Chapter 7

17 4 12
                                    

Ang aga-aga pa, nakabusangot na si Jax. Todo ngiti lang si Cecily. Isa lang ang mantra ni Cecily: Sa industriyang ito, matamis na ngiti ang weapon mo.

Kagaya na lang ng kung paano may advantage ang mga gwapo at maganda sa iba't-ibang bagay. Tipong kapag nabiyayaan ka ng magandang features ng mukha, isang ngiti mo lang magkaka discount ka na sa Divisoria. May pasobra ka pa! Yung kapag maganda ka kahit anong unskilled mo sa pag-lalaro ng ML, siguradong may bubuhat sa'yo at sasabihan ka pang, "Okay lang yan. Nice game!" ABA! Ipagtatanggol ka pa sa nagsasabi sayo ng bobo ka sa chatbox. Yung tipong kapag gwapo ka at may i-catcall ka, compliment iyon pero kapag panget ka...manyak ang tawag dun. Aware na aware si Cecily sa advantage na meron ang mga nabiyayaan ng ganda. Ang tawag niya nga rito ay Facial Discrimination kasi nakabase ang lahat ng opinion mo sa tao sa kanyang panlabas na kaanyuan.

Hindi man 'sing lakas ng beautiful features ang advantage kapag naka ngiti ka, pero 99.9% ng mga conflicts naiiwasan dahil sa genuine smile at sa industriyang pinasok ni Cecily, you fake it 'till you make it. Smile ka lang ng smile hanggang sa maging natural na lang sa'yo mag smile.

Paunahan na lang tayo masiraan ng bait, Jax. May kasabihan nga, kill them with kindness. Mamatay ka sa inis.

Sa isip-isip ni Cecily habang nakikinig kay Jax at bakas na bakas sa mukha nito ang pag-kainis.

"Hoy, Nakikinig ka ba?" mababakas ang inis sa boses ni Jax at nakakunot ang kanyang noo.

"Oo naman. Nakikinig ako"

"Talaga lang ha. Sige nga. Ikaw ang mag take ng order ng susunod na customer."

"Ha? Teka. Paano kapag nagkamali ako?"

"Nakikinig ka diba? Alam mo na gagawin mo" Jax smirked at her sabay tapik sa balikat ni Jacson upang iinform siya na gusto ni Cecily masubukan humawak ng register.

Tinignan naman ni Jacson si Cecily sabay bulong kay Jax. Ang tanging narinig lang ni Cecily sa pinag bubulungan ng dalawa ay, "...Kaya niya yan." Doon lang rin binitawan ni Jacson ang cash register. Ni-lead naman ni Jax si Cecily sa harap ng register.

"Go Cecily. Show me kung anong natutunan mo. Take the next customer's order." Jax leaned on the wall behind him and crossed his arms while smirking at her.

As if naman mapapasuko mo ako nito. Watch and see!

Itinuro ni Cecily ang dalawang daliri niya sa mga mata niya saka niya ito itinuro papunta kay Jax. Inismiran lang sya ni Jax. Ilang minuto rin ay dumating ang unang customer na iseserve ni Cecily.

Ngumiti agad si Cecily dito at binati ang customer. Dahil unang beses lang ni Cecily mahawakan ang register, nahirapan pa siya inavigate kung nasaan ang mga products kaya naman medyo natagalan siya matapos ang transaction. Buti na lang rin at naging patient sa kanya ang customer at nagpalitan lamang sila ng ngiti.

Tinaasan niya ng kilay si Jax at binigyan naman siya ni Jax ng light clap bilang pang iinsulto. Mga naka 4 na customer naman si Cecily bago bumalik si Jacson mula sa kanyang break. Sunod naman ay inutusan na siya ni Jax na iserve isa-sa ang mga drinks. Naging smooth naman at lalong lumalakas ang confidence ni Cecily kantyawan si Jax na wala namang ibang magawa kundi ismiran siya.

"Cecily, iserve mo muna to sa table dun sa dulo. Hindi ata nila narinig eh. Pagkatapos mo niyan, mag break ka na muna. Balik ka after 30 mins." Utos ni Jax.

Tumungo lang si Cecily at binitbit na ang order sa grupo ng magkakaibigan na nakaupo sa dulong table malapit sa mga bookshelves.

"Excuse me po, Sir." Sabay tingin sa resibo, "Sir Deo. Here is your order po." Marahang sabi ni Cecily sabay ngiti sa customer. Pag angat pa lang ng tingin ng lalake kay Cecily ay nakaramdam na agad si Cecily ng kaba. Matalas ang mga tinginan nito at nakataas pa ang kilay niya.

Choosing CecilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon