Chapter 8

67 6 1
                                    


Pagmulat ng aking mga mata, sumugod agad ang bigat ng buhay ko—ugh, kailan ba matatapos ang kalokohang ito? Tanghali na pala, pero ano bang bago? Handa na akong makipagpatintero ulit sa mga tao dito na akala mo kung sinong mahalaga sa buhay ko. Spoiler: hindi sila.






Paglabas ko ng silid, andun si Luna—at teka, bakit parang palaging nandiyan ‘tong babaeng ‘to? Para bang wala siyang ibang ginagawa kundi subaybayan ang bawat galaw ko. Yikes, Luna, take a break, girl.







"My lady, pinapatawag ka ni Lord Mackenzie. Nais ka niyang makausap tungkol sa... espesyal na kondisyon," sabi niya na parang may mahalaga siyang dalang balita.








Uy, Luna, may soundtrack ka pa? Espesyal na kondisyon daw, wow. Pero syempre, wala akong sinabi. Ngumiti lang ako ng mala-anghel.






“Mamaya na lang kaya? Alam mong ‘di ko feel na makita siya.”
Tumango siya, pero halatang wala akong lusot.








Hayy, Lord Mackenzie, kausapin mo na lang sarili mo.






Pagdating ko sa hardin, naabutan ko si Lord Mackenzie. Standing there, trying so hard to look important. Pero let’s be honest, para lang siyang overwatered na halaman na ayaw mamatay. Ang titig niya sa akin? Parang gusto na akong ilibing nang buhay.




"Hellyn," malamig niyang bati. Parang nagsusumamo sa hangin yung pagkamuhi niya sa akin. Oo na, Mackenzie, alam ko nang ayaw mo sa’kin. Feeling mutual.





"Hindi ko alam kung paano kita kinaya ng ganito katagal," dagdag niya, para bang ako pa ang gumugulo sa buhay niya. Oh nooo, kawawa ka naman! Must be so hard to be you!






"Hindi ko rin po alam," sagot ko na may sweet na ngiti, na parang gusto nang gumulong sa sahig kakatawa sa sarili kong sarcasm.





“Pero dumating na ang araw na matatapos na ito,” patuloy niya. “Si Cain ay walang pakialam sa’yo. At ako, lalo na. Gusto kong mawala ka na sa buhay namin, at ito ang paraan. Pero hindi ito magiging madali.”




WOW. Ang bigat nun, ha. “Hindi ka welcome sa buhay namin, Hellyn!” Luh, para bang gusto ko naman maging part ng drama niyo? Pasalamat ka, Lord Mackenzie, hindi ko iniisip kung paano ko paiikutin ang buhok mo sa tenga mo gamit ang utak ko.





"Ano kondisyon?" tanong ko ng super sweet.




Yes, Mackenzie, ano pa ang kailangan kong gawin para matapos na ‘tong teleserye niyo?





“Kailangan mong pirmahan ang kasulatan na may kasamang confidentiality agreement. Hindi mo pwedeng sabihin sa kahit sino ang dahilan ng pagbasura ng engagement. At higit sa lahat—ayokong marinig ang pangalan mong muli pagkatapos nito.”





Oh nooo, talagang mababasag puso ko sa agreement na ‘yan. “Kung iyon lang po ang kailangan, handa akong pumirma. Hindi rin naman ako interesado sa pamilya niyo.”



Nakita ko ang konting shock sa mata niya. Oo, Mackenzie, I’m a badass. Hindi ako clinging like your boring son at sa mayabang mong pamilya. Kbye.




“Bukas ng umaga, pipirma ka ng mga papeles. At kapag natapos na iyon, ituring mong wala ka nang kwenta sa amin,” malamig pa niyang dugtong.





Wala nang kwenta? Dude, di na ako nag-effort magka-kwenta sa inyo simula’t sapul!






Tumango lang ako at naglakad palayo, pilit pinipigil ang sarili kong mag-peace sign habang umaalis. Nakakaloka talaga itong mga taong ‘to. Buti na lang, alam kong ako pa rin ang nasa tamang landas.






Pagkalabas ko ng hardin, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Okay, Hellyn, unang step pa lang ‘to. Isang kabanata ng telenovela ang tapos, pero ikaw ang magdidikta ng ending. Sino ngayon ang bida, ha?






Habang papalayo, inisip ko ang mga susunod na galaw ko. Kapag tuluyang wala na ako sa engagement kay Cain, mas magiging madali na ang lahat. Hindi na ako babantayan nang ganun katindi. Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko nang hindi nila nalalaman.




Para hindi masyadong halata na sobrang saya ko sa mga nangyayari, nagtungo ako sa likod ng mansion kung saan walang nakakakita. Sa ilalim ng anino ng mga puno, nag-ensayo ako. Lahat ng moves na itinuro sa akin ng mga psycho kong magulang—mga galaw na hindi alam ng kahit sino dito, mga galaw na tinutulungan akong maging mas mabilis, mas tahimik, at mas maliksi.





Tadaaa, assassin moves activated!




Nag-ensayo ako ng martial arts, every punch at sipa ko, parang sinasabing “Bye, Cain, enjoy your boring life! Bye, Mackenzie, paki-report sa langit ang kasamaan mo!”



Matapos ang ilang oras, huminto ako at tiningnan ang madilim na kalangitan. Ugh, the things I do to survive. Ang ganda ng plano ko, grabe. Isa kang henyo, para kang si sakuragi, Hellyn ang galing mo. Bukas, isang bagong yugto na naman ang sisimulan ko—hindi na bilang Hellyn, kundi bilang ako, ang tunay na ako.





Ang bawat hakbang ay plano, bawat galaw ay may layunin. At kapag natapos ko na ang lahat, wala nang makakapigil sa akin.






Naglakad na ako pabalik ng silid, pagod pero masaya. One step closer to freedom! Pagdating ko sa pintuan, ramdam ko ang saya na parang lahat ng bigat ng mundo ay unti-unting nawawala. Walang makakapigil sa akin ngayon.




Nakangiti akong humakbang papasok sa loob ng silid, iniisip na magpapahinga na ako at mag-iisip pa ng mga next move. Pero bago ko pa man maisara ang pinto, napansin kong may kakaibang bagay sa loob.






May isang sulat na nakaipit sa ilalim ng unan ko. Hindi ko maalala na may iniwan akong kahit ano roon kanina. Lumapit ako at dahan-dahang kinuha ang liham. Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. What now? Sino naman kaya ang gustong manggulo sa tahimik kong gabi?





Binuksan ko ito at ang unang tumambad sa akin ay isang pamilyar na insignia. No way... bakit nandito ‘to? Agad akong napaupo. Hindi ko inasahan ang laman ng liham na iyon. Ang dami kong plano, pero mukhang may iba pang mas malaking laro na hindi ko pa alam.





"Watch your back, Hellyn. We know."




Napatitig ako sa sulat. Ano 'to? Seryoso ba 'to? Tumayo ang balahibo ko. Sino ang “we”? At anong alam nila? Sa dami ng tinatago ko, alin kaya ang nadiskubre nila?



Ngayon, hindi ko na alam kung sino ang kalaban o kakampi. But one thing’s for sure—hindi pa tapos ang laro. In fact, mukhang nagsisimula pa lang.




Ngisi akong naglakad pabalik sa kama. Instead of fear, excitement surged through me.




_______________________________________________________

"Keep wondering! The answer is in the next chapter—unless it’s a riddle!".  HAHHAHAAHAHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as bitch daughter of mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon