Chapter Three

30 4 0
                                    

)Janine's POV(

Kilala ako bilang isang campus nerd dito sa Ekscinth High School at ang isang nerd ay loner, kaharap lagi ang libro, madalas ibully, walang sapat na courage at self-confidence, walang kaayos-ayos sa sarili. Ganyan na ganyan ako. Ewan ko ba kung bakit dito ako sa school na 'to napasok. Mayaman naman kami pero ganito ang inabot ko, isa kasi akong duwag na tao kaya siguro nakakaya-kaya lang nila ako.

Pumunta na ako sa favorite spot ko, sa likod ng college department. Dito hindi naman ako pinagbabawalan ng mga college student, hindi nila ako pinapansin pero mababait naman ang approach nila sa akin kung minsan. Dito rin madalas matanaw ko ang lalaking hinahangaan ko. Oo! Siya talaga ang dahilan kung bakit dito ko napiling mag-aral, para makita lang siya kahit nahihirapan ako.

Dito walang mga high school student na napapadpad kaya peaceful ang pakiramdam ko, sila lang naman ang nangbubully sakin lalo na ang mga kaklase ko.

Masyado pang maaga kaya naman magpapahinga na muna ako sa isa sa mga puno, kung saan di ako kita kung sakaling may mapadpad man dito.

Nagmumuni-muni lang muna ako nang makarinig ako ng boses ng lalaki at mukhang papalapit ang yabag ng mga paa niya papunta sa pwesto ko.

"Maaga akong pumasok para sayo. Nandito na ako ngayon sa likod ng building namin. Hihintayin kita para mapag-usapan na natin agad kung anuman ang gusto mong mapag-usapan natin." nakilala ko agad ang boses niya, sigurado akong siya yun.

"Sige. Bye. I love you." at nasa cellphone nga lang ang kausap niya.

I love you? kung ganun totoo nga ang sabi-sabi na may girlfriend na siya. Wala kasi talagang nakakaalam kung totoo nga ang chismis, kahit mga kaibigan niya walang alam sa status niya.

Nakatago pa rin ako sa likod ng puno at sinusulyapan siya paminsan-minsan habang nakasandal siya sa pader at inaayos-ayos niya ang buhok at long sleeve niya na tiniklop niya hanggang umabot sa siko niya.

Gusto kong malaman kung sino nga ba ang girlfriend niya, ang girlfriend ng taong gusto ko, ang girlfriend ng sikat na sikat sa school na 'to, ang girlfriend ng nag-iisang Jan Samuel Chui.

Saglit lang ay may narinig na akong paparating kaya nagtago muli ako dahil tiyak na makikita ako nito kung hindi ko itatago ang sarili ko.

Nagsimula na silang mag-usap. Nagbatian muna sila at nagkamustahan na parang di sila nagkausap kani-kanina lang.

Nang marinig ko ang boses ng babae ay agad akong napatingin. . . . . . kilala ko siya! Natitiyak kong siya nga 'yun.

Nakatalikod ang pwesto niya sa akin kaya di niya ako pansin pero siguradong makikita ako ni Jan sa pwesto niyang nakaharap sa akin kaso nasa kanya lang ang buong atensyon nito. Nakita kong hinalikan siya ni Jan na tinugunan din naman niya. Ang sakit malaman na may ibang mahal ang taong gusto mo at makita pang naghahalikan ito.

Siguro ay hayaan ko na lang ang nararamdaman ko.

Ilang segundo din ang lumipas pero ilang saglit lang din ay biglang nagbago ang pakikitungo niya kay Jan. . . .

"Maghiwalay na tayo." parang wala lang sa kanya nang sabihin ang mga katagang ito, walang emosyon ang bawat salita.

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Jan sa salitang binitiwan niya.

"Wag ka namang magsabi ng ganyan. Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?"

Pero hindi nagbago ang wala niyang emosyon na mukha. Ano yun?! Pagkatapos niyang magpahalik ?parang wala na lang sa kanya agad? Ano bang nangyayari sa kanila?

Who is the FELON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon