CHAPTER 8

493 13 0
                                    

Dedicated to: Joella793 hello po ate? Thank you po sa pagmotivate sa akin, malaking bagay na po sa akin ang pagmotivate mo. Bigla po akong ginanahan na magsulat dahil sa sinabi mo. Maraming salamat po ulit sa'yo! Maraming salamat din po sa lahat dahil patuloy na pagsuporta sa stories ko po.🥺❤️

༺༺

Alyssa

"Ahh!"

Inalis ko ang tingin sa sinabi ko at sinubo ang pagkain. Tinignan ko siya na sumubo rin. Napakunot ako, may napagtanto ako.

"Iisa lang ba ang kutsara na ginagamit natin?" Wala sa sariling tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tumango. "Oo, bakit?"

Kanina pa kami kumakain, ngayon ko lang napagtanto na iisa pala ang kutsara na ginagamit namin.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Parang nakaramdam ako ng kiliti sa sarili. Dahil siguro iisa lang ang ginamit naming kutsara. Heto na naman ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi ko pinahalata na medyo namula ako.

"Yuck! May laway na pala ang kinakain ko!" Pagtakip ko sa kakaiba kong naramdaman.

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Arte nito! Para sabihin ko sa'yo may laway mo din ang kinakain ko. May narinig ka ba na reklamo ko?" Sabay irap sa akin. Parang bakla lang! Psh!

"Bakit sinabi ko bang subuhan mo ako?!"
Balik kong tanong. Inirapan ko rin siya. Palabasin ko ito e!

"Huwag kang maarte riyan. Nabusog ka naman dahil sa paminsan minsan kong pagsubo sa'yo!" Balik niyang sabi.

Tama naman siya. Kahit papaano naman nabusog ako sa paminsan minsan niyang pagsubo sa akin ng pagkain. Hindi ko namalayan na naparami na ang nakain ko. Ikaw ba naman ang may taga-subo! Hindi ko pinahalata na nagustuhan ang ginawa niyang pagsubo sa akin. Instant alalay! Psh!

Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang tubig sa harap niya at ininom ito. May bawas na ito pero hindi ko na lang pinansin at tinungga na lang. Bigla akong nauhaw.

"Akala ko ayaw mo ang nalawayan ko? Bakit mo ininom ang nabawasan kong tubig? "Maya mayang tanong niya habang nakataas ang kilay.

Pinaikutan ko siya ng mata. "Walang akong choice e. Uhaw na uhaw na talaga ako."Kabit balikat kong sagot. Binalik ko sa kaniya ang bottle na wala ng laman na tubig.

Naningkit ang mata niya. "Ngayon, ibibigay mo na sa akin 'yan dahil wala ng laman. Tss!"

Nginisihan ko lang siya. Tumingin muna ako kung ano na ang oras. Tamang tama 1:00 pm. Marami pang oras para tumambay dito. Binalik ko ulit ang tingin sa binabasa ko. Hindi na rin ako kumain ng pananghalian dahil katatapos ko lang kumain. At isa pa, busog na ako sa mga kinain ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nag-aayos na siya ng pinagkainan namin. Aba ang sipag nito ngayon a. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko siya tinulungan, kaya na niyan. Hindi naman mahirap e. Haha!

Nakita ko sa gilid ng mata ko kung ano ang ginagawa niya. Nang makita ko na tapos na siya, kinuha niya ang cellphone sa bag at tahmik na nagcellphone. Napailing na lang ako. Itinuon ko ang atensyon sa binabasa ko.

Dumaan ang ilang minuto sa amin na walang nagsasalita. Ayoko ko naman ang maunang magsalita. Pero hindi nagtagal binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ano pala ang balak mo pagkatapos ng exam natin next week, Ali? Diba apat na araw tayong may rest day? Uuwi ka ba sa probinsiya niyo?" Tanong niya bigla.

The Hidden Child Where stories live. Discover now