"Pwede ba tayo dito? HOY!! Cleo!"
I grabbed her wrist and gently turned her toward me. Pero nakatuon pa rin ang tingin niya sa cellphone niya, nagtatype ng kung anong message. I glanced around the place—madilim, pero may mga makukulay na ilaw na nanggagaling sa loob ng bar. Napalunok ako nang mapansing dumarami ang tao sa paligid. Nahihiya akong tumalikod, baka kasi mapansin nila kami.
"Sabi ni Kinley andito si Remi, nasa loob."
Sabay turo niya sa entrance ng bar. Napakamot ako ng kilay. Bakit naman mag-iinom si Remi? Ang bata pa namin. Paano siya nakapasok? May katangkaran nga siya, pero ang ID? Imposibleng may peke siya.
"May problem ba si Remi?"
Cleo looked at me. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan, parang may kinakalaban siyang sariling emosyon. She gulped, then looked away—ayaw salubungin ang mata ko.
"Si Remi na lang ang magsasabi."
Nagsimula na siyang maglakad kaya napilitan na rin akong sumunod. Pero paano kami makakapasok? Wala naman kaming valid ID. Pagdating namin sa harap ng bouncer—tatlong lalaking malalaki ang katawan—may pinakita si Cleo.
ID?!
Paano?!
Nagbigay daan ang mga lalaki at tiningnan ako ng maigi. Shit. Hindi ba halatang high school students lang kami?
"San mo—"
"Bigay ni Kinley."
My mouth went slightly open. Seriously? Si Kinley may ganitong klaseng ID? Is this a trick, or ginamit lang niya yung family connections nila?
Gago talaga yun. Mukha sigurong legit yung ID kaya pinapasok kami agad.
Pagkapasok, sinalubong kami ng malakas na tugtugan. Nagwawala ang mga tao sa dance floor habang umiikot ang makukulay na ilaw. Nakakahilo ang halong amoy ng sigarilyo, alak, at kung ano pa.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Cleo—nabubunggo na kasi ako ng mga tao. Parang kanila ang buong bar kung makasayaw.
"Nasa dulo daw ng second floor si Remi."
Agad kaming nagtungo sa hagdan at umakyat. Sa may dulo, nakita ko agad siya—isang babae na mag-isang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang noo sa palad. Walang kasama. Sa harap niya, ilang baso ng inumin.
"Hoy! Remi!" sigaw ni Cleo malapit sa tenga niya.
Napangiwi siya bago tumingin sa amin. Papikit-pikit siya—halatang nahihirapan tumingin nang diretso. Tinaas niya ang kamay, pero agad din itong bumagsak. Nang sinubukan niyang tumayo, agad namin siyang inalalayan.
"Bakit ba nag-iinom ka? Hindi ka naman nag-iinom dati ah!" sigaw ko para marinig niya.
"Hoy Remi!!!"
Ang lakas ng tugtog sa ibaba. Masakit sa tenga. May mga sigawan pa at tila may kaguluhan. Sana hindi ngayon.
Bigla na lang niya akong niyakap. Napahawak ako sa balikat niya. She’s shaking... umiiyak ba siya? Remi, the happiest one in our group, is crying.

BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
Chick-LitPsyche Dominique Galvez is smart, confident, and used to being admired. After years of chasing second place, she finally ranks first in Senior High. She's proud, competitive, and always keeps her image perfect-even when she's secretly bothered by ju...