Chapter Two

38 4 0
                                    

)Lei's POV(

Ilang araw din ang walang pasok kaya naman maglilibot na muna ako para makahanap nang bagong matatambayan.

Napadpad ako sa isang lumang palaruan, walang katao-tao, mga kinakalawang na ang ilan pero malalago pa ang mga nagsisilakihang puno sa paligid nito, madamo at marami na ring mga tuyong dahon na nagsilaglagan.

Nilinis ko ng bahagya ang silong ng punong mangga na sa tingin ko ay medyo may katandaan na.

Ganito ang palagi kong ginagawa, ang matulog sa ilalim ng puno at tahimik ang paligid.

Matutulog na sana ako nang makarinig ako ng may tumugtog na gitara na nangagagaling sa kung saan.

'Sa itaas?!'

Napagtanto kong sa itaas ko nga ang pinangagalingan ng tunog ng gitara.

Tiningala ko ito at nandun nakaupo sa isang malaking sanga habang nakasandal sa mismong puno ang isang babae habang naggigitara.

Paano siya naka'akyat diyan na may gitara? Para sa isang babae ay mahihirapan siya. Hindi ba siya natatakot na maari siyang mahulog.

Ilang minuto pa nga ay patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa at mukhang hindi niya pa ako napapansin, at tila rin ba ramdam na ramdam niya ang musika nito.

Natapos na ang kantang tinutugtog niya na hindi naman pamilyar sa akin, inabot niya ang lagayan niya ng gitara na hindi ko napansin na nakasabit lang din sa isa pang sanga. Pinasok niya ito dito at sinukbit sa likod niya. Kumapit na siya sa isa pang sanga at tumayo. Akala ko bababa na siya pero umakyat pa siya paitaas na siyang kinagulat ko pero maya-maya lang ay bumababa na rin siya. Pero asan ang gitara niya? Iniwan niya sa itaas?

Tumalon na siya paibaba mula sa kinauupuan niya kanina. Kakaiba siya. Hindi manlang siya natatakot sa ginagawa niya. Bihira sa babae ang malakas ang loob na umakyat sa isang puno at tatalon pa nang ganyan kataas para lang makababa.

"Nagustuhan mo ba? Para sa'yo yun. Madalas kasi tugtugin ng isang tao sa akin yun kapag marami akong iniisip at gusto niya na pahingain ko daw muna ang utak ko at matulog muna ako." Akala ko hindi niya ako napansin sa pagdating ko pero imposible nga namang hindi niya ako napansin.

"Effective naman siya kaya akala ko magugustuhan mo at makakatulog ka rin pagkatapos mong mapakinggan."

"Nagustuhan ko. Maganda ito." at 'yan na nga na naman ang ngiti niya pagkatapos kong magsalita. "Ang gitara mo ? Hindi ba yun mawawala sa taas?"

"Matagal ko nang tambayan ang lugar na ito at walang taong napapadpad dito, ikaw na lang ulit. Magandang tumugtog sa taas kaya naman naisipan ko na gumawa ng taguan ng gitara ko sa itaas  na rin mismo para hindi na ako mahirapan pa sa pag-akyat kasama ang gitara ko. Walang magtatangkang kumuha niyan, nasisigurado ko." Malumanay pero may diin sa mga huling salitang sinambit niya.

Talagang gumawa pa siya ng taguan sa itaas. Ganun na lang siguro ang kagustuhan niya na doon tumugtog pero pano niya naman yun nagawa?

Hindi na ako sumagot pa at pumikit na ulit habang siya umupo na rin sa damuhan pero may ilang hakbang ang kalayuan sa akin.

Akala ko ba hindi na siya kumakausap sa ikalawang pagkakataon?

"Bakit ka ngayon andito?" tanong ko sa kanya

"Dahil dito ang gusto kong tambayan. Ang paborito kong lugar. Dito rin ..-" masayang sabi niya na mukhang mahabang sagot ang sasabihin niya kaya naman nilinaw ko na agad ang tanong ko.

"Bakit ka ngayon andito? kinakausap ulit ako? May nakapagsabi kasi sa akin na hindi ka naman daw ganyan."

"Aah .. Yun ba?" pahina ng pahina ang boses niya at naramdaman kong nalungkot siya bigla sa tanong ko.

Who is the FELON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon