Pagpapatuloy~
Nakasulat sa isang pirasong papel na hawak hawak ng mahiwagang babae sa panaginip ni Carlo ang mga katagang~
"Patawad. Kinailangan kong gawin"
At biglang nagising si Carlo nang mapaginipan niyang hinahabol siya ng mahiwagang babae upang patayin.
Pawis na pawis nang gumising si Carlo at dali dali din itong pumunta sa kanyang higaan. Naisip niya kung bakit ganoon na lamang ang kanyang panaginip. Naisip rin niya ang mga maaari nilang gawin upang mapadali ang paghahanap sa nawawalang asawa ni Liezel Chavez.
Carlo: Paano kung may mangyaring masama lalo saamin kung gagawin naming ito? Maaring isipin nila na nangingiilam kami sa mga pangyayari sa buhay ng pamilya Chavez...........
Humiga na si Carlo at nagpahinga na. Pag kagising niya ay nakahanda na sila Kenneth, Jasmine, Khate, at bago nila gawin ang kanilang mga plano dinalaw muna nila si Leon sa hospital upang tignan ang kondisyon nito.......
Nakakapagtaka dahil wala niisang doctor o nurse na nasa pangalawang palapag kung nasaan ang kuwarto ni Leon. Habang naglalakad sa katahimikan ng hospital sa pangalawang palapag. Bawat hakbang nila ay rinig na rinig ang mga yabag ng kanilang mga paa sa sobrang tahimik. Kahit na mga teknolohiya sa lugar na iyon ay hindi marinig ang mga tunog. Kahit boses ng isang tao ay wala kang maririnig kundi ang boses lamang ni Khate na bumubulong sa pagdadasal.
Napahinto si Khate nang may mapansin siyang isang anino sa isang kuwarto at nilapitan niya ito dahan dahan. Habang papalapit ay nakahawak ito sa kanyang bibig upang kung saka sakali ay hindi ito mapapasigaw. Biglaang nawala ang anino. Lumayo na si Khate at pag tingin ay wala na sila Kenneth, Carlo at Jasmine. Hinanap niya ito at hindi niya ito mahanap. Napahinto ulit si Khate nang may marinig siyang yabag ng lumalakad sa kanyang likod.
Unti unti niyang iniliko ang kanyang ulo upang tignan kung ano iyon.
Napasigaw siya ng sobrang lakas namakita niya ang mahiwagang babae na sumusunod sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata ng mahiwagang babae at nakabuka ang mga bibig nito. Kitang kita ang kanang bahagi ng mukha nito na walang pisngi. Tumutulo ang dugo nito sa pagitan ng mga mata nito at sa bibig. Kitang kita rin na sariwang sariwa ang mga saksak nito sa katawan na nilalabasan din ng dugo.
Khate: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!( Takot na takot na tinig ni Khate )
Narinig ito nila Kenneth at hinanap nila agad agad si Khate.
Kenneth: KHATE! NASAN KA! ( Tinig ni Kenneth habang tumatakbo )
Naghiwa-hiwalay sila Kenneth, Jasmine at Carlo. Mag isang naghanap si Kenneth at magkasama naman si Carlo at Jasmine.
Tumakbo si Kenneth sa kanang panig at sila Carlo at Jasmine naman ay bumalik kung saan sila nanggaling.
Kenneth: KHATE! NASAN KA! SUMAGOT KA! ANONG NANGYAYARI! ( Pagod na tinig ni Kenneth habang mabilis na lumalakad upang hanapin si Khate )
Narinig ni Kenneth na may humahagulgol ng iyak sa isang Kuwarto kung saan nakalagay ang mga gamit ng janitor. Unti unting nilapitan ni Kenneth ang lugar na iyon. At nang malapit na..................
Unti unti niyang hinawakan ang door knob at binigla ang pag bukas........
Naroroon ang mahiwagang babae na nakaupo at biglang sumigaw nang binuksan ni Kenneth ang pinto.
" MAMAMATAY!" ( Malakas at nakakatakot na tinig ng mahiwagang babae )
Nagulat si Kenneth at biglaang isinara ang pinto at tumakbo. Patuloy parin siya sa pag hahanap kay Khate. Pagod na pagod na si Kenneth ngunit tuloy parin siya sa paghahanap hanggang makita niya ito na nakahiga sa isang tabi at wala sa sarili.
Kenneth: KHATE! Ano ang nangyari!
Khate: Panginoon tulungan mo ako...... Panginoon tulungan mo ako...... Panginoon tulungan mo ako......( Mahina ngunit paulit ulit na sinasambit ng mga labi ni Khate )
Binuhat ni Kenneth si Khate ngunit pag harap nila.........
"TULUNGAN O MAMATAY" ( Tinig nang mahiwagang babae na nakatingin kay Kenneth at paulit ulit itong sinasabi. )
Unti unting lumalapit ang mahiwagang babae kay Kenneth at iniaabot nito ang kanyang duguang kamay nito.
Umatras si Kenneth at biglang tumakbo ngunit pag tingin niya sa isa pang gilid ay nakaharang ito sa kanilang dadaanan. Lumalapit kay Kenneth.........
" Tumulong o Mamatay"
Paulit ulit parin na sinasabi ng mahiwagang babae. Ang mga ilaw ay nag papatay sindi at malamig na malamig sa bahaging iyon........ Malapit na ang mahiwagang babae sakanya at biglaang napapikit si Kenneth..
Kenneth: TIGILAN MO KAME! ( Sigaw ni Kenneth )
Nagtaka si Kenneth kung bakit parang bumalik na sa dati ang lahat at hindi na ganoong kalamig sa kanilang lugar. Unti unting binuksan ni Kenneth ang kanyang mga mata at nakita niyang maayos na ang lahat. Napaupo si Kenneth at iniupo din si Khate sa kanyang tabi........ Sa sobrang pagod ni Kenneth ay nakatulog ito agad agad....... Si Khate rin ay nakatulog dahil na din sa mga nangyari.
Nagising na lamang si Kenneth sa........................
Abangan sa susunod na Kabanata. Read, Share, Vote, Comment and Follow me! Enjoy Reading :)

BINABASA MO ANG
Hotel Room 666*Ongoing*
TerrorMay magkakaibigang naghahanap ng matutuluyan upang dito muna tumuluyan sa loob ng dalawa't kalahating buwan. Nakahanap nga sila ng matutuluyan na kayang kaya nilang kuhanin. Unti unti nilang matutuklasan ang misteryo ng isang kuwarto doon na pwedeng...