Kabanata IX: Mga salitang hindi maipahiwatig.

26 1 1
                                    


Pagpapatuloy.~


* Nakarating na si Kenneth sa pintuan ng Kuwarto ni Leon nang unti unti niya itong binuksan........

*Bumulaga nalang ang isang babae na duguan ang mukha at tila nakasilay sa mukha ni Leon na may mahinang tinig na binubulong sakanya. Nagulat si Kenneth at walang magawa kundi ang tumayo habang ang kanyang katawan ay hindi makakilos dahil sa takot na kanyang nararamdaman.

Kenneth: Leon! ( Tugon ni Kenneth sa kanyang isipan ).

Nanlalaki ang mga mata ni Kenneth sa takot at nanginginig ang kanyang katawan. Unti unti niyang sinubukang magsalita hanggang sa masabi niyang~


Kenneth: Tumulong o mamatay? A...... ano........ ang ibig mong....... sabihin....... ( Mahinang tinig ni Kenneth habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot ).


*May malamig na awra ang lumalabas sa pintuan ng kuwarto ni Leon, Habang si Leon ay wala paring malay. Unti unting lumilingon ang Mahiwagang babae paharap kay Kenneth habang bumubulong ng mahinang tono.  

Kitang kita ni Kenneth ang duguang babae. Lalo na't nakatingin sakanya ng diretso ang mihiwagang babae habang tinataas nito ang kanyang kanang kamay na mistulang pinapalapit siya nito. Naglakas loob si kenneth na lumapit kahit nahihirapan siya.


TUMULONG O MAMATAY ( mahinang tinig ng babae na tila unti unti lumalakas habang unti unting lumalapit si Kenneth )

" TUMULONG O MAMATAY! " ( Biglang sigaw ng babae na tila nagagalit kay Kenneth )

* Sa takot napaupo si Kenneth at sinambit ang mga katagang 


Kenneth: ANO BA ANG KAILANGAN MO SAAMIN! ANO ANG KAILANGAN NAMING GAWIN! ( Pasigaw ni Kenneth na sinabi habang nakatitig sa duguang mukha ng babae ) 

*Nagising si Leon at unti unting humarap sa kanyang kanan. Dahil hindi masyadong maliwanag sa kwarto at nagpapatay sindi ang ilaw nahihirapang sumulyap si Leon at bigla siyang nagsalita.

Leon: Kenneth........ I......ikaw ba iyan?...... ( Mahinahon at hinang hina na sabi ni Leon )

*Napatingin si Kenneth kay Leon at biglang nawala ang mahiwagang babae sa kuwarto na iyon. Biglang tumayo si Kenneth at inabot ang kamay ni Leon.

Kenneth: Leon! Kailangan na natin umalis sa lugar na ito dahil hindi ka na ligtas dito! Hindi tayo ligtas dito! ( Nagmamadaling sinabi ni Kenneth kay Leon )

Leon: Narinig ko......... lahat ng sina...sabi....... ( Nahihirapang sumagot si Leon )

Kenneth: Ano?...... ano ang sinasabi?.... 

Leon: Pangalan........... ng isang lalaki..... 

Kenneth: Sino?.... 


Napapikit si Leon habang sinasabi ang pangalang........


ABANGANG SA SUSUNOD NA MGA KABANATA :3 Vote, Spread, and Comment <3 XoXo <3

At dahil ngayon na lamang ako nakapag update. Susubukan kong pagandahin ang mga susunod na kabanata para sa inyo! 3 years din akong nawala ang kailangan ko uling aralin lahat mula sa simula! Haha! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hotel Room 666*Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon