PROLOGUE

3.8K 48 9
                                    

"Come here mommy, lets play." Masayang yaya ng anak ko sa akin mula sa palayan.

Ngumiti ako sa kanya.

Nakaupo ako sa kubo-kubo habang masayang pinapanood ang anak ko na naglalaro.

"Later baby, maglaro ka na para mamaya uuwi na tayo."

Nakita ko ang panguso niya pero agad ding pinagpatuloy ang paglalaro.

Habang nakatingin ako sa anak ko. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

"Ang saya ng anak mo na naglalaro, parang siya ang pinakamasayang bata sa mundo. Napaka inosente at amo ng mukha. Maswerte ka dahil may anak kang ganyan." 

Tumingin ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Si nanay.

Ngumiti ako at bumaling ulit sa anak ko na patuloy parin sa paglalaro sa putikan. Hindi parin nakakabawas ng puti sa kaniyang balat kahit medyo maaraw.

Araw araw akong nagiguilty dahil sa paglilihim ko sa kanila. Habang nakatingin ako sa mga mukha ng anak ko hindi ko mapigilan ang masaktan para sa kaniya.

"Hindi, nay, mas maswerte ako dahil siya ang naging anak ko. Mas masaya ako dahil dumating siya sa buhay natin. Sa'kin. Siya na ngayon ang buhay ko, inay." May ngiti na pahayag ko habang nakatingin sa anak ko.

Tumingin ako sa kanya. At nginitian ako ng anak ko. Masayang masaya na ngiti.

Makita ko lang ang ngiti ng kaisa isang anak ko parang nasa alapaap ako. My baby

"Mommy, come here. Let's play, please." At nag puppy eyes pa siya.

Natawa ako dahil naku kyutan ako sa ginawa niya.

Tumayo ako. "Sige inay, pupuntahan ko lang ang bulilit ko at makipag laro sa kaniya." Paalam ko kay inay.

Tumakbo ako papalapit sa anak ko. Kitang kita ko naman sa mukha niya ang pagliwanag.

"Run baby nandiyan na si mama para habulin ka. Kapag nahuli kita ikaw naman ang hahabol sa akin." Natatawang pananakot ko.

Lumaki ang singkit niyang mata.

"Waaaahh! Nooooo!!! Don't chase meeeeeee, Mommmmyyy!!!!"

Natawa ako ng malakas. Ang cute-cute ni Gillean. My baby Gillean

My four years old son

"Gotta!!"

"WAAAH!! Let me go, Mommmyyy!!!!"

Napahiga kami sa putikan. Hindi literal na kaming dalawa ang nahiga, niyakap ko siya mula sa likod at sabay kaming napahiga, ako ang nasa baba siya naman ay nasa taas ko.

"HAHAHA! Nahuli din kita baby!"

Natawa lang kami ng tawa ng anak ko sa putikan. Walang pakielam kung may makakita man sa amin. Basta masaya ako na kasama ang anak ko.

"Come here, baby. You need to wash na." Tawag ko sa anak ko ng makapagpahinga siya.

Agad naman siyang lumapit sa akin. Tinanggal ko lahat ng damit niya at ginaya sa CR para paliguan.

Sumabay na rin ako sa anak ko.

Agad akong naghanap ng damit niya sa drawer nang matapos kaming maligo. Inuna ko muna na palitan bago ako baka kasi magkasipon siya. Madali pa naman na dapuan ng sipon o ubo.

"Umupo ka muna diyan anak ha, magpapalit lang si mama." Masuyong utos ko sa kanya.

Tumango naman siya. Pinahiram ko muna ang cellphone ko para hindi siya mabored.

Pumunta ako sa CR namin para magpalit. Nang makapagpalit ako agad ko ring binalikan ang anak ko.

Pagpasok ko sa loob ng sarili naming kwarto. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung ano ang tinitingnan niya sa cellphone ko.

Titig na titig siya sa lalaking katabi ko sa picture. Parang pinag aaralan ang mukha. Kuha ito 4 years ago pa. Habang parehas kami na nakangiti sa camera.  

Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin.

"Who is he, mama? Who is the man beside you? Is he my papa, mama?"

The Hidden Child Where stories live. Discover now