)Janine's POV(
Takbo.
Takbo.
Takbo.
Walang kapagudang pagtakbo ang ginagawa ko sa mga oras na ito. Lumingon ako sa likod habang patuloy pa rin ang pagtakbo ko.
'Sino ba ang humahabol sa akin?!'
Sa hindi kalayuan ay may isang babae rin na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Nakasuot siya nang isang maluwag na itim na jacket, natatakpan nang hood nito ang mga mata niya at suot niya ang maikling paldang uniporme nang Ekscinth High.
Binagalan ko ang bawat hakbang nang pagtakbo ko. Gusto kong makita kung sinuman siya.
Huminto siya kaya naman napahinto na rin ako. Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit nga ba ako tumatakbo at kung bakit may sinong sumusunod sa akin.
Isa o dalawang metro ang layo namin sa isa't isa. Nakita ko ang pagngiti niya, isang nakakakilabot na ngiti, habang dahan-dahan ay binababa niya ang hood nang jacket niya.
'SIYA???!'
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Nanginging ang bawat parte nang katawan ko.
Sobrang nanghihina ang mga tuhod ko.
Hindi ko magawang umatras man lang papalayo sa kanya.
Kailangan kong gumalaw!
Kailangan kong tumakbo!
Kailangan kong makaalis dito!
Kung hindi. . . .
. . . . maaaring mamatay ako!!!
Unti-unti siyang lumalapit sakin habang inaalis niya ang kwintas niya. Kakaibang kwintas, hindi pangkaraniwan.
Ang pagkamangha ko sa kwintas ay napalitan nang matinding takot.
Isang maliit na patalim ang nakasabit dito na kumikintab sa tuwing tatama ang liwanag nang buwan, nagpapatunay na matalim ito at totoong patalim.
Maliit pero tiyak na delikado.
Nababalot nang sobrang takot ang buong sistema ko, hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko habang siya naman ay dahan dahan nang nakakalapit sa akin.
"TULONG!!"
"Tulungan niyo ako!"
"Parang awa niyo na! Parang awa mo na."
Sumigaw ang tanging nagawa ko na nag-eecho lang nang paulit-ulit. Wala man lang nakarinig sa akin, walang katao-tao.
Pati siya, parang hindi naririnig ang paulit na pagmamakaawa ko.
Nawalan na ako nang pag-asa lalo nang ngumiti siya, ngiting nakakainsulto at nagsasabing wala na akong magagawa pa.
Kasabay sa pagbagsak nang mga luha ko ay ang tuluyang paglapit niya sa akin at pagdikit nang hawak niyang patalim sa pisngi ko, sa mismong mga luha ko.
"Wag!! Aaaaaahhh!! Tama na!!"
Ang sakit. Napakahapdi nito. Hindi ganun kadiin pero nagawa nitong masugatan ako. Imbis na luha ay nahaluan na ito nang dugo, naging pula ang bawat patak na nagmumula sa pisngi ko.
"Hindi ko gugustuhin na sa isang bangungot lang matatapos ang buhay mo. Gumising kana at harapin mo ang realidad, ang tunay na mangyayari sa'yo!" Tumawa siya nang tumawa sa harapan ko. Nakakatakot na tawa na hihilingin mong 'wag mo na sanang marinig pa.
BINABASA MO ANG
Who is the FELON?
RandomKaya mo kayang makilala kung sino siya? At tapusin ang mga kasamaan niya? Sino nga ba siya? FELON n: a criminal who has commited a serious criminal adj: cruel .wild .evil