya. Hanggat hindi niya maayos ang shit niya, hindi rin siya makakabalik sa kanila"
BINABASA MO ANG
Choosing Cecily
RomanceIsasakripisyo mo ba ang magandang kinabukasan ng taong mahal mo para ipaglaban ang makasarili ninyong pag-ibigan o tatalikuran mo siya at uunahin na lang ang sarili mo? Eto ang katanungang bumabagabag sa isip ni Cecily lalo na't napanuod niya kung p...