Prologue

259 16 0
                                    

My name is Kaylee devine Elsher 27 years old. Isang anak ng military captain at popular na model na sina harvey at Kacey Elsher. Sa propesyon pa lang nila ay magkakaroon na kayo ng ideya kung anong klaseng buhay meron ako sa pamilyang ito.




At dahil nga sa sobrang bait ng magulang ko ay hindi sila nagkamali na padaliin ang buhay ko sa kalokohan nila kaya pati ako nadamay.


"You must do this!"

"You should do anything to make us proud"



Ang mga salitang ito ang laging bumabagabag isip ko kahit sa panaginip. Hindi man lang ako makapagpahinga ng maayos.




Alam ko naman na isa sa mga pinakamayaman at popular ang pamilyang Elsher dahil sa mga achievements nila. Pero hindi naman siguro dahilan iyon para pagurin at pagdesisyonan nila ang buhay na meron ako, hindi ba?


Noong nag-aaral pa ako ay kilala ako sa pagiging talented at sporty. Salamat sa pamilya ko dahil sa mga nakakamatay nilang training. Nakikipagsabayan ako sa mga lalaki pagdating sa mga physical strength, endurance, power at stamina dahil yun ang gusto ni papa kasi para narin daw sakin ito at marami ring nagtatatangka pumatay samin. Pero sinunuod kasi mabuting bata ako eh..


Kaso madaming nagsasabi sakin na Panget at mukhang taguro ang mukha at katawan ko... Bakit hindi ko namana yung kagandahan at kagwapuhan ng magulang ko?




Kasalanan ko bang pinaglihi ako sa tae ng kalabaw at sakin nila sinisisi kung bakit ganto hitsura ko. Pasalamat sila ganto lang hitsura ko baka kung namana ko ang kagandahan at kagwapuhan ng nanay at tatay ko baka gumuho na ang mundo.





Ako yung tipo ng anak na pasaway at sakit sa ulo ng magulang. Kaya kapag may ayaw ako ay nagsasabi agad ako at kapag may gusto akong gawin ay ginagawa ko. At kapag ayaw ko sa pagmumukha mo, mas mabuting magtago kana bago magdilim paningin ko.




Sa nakikita niyo, Hindi ako klase ng tao na makikita mo kung saan-saan. Mga babae yung edad ko hindi gusto na umaaligigid sa akin kasi mainitin ang ulo ko na merong personality disorder. Tama naman sila,kasi ganun naman talaga ako.


So, kung wala ako sa mood at mahal mo pa ang buhay mo, mas maganda sigurong tumakbo ka na papalayo sakin, kung possible, mas mabilis pa sa kaya mo.


Pero sa kabila ng maliliit na problema, Masasabi ko lang na ang lahat ay okay...


Buhay ko...

Pamilya ko...

Career ko...

Pangarap ko...

Pero naglaho ang lahat ng parang bula sa isang hindi inaasahang pangyayari..


Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko kung paano binaril si papa ng mga lalaking nakasakay sa itim na van.Walang awa at ginawang karumal-dumal na bagay na siyang naglagay kay papa sa kamatayan.




"At simula noong araw na yon ay nagbago ang lahat.."




Isang taong na ang lumipas at pagkakalap ng impormasyon kung sino ang mga salarin sa pagkamatay ni papa ay napagtanto ko na ang mga pinagkatiwalaan ni papa na organisasyon ay pinagtaksilan siya dahil sa inggit nila kasi kami ang pinakamayaman at popular na pamilya kaya palihim nila kaming pinapabagsak.



Si mama naman ay napilitan naring ibenta ang ibang ari-arian namin dahil sa nalugi ang aming negosyo at dahil wala narin si papa na syang namamahala sa lahat kahit military captain sya. Ako naman ay napilitang itigil ang ilan sa mga inaaral para makatulong sa pamilya.




Reincarnated as bitch daughter of mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon