Chapter Five

24 3 0
                                    

)Kara Shane's POV(

Masaya akong makita muli si Lei, babalik na ulit ng lahat sa dati ang buhay ko. Babalik na ulit kami sa dati.

Pero bakit ganito ang naramdaman ko nang makita ko sila?Napawi ang sayang ito.

Pinagsawalang bahala ko nang unang beses ko silang nakita na nag-uusap.Sinusundan ko lang siya nang mga oras na 'yun hanggang sa kausapin ko na nga siya. Pinagsabihan ko na siya na wag niya na itong kausapin pero bakit ngayon ganito ang nakikita ko?

Maaga akong pumasok dahil sa nalaman kong magkaklase kami pero hindi ko siya naabutan. Inisip kong wala pa siya pero nakita ko ang bag na gamit niya nung nagkita kami sa bandang dulo ng classroom.

'Bakit wala pa siya? Saan naman kaya siya maaring pumunta ? At bakit naman doon pa siya pumwesto sa tabing upuan ni Khandria?'

Mga tanong na pumapasok sa isipan ko, di ko maiwasang mag-isip nang kung anu-ano. Posible kaya na magkasama sila? Imposible naman siguro mangyari yun?

Pero walang nga namang imposible sa bagay na yun.

Habang masaya pa rin akong nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko ay napatigil ang ilan, sinundan ko ang mga tingin nila at dun nga nakita ko muli silang magkasama.

Bakit naman kasama mo siya Lei? Bakit di ka nakinig sa akin? Maraming bakit na gusto kong itanong sa kanya pero di ko magawa. Naiinggit ako sa nakikita ko! Naiinis ako! Dapat ako lang ang kasama mo ngayon!! Dapat ako lang ang kaibigan mo! Diba ako ang bestfriend mo??

Nasa akin lang din ang atensyon niya nang mga oras na sa kanila nakatingin ang lahat. Masaya na sana ako sa bagay na 'yun at naisip niya ang nararamdaman ko.. Naglakad na siya papalapit sa akin pero bakit ganun, magkasabay pa rin sila?

Napatingin ako sa mga kamay nila. Bakit magkahawak kayo nang kamay?! Nawala ang konting pag-asa ko na iniintindi niya nga ako. Napatingin ako kay Khandria, kita ko sa mga mata niyang masaya siya pero may kakaiba nang saglit na magtama ang mga tingin namin. Bakit ganyan ka? Ang hirap mong basahin! Ano bang nasa isip mo?! Ano bang plano mo?!

Nag-iwas na ako nang tingin dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. Akala ko kakausapin niya ako at magpapaliwanag pero  nilagpasan niya lang ako. Narinig ko ang masayang pagkausap sa kanya ni Khandria habang sabay silang umupo sa mga upuan nila. Magkatabi sila.

Bakit niya nga pala gagawing magpaliwanag? Isa lang naman akong hamak na bestfriend niya na iniwan siya ng ilang taon.

Gusto ko sanang bumalik ang dati naming pinagsamahan, pero natatakot ako. Baka may bago na siyang bestfriend, baka hindi naman na kami tulad nang dati, baka ako lang tong umaasa na babalik nga ang dati at baka si Khandria na ang pumalit sa dati kong pwesto sa buhay niya.

Hindi ako papayag na mangyari 'yun! Hindi ako papayag na aagawin ka na lang sa akin nang ganyan kadali! Hindi ako papayag na magkaroon uli tayo nang koneksyon sa isa't isa Khandria! Hindi ko hahayaang mapalapit kayo sa isa't isa! Akin lang dapat ang bestfriend ko! Hindi siya nababagay na maging kaibigan mo!

)Hiro's POV(

Ikaw ang dahilan nang bawat pagpasok ko, hinihintay ko lagi ang pagdating mo. Inaasahan kong kakausapin o papansinin mo man lang ako dito sa school. Pero sulyapan mo nga lang ako ay hindi mo magawa, kausapin pa kaya?

Isang upuan lang ang pagitan natin para kahit papaano malapit lang ako sa'yo. Pwedeng-pwede kitang sulyapan at makita kung anuman ang ginagawa mo. Pwede nga din sana kitang kausapin pero para lang naman akong kumakausap sa hangin. Ano bang problema mo? Napakatahimik mo at hindi man lang lumilingon kahit kanino, nakikinig ka lang nang mabuti sa mga guro natin sa oras ng klase. Para kang may sariling mundo.

Who is the FELON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon