Kabanata IV: Ang Kasaysayan

257 8 2
                                    

Pagpapatuloy~

Gumulantang ang isang luma at makapal na libro na nahulog noong buksan ni Kenneth ang pintuan sa kuwarto ni Khate. Pinulot ito ni Kenneth at habang nasa kamay ni Kenneth ang libro.

Khate: Bakit ano ang nangyayari Kenneth at isinigaw mo ang pangalan ko?

Kenneth: ........................

Tahimik na tinitignan ni Kenneth ang libro. Pinaikot ikot ito ni Kenneth para tignan ang bawat gilid ng libro.

"Lumang luma na ang libro at nababalot pa ito sa makapal na alikabok. Sa Harap ng libro ay mayroong nakasulat na salita sa ibang lengwahe. Kulay brown ang takip nito at mayroon ding butones sa gilid kung saan ito binubuksan."

Binuksan ni Kenneth ang Libro at nakita niya ang iba't ibang larawan ng isang masayang pamilya. Makikita dito ang Larawan ng isang babae na may hawak na sanggol sa kanyang braso at ang isang matandang lalaki na nakaupo sa isang silya. Pati na rin ang asawa ng babae na nasa tabi nito.

Kenneth: Yung Matandang lalaki.......... Siya yung nakita ko........

Khate: Saan? Uhhhh......

Napatingin si Khate sa larawan at bigla niyang namukaan ang Babae na sinasabing gumugulo sakanila.

Napatakip si Khate ng kanyang bibig at bahagyang napaatras sa kanyang kinatatayuan..... Kitang kita sa Mata ni Khate ang takot habang nakatingin siya sa larawan.

Khate: ...................................

Kenneth: Bakit? May Kilala ka ba sa mga ito?

Khate: Yung babae......... Siya yung nanggugulo saamin! Siya yung nagpakita sakin!

Kenneth: Yung matandang lalaki dito sa larawan...... Siya yung nakasabay ko habang umaakyat ang elevator........ Patay na din siya ngunit patuloy na nanggugulo dito.......

Khate: Pero....... Bakit tayo ang ginugulo?......

May nakitang maliit na pirasong papel si Kenneth sa Libro at binuksan niya ito..... Nakasulat sa papel ang....

" PATAWARIN MO AKO"

Kenneth: Patawarin mo ako?........ Ano ito?

Khate: Hindi kaya?........

Agad na umalis si Kenneth sa kuwarto at dali daling nagpunta sa estasyon ng pulis. Dala dala ang libro itinanong ni Kenneth kung may nalalaman sila sa pamilyang iyon.

Kenneth: Maaari ko po bang itanong kung mayroon kayong nalalaman sa pamilyang ito?

Ipinakita ni Kenneth ang Libro na may larawan ng pamilya.

Napatulala ang pulis ng makita nito ang larawan......

Pulis: Oo...... Matagal nang patay ang pamilyang iyan ngunit wala parin kaming balita sa nawawalang asawa nito na patuloy na pinaghahahanap ng pulis. Tatlong taon na ang nakakalipas simula noong pinaslang ang pamilyang iyan....

Isinalaysay ng pulis ang istorya ng pamilyang iyon.

" Isa sa pinakasikat na pamilya noon ang pamilya Chavez. Sila ang pinakamayaman at pinaka masayang pamilya na maituturing dito sa lugar na ito. Walang makakapantay sa kasiyahan ng pamilyang iyan. Ang babaeng ito ( *Sabay turo sa larawan* ) ay si Liezel at ang matandang ito ay si Luisito Chavez na ama ng nawawalang lalaki na si Renan Chavez. Nagsimulang manahimik ang pamilyang iyan dahil sa kumakalat na balita na si Renan daw na asawa ng babae ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at nasasangkot na rin sa iba't ibang krimen. Dati rati ay maagandang umuuwi at mahaba ang oras niya sa kanyang pamilya at biglaan itong nagbago..... Lagi nang gabi umuuwi at lasing si Renan. Sinubukan itong kausapin ni Liezel ngunit ito'y nagalit at pinagsisigawan ito at binugbog. Dahil nga sumasagot parin si Liezel ay kumuha ng kutsilyo si Renan saka ito pinagsasasaksak ng maraming beses. Sakabila ng lahat ng iyon ay nagsasalita parin si Liezel at nakuha pang sambitin ang salitang

" Bakit...... mo........ ginawa? "

Dahil nga lasing si Renan ay tinanggal pa nito ang kanang pisngi ni Liezel. Nakita itong lahat ng kanyang ama at biglang napatakbo hanggang sa elevator. Hinabol ito ni Renan at sa loob ng Elevator ito ginilitan ng leeg at pinagsasasaksak.... Bumalik si Renan sa kuwarto na kanilang tinutuluyan at kinuha ang bata sabay ito pinatay. Kinabukasan ay natagpuan na lamang na patay ang pamilya ngunit wala si Renan sa kuwartong iyon. Hinanap siya ng mga pulis ngunit wala nang nabalitaan sakanya."

Kenneth: Paano ninyo ito nalamang lahat?

Pulis: Naroroon ako at nasaksihan ang lahat. Dati ay isa ako sa kanilang katulong sa pangangasiwa ng kuwartong kanilang tinutuluyan.... Nasa loob ako ng silid ko at nang narinig kong may kumakalabog ay saka ako sumilip.

Kenneth: Bakit wala kayong ginawa? Hindi ninyo man lang sila tinulungan!

Pulis: Takot na takot ako dahil baka isama ako sa mga mapatay! Hindi ko alam ang gagawin ko noon!

Sabay alis ng pulis palabas ng estasyon. Bumalik si Kenneth sa estasyon kinabukasan ngunit sinabing ito ay nagbitiw na sa kanyang tungkulin.

Pagkalipas ng ilang araw ay nabalitaan nalang ni Kenneth na patay na ang pulis. Ang sanhi ng pagkamatay ay nabangga ng kotse sa highway.

Pagkauwi ni Kenneth sa kanyang kuwarto ay biglaan niyang nakita ang isa pang piraso ng papel sa kanyang kuwarto at nakasulat ang.....

" HINDI KO SINASADYA" ( May dugo ang gilid gilid ng piraso ng papel )

Nasanggi ni Kenneth at isang Vase na naglalaman ng mga holen. Nagtataka si Kenneth kung bakit gumulong ang mga holen papunta sa ilalim ng kanyang kama.

Kenneth: Huh?...... Bakit ganito?

Iniusog ni Kenneth ang kanyang kama at biglang nakita ang isang pintuan papunta sa ilalim ng kuwarto.

" Maalikabok ang pintuan na halos maging buhangin na ang dating nito."

Kenneth: Ano ito?.......... Bakit mayroon nito sa ilalim ng aking higaan?

Agad agad na tumakbo si Kenneth upang tawagin ang iba pa niyang kasamahan. 

Naiwan sa kanyang silid si Leon dahil hindi parin ito gumagaling at mukha paring balisa.

Kenneth: CARLO! JASMINE! KHATE!

Carlo: Bakit? 

Jasmine: Ano yon? 

Khate: May problema?

Kenneth: Sumunod kayo sakin bilisan ninyo!

Ipinakita ni Kenneth ang pinto na nasa ilalim ng kanyang higaan.

Binuksan ito ni Kenneth ngunit ayaw bumukas dahil na nga rin sa kinakalawang na ang gilid nito. Pinagtulong tulongan nilang apat na mabuksan ang pinto.

Tumambad sakanila ang nakakasulasok na amoy at dito rin nila nakita ang kalansay ng anak ng pamilya Chavez.

Napatingin si Kenneth sa kanyang pintuan at nakita ang Mahiwagang babae na nakatingin sa kalansay ng bata.

Kenneth: .............. 

Khate: ........................ 

Carlo: AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!

Tinakpan ni Jasmine ang bibig ni Carlo.

Biglaang sumara ang pintuan sa kuwarto ni Kenneth at hindi nila ito mabuksan. 

Nagtulong tulong ang apat at ito ay kanilang nabuksan.

Leon: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!

Malakas na sigaw ni Leon!

Kenneth: LEON!!!!!

Dali daling tumakbo ang apat papunta sa silid ni Leon ngunit ang pintuan ng kanyang silid ay nakasara at hindi nila mabuksan.

Leon: LAYUAN MO AKO! LAYUAN MO AKO! ( Takot na takot na tinig ni Leon )

Pinilit na buksang nang apat ang pintuan at pagkabukas ng pintuan.........

Nakitang duguan si Leon dahil sa sobrang dami ng kalmot at hiwa ng kutsilyo sa kanyang katawan. Buhay pa si Leon at walang malay.

Kenneth: LEON! GUMISING KA!

Sigaw ni Kenneth. Dali daling binuhat si Leon pababa ng Hotel.

Abangan sa susunod na Kabanata~ Read, Vote, Spread, and Follow me :) Enjoy!

Hotel Room 666*Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon