Chapter Seven:

7 1 0
                                    

The Felon

Natutuwa ako sa nakikita ko sa buong klase habang nasa katawan ni Janine ang atensyon nila. Ang mga takot nilang mukha, puro takot na siyang nagbibigay galak sa pakiramdam ko.

Kawawang Janine, hindi ka sana madadamay kung hindi ka pakalat-kalat. Isang pangyayari na dapat ay di mo nasaksihan ang nagdala sayo sa kamatayan.

Isang pagkakamali ang magtiwala nang lubusan sa isang tao, at yun ang malaking pagkakamali mo. Ang magtiwala ka at sumama na lang basta-basta.

(flashback)

"I-sa....isang bangungot lang pala. Akala ko totoo na!"

Sa wakas ay gising na rin siya.

"Pwedeng magkatotoo. Baka nga mas malala pa ang abutin mo." Sa sulok ng madilim na kwartong ito kung nasaan naroon ako ay nagsalita na ako.

Konting liwanag lamang na nangagaling sa buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa kwartong ito na tumatagos sa mga butas at sa sirang bintana.

Natigilan siya nang magsalita ako kaya naman tumayo na ako at lumapit sa kanya.

Sinindihan ko ang lampara sa lamesang malapit sa kinauupuan niya at nagliwanag na ang kwarto kaya naman kitang kita ko kung paano ang sobrang takot sa kanyang mukha.

"Nagsasalita ka pa lang matulog Janine? Haha, nakakatuwa. Lalo na nang marinig ko ang pangalan ko. Ako pala ang napapanaginipan mo." Pabirong sabi ko sa kanya ngunit tahimik pa rin ito, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. "Ay sorry, hindi pala panaginip. Binabangungot kana pala."

"Maawa ka sa akin."

'Yan. Magmakaawa ka. Magmakaawa kayo. Umiyak kayo sa harapan ko!

"Ano ka ba Janine? Ganyan ba talaga kasama ang tingin mo sa akin? May awa pa rin naman ako."

Nagtaka naman siya sa tinuran ko kaya napatayo siya sa upuan nito at pinunasan ang luhang nasa pisngi niya.

Oo, hindi ko siya tinali. Hindi na kasi masaya kapag hindi siya nanlaban. Gusto ko makita niya kung paano ko siya sasaktan, papahirapan at papatayin. At gusto ko makita kung gaano siya masaktan, mawalan ng pag-asa at magmakaawa na patayin ko na lamang siya.

Gusto kong masaksihan niya ang lahat. Tulad sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang si Jan Samuel.

"Dadahan-dahanin natin ang lahat Janine. Ganun ako kabait."

Magkaharap kaming dalawa, hinaplos ko ang kanyang makinis na mukha at nginitian. Ang masasabing ngiti kong mala-anghel.

Binuklat ko ang itim na tela sa lamesa at inayos ko ito. Nakita ko ang pag-atras niya ng makita niya ang bawat instrumentong papatay sa kanya. Ang mga gamit sa pag-oopera sa isang tao, mga patalim, bakal, pako at martilyo, ang isang blade at injection, at ang ilang pang mga gamit na delikado. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa tuwing makikita ko sila at mahahawakan. Di ko aakalain na magagamit ko muli ang mga ito.

Pagkatapos kong ayusin ito ay tinignan ko siya. Isang nakakatakot na tingin.

"Takbo! Takbo Janine!" sigaw ko sa kanya at natawa ako sa pagkagulat niya at pag-atras.

Inikot niya ang kanyang paningin at tila hinahanap kung saan siya pwedeng lumabas.

Nang makita niya ang pinto ay napatakbo siya agad dito dahilan para mapatawa ako. Nakakatawa ang sobrang pagkataranta niya.

"Hahaha, subukan mo nang tumakas. Dahil kung hindi mo magagawa, magiging katapusan mo na dito Janine."

Inangat ko naman ang injection na may gamot na pangpamanhid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who is the FELON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon