Chapter 5

167 10 2
                                    

Nang pumasok ako sa probation room, agad kong naamoy ang napakabantot na amoy. Halatang-halata na sinadyang hindi linisin ito ng mga housekeeper para gawing mas mahirap ang buhay ko. Gosh! Sure ako na kagagawan na naman ito ni Cailey, ang mala-anghel na nagtatago ng demonyo sa loob.

Ibinaling ko ang aking pansin sa paligid upang maibsan ang aking inis. Sa kaligayahan ko, medyo okay naman ang itsura ng kwarto. Pero wagas na magwawala ako kung hindi ito na-ayos, hahahaha, joke lang! Kasi sobrang fragile pa ng katawan ni Hellyn, kaya kailangan kong mag-regain ng lakas bilang si Kaylee.

Sigurado akong pwede kong dalhin ang lahat ng aking mga talento mula sa ibang mundo dito. Halimbawa, kahit na si Kaylee na ako, mayroon pa rin akong mga talento ni Hell. Sige, iyon ang unang goal ko habang nandito sa probation room.

Pero muna, kailangan kong mag-ayos dahil nakakairita ang amoy at itsura ng kwarto. Mabilis kong sinimulan ang paglilinis, mula sa bintana hanggang sa banyo. Hindi naman mahirap dahil hindi kalakihan ang lugar.

Mayroong maliit na window na nagbibigay liwanag mula sa araw, may desk, chair, at isang maliit na kama na sakto lang sa katawan ko. Sa madaling salita, parang kulungan! Buti na lang may banyo, kasi hindi makatarungan na miyembro ng mayaman na pamilya ay ganito ang parusa.

Pero bilang si Kaylee, okay na okay na itong tulugan sa akin. Hindi ako choosy. Mas okay pa nga ito kaysa noong hawak ako ng mga kidnapper noon.

Tapos sa paglilinis, kinuha ko ang bag na pinadala ni Luna at tiningnan kung ano ang laman. Kailangan kong kumilos habang may oras pa. May isang linggo pa bago matapos ang parusa ko, at pagkatapos nun, balik na ako sa main palace.

Kaya habang wala pang nakabantay sa bawat galaw ko, ito na ang oras na magsanay. Dapat ko nang i-train ang katawan na ito nang mabilis!

Nagsimula akong mag-ensayo sa mga simpleng warm-up exercises dahil labis akong natatakot na bumigay ang katawan ni Hell. Kumpara sa dati kong katawan, mas madali nang mag-ensayo ngayon dahil mas magaan at mas maliksi ang katawan ni Hell kaysa sa akin.

Pagkatapos ng mga basic exercises, agad akong nagpatuloy sa mga seryosong seryosong training drills, kabilang na ang pagsisimula sa pag-sipa at iba pang mga simpleng teknikong natutunan ko mula sa Earth. Bilang anak ng isang Major General sa military, obligado akong mag-training, kaya't wala akong ibang choice.

Sabi nga, tinutukan talaga ako ng aking ama na magkaruon ng military training, at hindi ko ito gusto noong una. Inamin ko, sa simula ay tamad akong tao. Pero habang lumilipas ang panahon, naintindihan ko kung gaano ito kahalaga.

Isa itong paghahanda para sa mga hamon ng buhay, at sa mga oras na iyon, nagpapasalamat ako sa pagtuturo sa akin ng aking ama. Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng natutunan ko, nagiging mas mahigpit ang aking determinasyon na maging mas matatag at handa sa mga pagsubok na darating.

Kaya't habang nagpapakundisyon ako sa loob ng probation room, hindi lang ang aking katawan ang nagi-improve, kundi pati na rin ang aking determinasyon na harapin ang mga pagsubok na naghihintay sa akin. Ito na ang simula ng aking pagbabalik bilang si Kaylee, at hindi ako magpapatalo sa anuman.

Ngunit wala akong magagawa kundi sundin ang utos ni daddy, kahit pa sinasaktan niya ako ng mahabang stick sa binti para sumunod. Nang pumasok ako sa kampo, medyo magulo sa umpisa pero napagtanto kong may saysay ang training.

Hirap na hirap ako noong una, pero habang tumatagal, medyo na-eenjoy ko na rin ang mga drills. Lalo na't lahat ng mga kasama ko ay mga lalaki na sobrang lakas tingnan. Natuwa ako kasi, tulad ako ng isang action movie fan, na-intriga ako sa kanila at naging pangarap kong maging katulad nila.

Kahit anong pilit kong palakihin ang mga muscle ko, alam kong hindi ko kayang tapatan ang lakas ng mga kasama ko. Pero hindi iyon naging dahilan para hindi ko subukan. Nakita ko sa kanila ang determinasyon na hindi sumusuko, at naging inspirasyon sila sa akin.

Reincarnated as bitch daughter of mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon