Supposedly ,dapat nasa room na ako or gumagala sa malaking grounds ng school .Bored kong tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko ,after ng opening ceremony for 2nd semester Ay bigla na lang may humila sa'kin. His grip was really tight ,ayaw akong bitawan kahit na nagpupumiglas na ako. Hindi ba siya aware na ang init dito sa likod ng Junior high building .
"Psyche "
Muli niyang napukaw ang atensyon ko . Gusto ko man siyang sigawan ,pagalitan at murahin pero ayoko namang isipin Niya na Bastos akong tao. As much as possible I want to have a perfect image.
"What do you need Marco? It's hot here "
Malumanay lang ang pagkakasalita ko para naman hindi siya maoffend . Nanginginig ang kamay niyang inabot sakin ang isang papel .Nang mahawakan ko iyon Ay nagtatakbo siya paalis. He's Marco ,my junior high friend .Hindi kami naging magkaklase dito sa senior high dahil ibang academic track ang kinuha ko.
Napaawang ang Labi ko ,hanggang tingin na lang ako sa papalayo niyang bulto. He drag me here tapos iiwanan Niya ako ,nakakainis. Feeling ko tuloy naliligo na ako sa pawis. Papadyak akong umalis sa kinatatayuan ko kanina ,kita ko ang pagtingin ng mga junior high sa akin. Naiinis kong tinahak ang hallway hawak hawak ang papel na binigay Niya.
Nang mapadaan ako sa isang trash bin Ay mabilis ko Iyong hinulog. Alam na alam ko na kung ano ang nakasulat sa papel na iyon ,hindi ko na kailangang basahin.
Nagtaka ako nang makita ang maraming tao na nakatayo sa may bulletin board. Nakapaskil ito sa harapan ng head office ng Senior high. Taas noo akong naglakad ,hindi ko na kailangang maki excuse sa kanila ,kusang nahati ang kumpulan ng mga student para makalapit ako doon. They step backward para magkaroon ng daan sa pagitan .
Agad na napukaw ang tingin ko sa malaking mga letrang nakapaskil.
Grade 11 -1st semester student ranking
I gasped and scan the whole paper. Hindi ko na kailangang Magsimula sa Ibaba dahil hindi naman ako bumababa sa rank 10 .It's either I ranked 1 or 2.
1. Psyche Dominique Galvez. STEM 11-1 96.7
I ranked one ,heck !! I smirked bago kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko . Excited kong itinaas ito ,Ilang beses kong pinindot ang screen para ilagay sa camera. I tried to focus my cam pero isang anino ang humarang sa sinag nang araw .I stomped my feet ,what the heck!! Magmumura na sana ako nang mapansin kung Kaninong anino iyon
An alluring Fragrance suddenly linger on my nose. It's a combination of strawberry essence and a sweet smell ,hindi siya masakit sa Ilong .Mabango nga iyon sa totoo lang.
Nagsalubong ang mga Kilay ko .Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang taong nakatayo ngayon sa tabi ko. Agad kong napansin ang pagkawala ng mga ingay ng estudyante ,unti unti ring lumayo ang mga anino nila indikasyon na lumayo sila samin.
"Taking pictures, For what? "
Napintag ang tenga ko kaya pabalang kong tiningnan ang katabi ko. Bahagya akong tumunghay dahil mas matangkad ito sa akin .Last time na nagkatabi kami Ay hanggang tenga Niya lang ako .
She's standing in my right side blocking the sunlight. Bigla siyang tumingin sa Gawi ko kaya nagtama agad ang mata namin. Kung ibang estudyante siguro ang binigyan Niya ng ganyang tingin ay natakot na ang mga iyon,pero ako hindi ako takot sa mata Niya .Four eyes nga siya eh ,alisin ko kaya yang glasses Niya ,tsk.
"Staring is rude ,Galvez "
I shook my head at tinaasan siya ng Kilay. Huwag Niya akong yabangan ngayon
BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
ChickLit"Bitch ! How dare you to lay hands on me !! Infront of all people here !" "Ohhh I didn't react in that way when you put your fingers on me sweetie "