CHAPTER 7

535 14 1
                                    

Dedicated to: JeanyanneRosima hello po, ate? Salamat po sa paghihintay ng update ko at pagtatanong kung kailan ako maga-update. Pati na din po sa nagaabang sa update ko. Heto na po, meron na. Thank you po sa pagsuporta! ❤️

༺༺

Alyssa

Mag-isa ako ngayon kumakain sa cafeteria, dito sa pinakadulo. 'Yung kokonti lang ang nakakakita sa akin. Kokonti lang ang tao ngayon dahil may klase ang mga iba. Wala akong klase hanggang 2:30 ng hapon. Kaya hayahay ako ngayon. Dahil nagutom ako pumunta agad ako dito sa cafeteria para kumain.

Nang matapos akong kumain hindi muna agad ako umalis, gusto ko muna tumambay ngayon dito.

Kung tatanungin niyo si Onyx. Ewan ko dun, siguro pumuntang Jupiter, baka doon tumambay. At isa pa, ayokong makaharap ang taong iyon. Baka hindi lang sa Jupiter makakarating kundi mas malayo pa.

Kapag nakita ko ang mukha ng taong iyon, baka hindi ko mapigilan na masampal ang mukha. Kapag naaalala ko ang ginawa niya noong Sabado, lahat ng dugo ko sa katawan napupunta lahat sa ulo ko. Parang gusto ko siyang gilitan sa leeg.

"Nandito ka lang pala! Bakit hindi mo ako inaya na kumain?! Ang sama mo!"

Napatingin ako sa nagsalita. Biglang sumama ang mukha ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Agad kong kinuha ang bag at kinubli sa balikat ko.

Tumayo ako para umalis sa harap niya. Paano ako nito natunton? Tinaguan ko na nga e.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinarang sa daanan ko. Naka-dipa pa ang dalawang braso ng loko. Hindi ko alam kung ano na naman ang trip nito.

"Anong trip mo?!" May inis ko tanong sa kanya.

Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Titig na titig siya sa mukha ko, na sobrang inis sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin para titigan niya ako ng ganu'n.

Nakipagsabayan ako ng titig.

Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ng ilang segundo, agad ko siyang nilagpasan. Nagsasayang lang ako ng oras.

Nang makarating ako sa medyo gitna ng cafeteria may biglang humawak sa braso ko at hinila paharap kung sinong humatak sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko na sobrang seryoso ni Onyx na nakatingin sa akin.

"Bakit ba?! Ano na naman ba ang kailangan mo?! Kapag tinatanong kita hindi mo naman ako sinasagot! Masasagot ba ang titig mo ang tanong ko sa'yo?!"  Sumbat ko dito.

Pero seryoso parin ang mukha niya. "Iniiwasan mo ba ako, Ali? Dahil ba ito sa nangyari noong Sabado? Okay pa naman tayo noong umalis ka sa condo a."

Natigilan ako sa tanong niya. Tama siya dahil ito sa nangyari noong gabing ng Sabado. Naiinis ako dahil hindi niya maalala ang ginawa niya sa akin. Hindi ko na dapat pansinin iyon dahil wala lang ang nangyari. May girlfriend siya at kaibigan ko pa.

Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko bago ako sumagot.

"Mukhang FQ na naman ang dalawa."

"Oo nga e, kailan lang yung pag-aaway nila at hindi nagpapansinan. May panibago na naman."

"Kung hindi ko alam na magkaibigan sila baka pinagkamalan ko na silang mag-jowa."

Napailing na lang ako dahil sa mga komento nila. Tinignan ko ang mga nagsalita. Nakatingin sila sa amin pero agad din silang umiwas ng makita nilang nakatingin ako sa kanila. Psh!

Agad kong binalik ang tingin kay Onyx.

"Hindi kita iniiwasan. Busy lang talaga ako." Simpleng sagot ko. Alangan sabihin ko sa kanya ang totoo. Never! Never kong sasabihin sa kanya ang ginawa niya sa akin. Malaking gulo kung nagkataon.

The Hidden Child Where stories live. Discover now