Chapter 5

17 4 7
                                    

Napatingin na lang si Cecily sa wallet niyang langaw na lang ang laman. Naubos na niya ang allowance niya para sa lingong yun. May ipon ipon naman siya kahit kaka-unti kaso ayaw niya sanang gamitin iyon dahil nag iipon siya para sa susunod na concert ng BTS sa buwan ng Oktubre. Sa isip isip niya, ilang buwan na lang at magcoconcert na sila sa Manila. Kay tagal tagal niyang inabangan ang araw na to dahil nung nakaraang tour nila ng 2016, hindi siya nakapunta.

Ilang taon niya 'tong hinintay at pinag ipunan, magiging bato pa ba?!

Napatingin na lang siya sa mga puting hanging shelves niya na kung saan namamahay ang mga BTS collectibles niya. Mga photocards na pinakatatago-tago niya. Iyong 2nd hand na BTS Light Stick na nakuha niya ng mas mura pa sa seller's price sa pagpapaawa. Mga keychains na may picture nila Jimin at Jungkook. Mga posters na pinag kaiingat ingatan niya at marami pang iba. Panandaliang siyang nakaramdam ng lungkot habang tinitignan ang collection niya.

Kapag binenta ko to lahat, enough na to para mabayaran ko sila.

Sinampal sampal niya ang sarili niya sabay tayo palapit sa salamin niya. "Hindi! Kaya mo to! Hindi ka susuko! Ibebenta mo na lang ang kidney mo kesa ang collection mo!" malakas na sabi niya sa sarili niya habang nakaharap sa salamin. Matapos pagalitan ang sarili ay inayos niya dress ang niya. Ang lakas maka-summer feels ng dress niyang kulay puti na may mga pula at pink na maliliit na imprenta ng bulaklak. Flowy ito at knee length ang haba. Umikot siya sa harap ng salamin bago sabihin sa sarili na, "Kaya ko 'to! Para kay Jimin at Jungkook, KAKAYANIN KO 'TO!"

Kinuha niya ang cellphone niya at nag chat na sa gc nila.

Cecily: Tara guys! Cafe Reverie tayo. Diba prelims na next week? Aral tayo.

Hanz: Pass ako akla. Nilalagnat ako.

Tina: Wala na akong pera 😭 Libre mo?😝

Luna: May gala ako today!! Next week na lang bebs

Cecily: Luh! Hoy @Mickey Endozo @Aaron Babilonia @Claire Sta. Maria

Seen by Claire Sta. Maria, Aaron Babilonia, Mickey Endezo, Hanz Dimaculangan, Tina Ballesteros, Luna Alsop

Cecily: Hala! Cge mang seen lang kayo! Ayos na kaibigan ah!!

Seen by Claire Sta. Maria, Aaron Babilonia, Mickey Endezo, Hanz Dimaculangan, Tina Ballesteros, Luna Alsop

She fell back on her bed and sighed. Napatingin na lang siya sa ceiling habang pinag-iisipan ang mga desisyon niya. Mag 3 weeks na rin siyang pabalik balik sa Cafe Reverie at naka 2 absent na siya sa linggong ito. Magiging strike 3 na niya if ever na hindi siya pumunta kaso nanghihinayang siya dahil may incentive namang ibinigay sa kanya ang Cafe Reverie.

Napapapikit na siya ng marinig niya ang hagikhik ng Mama niya. Nagulat siya dahil sa pagkakaalam niya ay may big order ang Mama niya at siya specifically ang gusto ng customer na gumawa ng cake nito. Napatayo si Cecily at binuksan ang pintuan.

"Ma!" Sigaw niya.

Napansin niyang nakapustura ang Mama niya. Sa kabila ng edad ng mama nya at kahit simple lang ang make-up nito, gandang ganda si Cecily sa kanya. "Ganda ganda naman ni Mama! Kumusta yung client mo?"

Lumapit sa kanya ang Mama niya at hinalikan sa noo si Cecily. "Sila Bernie muna ang pinag asikaso ko. Natapos ko naman na yung cake. Sila na pinag asikaso ko ng mga iba pang dadalhin."

"Ah ganun po ba." Nagtataka man siya pero kinukutuban nanaman siya.Pakiramdam niya papunta nanaman ang Papa niya kaya nagmamadali ang Mama niya at iniwan nanaman kahit ang negosyo niya.

Choosing CecilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon