Kabanata II: Ang Hiwaga.

329 9 0
                                    

Pagpapatuloy~

Sinamahan ni Kenneth si Leon upang kumain dahil nga sa pag aakalang ito'y gutom lamang ni Leon kaya niya nakikita ang mga iyon. Ayaw pa sabihin ni Kenneth na kahit na siya ay may napapansin nang kakaiba sa kuwartong kanilang tinutuluyan.

Kasalukuyan nang kumakain sina Leon at Kenneth at habang sila ay kumakain.....

Kenneth: Ikuwento mo. Ano ba ang nakita mo? At ano ang nangyari?

Leon: Kakaiba talaga..... Nakakapanindig balahibo ang pangyayaring iyon..... Hindi ko inaakala na bigla akong makakaaninag ng isang tao sa mga oras na iyon.... Biglaan nalang ding nawala ang taong iyon nung aking lapitan at biglang sara ng pinto.

Kenneth: Napapansin ko din na may kakaibang nangyayari sa kuwartong ito na hindi naten alam ang buong pangyayari......

Isinalaysay ni Kenneth ang kanyang mga napapansin sa kuwartong iyon kay Leon at dahil nga kumakain sila ay minabuti nilang bilisan at bumalik na sa kanilang pagtulog...

Samantalang si Carlo, Khate, at Jasmine ay mahimbing na natutulog ang dalawa naman ay gising na gising pa dahil nga hindi nila maiwasang maisip na mayroon misteryo at kababalaghan ang kuwartong kanilang tinutuluyan.....

Habang nakahiga na si Kenneth naisip niyang lumipat ng matutuluyan......

Kenneth: Anong klaseng misteryo ang mayroon dito sa kuwartong ito..... hindi ko lubusang maisip sa kabila ng lahat ng ito may ganitong mga pangyayari pa ang pwedeng gumulo sa pananahimik naming....... Siguro masmakakabuti para saamin kung lilipat nalang kami ng matutuluyan...... para na din makaiwas sa panganib....

Si Leon naman ay nagmamasid sa paligid dahil nga sa nakita niya hindi na siya inantok at tuluyan nang nagising dahil sa kanyang naranasan. Nakabukas ang Ilaw sa kuwarto ni Leon at naisip niyang magpatugtog na lamang gamit ang kanyang Cellphone......

Habang nakikinig siya ng tugtog....... Bigla nalang nagpatay sindi ang ilaw sa kanyang kuwarto.....

Leon: Ahhhh.... A....anong nangyayari...... ( Patakot na tinig ni Leon)

Patuloy na nagpatay sindi ang ilaw at bigla nalang nag iba ang tugtog sa kanyang cellphone...... Tinig na parang nasirang radyo....... Takot na takot si Leon at hindi na siya makagalaw dahil sa nangyayari.....

"Dug dug" tunog ng kanyang pusong sobrang bilis tumibok...... Pawis na pawis at kabadong kabado........ Napatingin si Leon sa kisame ng kanyang kuwarto......

"Blag...... ( Kumakaluskos na tunog sa kisame)!"

Hinahampas ng malakas ang gilid ng kisame ng babae at nakatingin sakanya, Sa Pag kurap ni Leon ay biglaan itong palapit sakanya na gumagapang at humuhuni ng nakakatakot! Isang babaeng Duguan ang mukha! Gusot ang damit at puro dugo rin ang katawan! Pulang pula ang mata na lumuluha ng dugo at wala ang kanang pisngi nito!..

"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

Malakas na sigaw ni Leon! Habang sumisigaw ay unti unting lumalapit ang mahiwagang babae sakanya at biglang!........

DUG DUG DUG DUG DUG!!!

Kalampag ni Kenneth, Carlo, Khate, at Jasmine sa kanyang pintuan.! Biglaang binuksan ni Kenneth at pintuan at bigla ding nawala ang mahiwagang babae sa harap ni Leon.... Balisang balisa si Leon at sigaw nang sigaw.....

Pagkalipas ng sampung oras......

3:47 ng hapon.... Sinubukang kausapin nila Kenneth si Leon ngunit hindi ito nagsasalita...... nanatili itong tulala at mistulang takot na takot sa kanyang nakita..... hindi pa kumakain si Leon....

Habang si Khate naman ay papunta na sa CR upang maligo...... 

Napansin niyang may dugo sa lapat papunta sa CR... sinundan niya ito habang nakatingin ng mabuti sa bakas na nasa lapag.... Hanggat sa....

Napatingin siya sa isang paa kung saan nagtatapos ang bakas.... Nakita niya itong duguan... at habang inaangat niya ang kanyang tingin...... nakita niya ang babae na nakatingin at nakangiti sakanya! Nanlalaki ang mga mata nito at Matalim ang ngiti! Naglalabas ng dugo ang gilid ng kanyang mga labi!

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!

Napasigaw sa sobrang takot si Khate! Napatakbo siya kung nasaan sila Kenneth at biglaang napaiyak....

Kenneth: KHATE ANO ANG NANGYARI!

Khate: NAKITA KO! NAKITA KO! NAKITA KO!

Paulit ulit na sinasabi ni Khate habang ito'y umiiyak.... Balisang balisa si Khate at pinahinahon ito ni Carlo....

Carlo: Anong nakita mo? Huminahon ka! Sabihin mo kung ano ang nangyari!?

Khate: NAKITA KO!! NAKITA KO!! DUGO! MARAMING DUGO!.....

Paulit na sinasabi parin ni Khate na parang nawawala na ito sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay tahimik na silang lahat... At balisang balisa parin si Khate at Leon.... Hindi sila kumakain at hindi padin halos nakakatulog ang mga ito..... 

Naisip ni Kenneth na kausapin ang Ahente na nagdistino sakanila sa kuwartong iyon.....

Ngunit.....

Abangan ang mga susunod......... Hope you Enjoy <3

Hotel Room 666*Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon