Pagpapatuloy~
Ginulat sila ng isang malakas na sigaw na nanggagaling sa kuwarto ni kung saan ang higaan ni Kenneth. Dali daling pinuntahan nila Kenneth ang kanyang kuwarto at nakita nila ang isang malaking sula na.....
" TUMULONG O MAGDUSA.."
Na nakasulat sa dugo... na halos sinakop na ang dingding sa laki ng pagkakasulat. May mga daga na nasa lapag at biglaang nagsitakbuhan.
Kenneth: Ano ito? (Pabulong na salita ni Kenneth)
Carlo: Sobra na ito..... kailangan malayo na tayo.. Para hindi na din tayo mapahamak.......
Jasmine: Oo..... umalis na tayo dito pagkagaling ni Leon!
Carlo: Kailan pa..... Dito parin tayo tutuloy sakabila ng lahat ng nangyayari?
Kenneth: Kailangan matapos na to........ AYOKO NANG MAY IBA PANG MAPAHAMAK! ( Galit na sinabi ni Kenneth )
Lalabas na sana si Kenneth ng puntuan ng kanilang kuwarto at dali dali itong sumara.
" BLAAAAAAG! " ( Malakas na kalabog ng pintuan)
Pinilit itong buksan ni Kenneth ngunit hindi nila ito mabuksan. Nagpapatay sindi ang mga ilaw at humahangin ng malakas. Sa kabilang gilid ay naaaninag nila ang mahiwagang babae na lumalakad papunta sa kanila ng iika-ika.
" Mamatay........ Pinatay...... Magdusa...... Maghingati!"
Paulit ulit na sinasabi ng mahiwagang babae sakanila. Sa sobrang takot ni Jasmine ay nawalan na ito ng malay.
Carlo: JASMINE! Gumising ka! Hindi ito ang panahon!............. Kailangan makaalis tayo dito!
Kinarga ni Carlo si Jasmine at ang mahiwagang babae naman ang biglaan na lamang lumitaw sa tabi ni Carlo at bigla itong kinalmot sa mukha.
Dumudugo na ang kanang pisngi ni Carlo at takot na takot na ito.
"Mamamatay....... Susunod..... isa- isa.." ( Pabulong na salita ng mahiwagang babae)
Biglaang nawala ang mahiwagang babae at bumalik sa ayos ang lahat.... Inihiga ni Kenneth at ni Carlo si Jasmine at Khate sa kani-kanilang kuwarto at nagusap naman si Kenneth at Carlo sa hapag kainan habang umiinom ng tyaa.
Kenneth: Sa tingin mo Carlo...... paano matatapos ang mga ito?
Carlo: Hanapin natin yung asawa niya? ( Habang ginagamot niya ang kanyang sugat sa pisngi. )\
Kenneth: Oo.... Magandang plano yan.... Total nasabi nga sakin ng dating katulong ng pamily Chavez na naging opiser ng pulisya. Hindi pa rin daw nahahanap ang asawa nito. Baka sakaling buhay pa ang mga ito.
Carlo: Saan!? Kailan mo kinausap? Bakit hindi mo sinabi sakin at sana nasamahan kita?! "( Pagulat na tinig ni Carlo )"
Kenneth: Di na kita ginambala. Tsaka isa pa....... biglaan nalang namatay ang opiser na iyon kinabukasan mula nung kinausap ko siya......
Carlo:................ " Napayuko na lamang siya"
Kenneth: Sige na tayo'y magpahinga na at marami tayong kailangang gawin kinabukasan.
Nagpahinga na si Kenneth ngunit si Carlo ay naiwan sa hapag kainan.
Napapaisip si Carlo ng mga bagay na maaari nilang gawin upang matagpuan ang Asawa ng mahiwagan babae na si Liezel Chavez.
Nakatulog si Carlo sa hapag kainan dahil sa sobrang pagod nito. Ginising na lamang siya ng isang panaginip na nagpapakita ng isang masayang pamilya na biglang naglaho at nakitang patay na ang mga miyembro nito.... Pawis na pawis si Carlo noong ito ay magising.
Nakita rin niya sa panaginip niya ang mukha ng mahiwagang babae na humihingi ng tulong habang naliligo ito sa sarili niyang dugo at nakadapa na pinipilit niyang gumapang palabas ng kanilang kuwarto.... Nakaya pa nitong tumayo sa pintuan at biglaang napataob din at tuluyan nang namatay.
Nabahiran ng dugo ang Room number ng kuwartong iyon gamit ang kamay ng mahiwagang babae.
" Hotel Room 666"
At napansin ni Carlo na ang babaeng mahiwaga ang may hawak na piraso ng papel sa kanyang kamay........
Nakasulat ang...........................
Abangan sa susunod na Kabanata :) . Read, Share, Vote, Comment, and Follow Me. Enjoy Reading :)

BINABASA MO ANG
Hotel Room 666*Ongoing*
HorrorMay magkakaibigang naghahanap ng matutuluyan upang dito muna tumuluyan sa loob ng dalawa't kalahating buwan. Nakahanap nga sila ng matutuluyan na kayang kaya nilang kuhanin. Unti unti nilang matutuklasan ang misteryo ng isang kuwarto doon na pwedeng...