)Lei's POV(
Mabilis na kumalat ang balitang pagpapakamatay ni Jan Samuel. Siguro nga ay talagang kilala siya dito.
Lunes na kaya naman may pasok na ulit. This time, maaga na akong pumasok.
Wala pang gaanong tao sa buong campus. Sa room namin ay wala pa ring tao kaya naman pumasok na ako sa loob at pumwesto sa bandang dulo malapit sa aircon. Binuksan ko ito saglit at umupo na.
Matutulog na lang siguro muna ako.
Habang nakadukdok ako ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
"Mukhang hindi na ako ang early bird ng section one ngayon ah, haha." ang sabi niya habang naglalakad na tumatawa-tawa pa.
Tss, hindi ko naman inaagaw ang titulo mo, gusto ko lang mapaaga.
"Morning dre! Hiro nga pala."
Nagtulug-tulugan na lang ako. Wala akong gana para makipagkilala kanino man sa kanila.
"Hmm. Antagal naman niya." narinig kong bulong niya nang makaupo siya sa tabi ko. Bakit sa tabi ko pa?
Hindi ko ba talaga maiiwasan ito sa school na toh? Mahilig ba talaga silang makipag-usap? Ganun na lang ba talaga sila kabait at palakaibigna para lumapit ng lumapit sa akin?
Nagsidatingan na rin ang ilan sa mga classmate namin pero nananatili pa rin akong nakadukdok sa armchair ko.
Usap-usapan pa rin nila ang nangyari nung nakaraang linggo. Yung iba naman ay ako yung topic pero di nila ako kinakausap o nilalapitan dahil sa akala nilang natutulog ako.
"Asar naman! Bakit ba lagi na lang siya ang huli sa klase?! Antagal niya!" sino ba tinutukoy nitong katabi ko? Kanina pa niya kinakausap sarili niya. Mukhang may hinihintay?
"Oy!Ikaw!" sabay tulak niya ng upuan ko. Ano bang problema niya?!!
"Tss, hindi ka ba nangangawit sa posisyon mong yan? Alam kong gising ka! Umayos ka nang upo mo! Usap naman tayo!" bakit ba ako ang kinukulit nitong tao na to? Ang rami naman diyan na pwede niyang kausapin eh."
"Dre, dali na!!" niyugyog niya na nang niyugyog yung upuan ko.. Asar!! Lalaki ba talaga toh?! Bakit ang kulit niya?
"Ano bang kailangan mo?" Mahinahon naman yung pagkakatanong ko, ayaw kong magmukhang mayabang at magkaroon nang makaka-away hangga't maari.
"Ayun!! Sa wakas! Anong nga pa lang pangalan mo?"
"Lei, Leinard James Ventura."
"Ah! Ako naman si Prince Hiro Rivero. Oh di ba? bagay na bagay sa mala-prinsipe kong kagwapuhan? hahaha" Baliw ba siya? Ang laki ng bilib sa sarili at kung makatawa akala mo wala nang bukas at di siya lalaki.
"Ok."
Natigil naman siya sa pagtawa niya at napatingin sa akin, para bang kinikilatis niyang maigi yung mukha ko. Mukha siyang tanga na nagtataka sa sinagot ko.
"Ang boring naman nito, hindi man lang sumakay sa biro ko. Sige na nga, aayos na ako." sabi niya pa habang inaayos niya ang polo nito at sinuklay ang buhok niyang tayu-tayo gamit ang mga daliri niya.
"May tatanungin ka pa ba bukod sa pangalan ko?"
"Nung lunes, nakita kita kung saan nagpakamatay DAW si Jan."
"Anong ibig mong sabihin?!" napakunot naman ako sa sinabi niya, pinaghihinalaan niya ba ako?
"Oh, easy lang dre! Mukha ka kasing interesado sa kung anuman ang nangyari. Hindi ko sinabing nakita mo nangyari, may alam ka o kung ano pa man. Gusto ko lang makipagkwentuhan tungkol sa nangyari."
BINABASA MO ANG
Who is the FELON?
RandomKaya mo kayang makilala kung sino siya? At tapusin ang mga kasamaan niya? Sino nga ba siya? FELON n: a criminal who has commited a serious criminal adj: cruel .wild .evil