Chapter One

60 5 0
                                    

)Lei's POV(

"May pa-PATAY . . .!"

"May nagpakamatay!"

" MAY PATAY SA LIKOD NG BUILDING !!"

Mga sigawan ng karamihan.

'Yan ang sumalubong sa akin sa unang araw ko dito sa Ekscinth Academy. Mga nagkakagulong estudyante at mga guro. Mga nagsisitakbuhan, halos mandiri at mahimatay na ang iba. May mga nagsisi-iyakan na rin. Akala ko isang tahimik na campus ang dadatnan ko dahil simula na nang oras ng klase.

May nagpakamatay??Sino??

Kalmado at mukhang hindi interesado ang pinapakita  kong imahe habang naglalakad ako papalapit sa kumpulan kung nasaan ang bangkay na sinasabi nila pero may biglang nakabunggo sa aking babae na mukhang takot na takot at ramdam ko ang panginginig ng braso niya sa saglit na pagkakadikit namin. Siguro hindi sanay sa ganitong pangyayari at kung anuman ang nakita niya kaya ganun na lang ang reaksyon nito. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad dahil karamihan naman talaga ay katulad niya din.

Isang lalaki ang puro laslas ang kanang kamay, basang-basa siya ng pawis, kakagaling lang din niya sa pag-iyak dahil sa mga mugto nitong mata at tila sariwa pa ang lahat ng sugat niya. Pero may kakaiba sa bawat hiwa ?

Hindi ko alam kung sinadya nga ba, nagkataon lang o malawak lang  talaga ang himahinasyon ko dahil sa mga hiwa nito ay may mga nababasa akong mga letra.

Nagsidatingan na rin ang mga pulis at ambulansya . Nanatili ako dun at nakinig sa bawat impormasyong sinasabi nila.Dineklarang patay na nga ito dahil sa rami nang nawalang dugo na di naagapan agad. Sinabi ring suicide ang nangyari dahil sa may naiwan itong  suicidal note sa kamay niya na sinasabing ayaw niya nang mabuhay pa at pinagsisisihan daw nito ang isang bagay, isang bagay na hindi niya tinukoy pero  humihingi siya ng tawad . . . sa isang babae.

Kaya naman hindi rin sila nagtagal na mag-imbestiga pa dahil sapat na daw ang suicidal note na sulat-kamay talaga ng lalaki na magpapatunay na nag-suicide nga ito at walang naganap na pinatay ito o kung ano pa man.

Nagpakamatay??? Siguro nga pero may kakaiba. Sa sugat niya, sa ayos niya, sa paligid ,sa lahat. Nakakapagtaka.

Wala man lang kayang nakapansin sa kanya? Maaga pa naman at tirik ang araw, maliwanag pa para may makakita sa kanya. Pero likod nga pala ito ng building at baka walang nagpupunta dito dahil na rin ang part na ito ay mukhang isang liblib na lugar na hindi puntahan ng mga estudyante.

Naka-alis na ang karamihan, pinauuwi na muna ang lahat  pero may mga estudyanteng ayaw pa ring umalis at isa na ako dun.

Habang tahimik akong nakatayo lang at nagmamatiyag sa paligid . . .

"Siya si Jan Samuel Chui, senior sa college dept., Kilala siya sa Ekscinth Academy kahit na rin sa ating mga high school students. Lead singer siya ng banda ng college, sobrang yaman, kaya naman ganun siya kasikat dito." may nagsalitang babae na hindi ko namalayang nakalapit sa akin. Tulad ko ay nakapako rin ang tingin niya sa lugar kung saan natagpuan ang lalaki, nang lingunin ko siya saglit.

"Maraming nagkakagusto sa kanya at maganda ang reputasyon sa school na ito. Isang mabait na tao ang tingin nang lahat sa kanya at iniidolo talaga ng karamihan dahil sa taglay niyang mga talento at talaga nga namang napaka-gwapo." Sa itsura niya habang nagsasalita ay sa tingin ko isa rin siya sa mga taong humahanga sa lalaking 'yun.

Ewan ko kung guni-guni ko lang ba ang nakita ko, tila saglit na nagbago ang mga tingin at aura niya sa sumunod na mga salitang binitiwan niya.. "Pero tulad nga ng karamihan, tao rin siya, may tinatagong sikreto at may masamang pagkataong tinatago." na tila may namumuong galit sa tono niya? at nabago agad ito sa sumunod na sinabi niya, "Naaawa ako sa sinapit niya." naging malungkot ang tono nang boses niya.

Who is the FELON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon