CHAPTER 11

442 13 0
                                    

Dedicated to: @mariateresamarques hello po ate? Heto na po ang chapter 11 salamat po sa paghihintay at sa lahat po ng naghihintay ng update ko. (⁠^⁠^⁠)

Unedited

༺༺

Alyssa

"Ayoko na! Suko na ako! Gusto ko nang magpahinga." Reklamo ko at iniwan ang nirereview. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig at umupo sa sofa. Sinandal ko ang likod sa sandalan. Nakabusangot akong nakatingin sa mga nirereview ko. 

"Pft! Suko ka na agad? Ang konti pa lang ang nirereview mo e. Weak ka pala." Tukso ni Onyx. Tumingin siya sa akin at sabay ngisi. 

"Porket suko na ako, weak na agad? Hindi ba pwedeng pagpahingain ko lang ang utak ko?" inirapan ko siya. 

Tawang tawa na lang siya dahil sa reklamo ko.  Binalik ulit niya ang atensyon sa nirereview.  Woah! Sipag nito a.

Tumayo ako para kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Kumuha na rin ako kay Onyx, baka mamaya madrain pa ang lalaking iyon dahil sa sipag mag review. Sigaruduhin niya lang na masasagutan niya lahat ng questions sa test paper niya. Psh!

"Oh!" Linapag ko ang isang baso na may lamang tubig sa harap niya. Napaangat siya ng tingin sa akin. Sumilay ang ngisi sa labi niya. Psh!

"Ang bait naman ng bestfriend ko. Kinuhanan niya pa ako ng tubig. Epekto ba iyan ng daming re-review-in mo?" Siya na nga 'yung kinukuhanan ng tubig siya pa ang maraming sinasabi.

"Wow, bestfriend! Ikaw na nga itong binibigyan ng tubig tapos kung ano ano pa ang sinabi! Akin na iyan kung ayaw mo." Asik ko. At inirapan siya.

"Binigay na nga, babawiin pa." Bulong niya pero rinig ko.

"Siya na nga ang binibigyan, siya pa ang maraming sinasabi. "Bulong ko rin. "Mag review ka na nga lang diyan."

Napa-ikot na lang ako ng mata. Bumalik ulit ako sa pagkakaupo sa harap niya. Nasa sala niya kami ngayon, sa sahig.

Hindi naman ako nahihirapan mag-review, talagang tinamaan lang ako ng katamaran.

LUMIPAS ang ilang oras, natapos din kami mag-review. Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na. Hmm! 5:30 pm na.

"Nagugutom na ako." Reklamo ko. Sabay tingin kay Onyx. "Order ka ng fries at pizza. Damihan mo, favorites natin 'yun." Utos ko dito.

Napakunot ako ng nilahad niya sa harap ko ang palad niya. Takang tinignan ko siya. "Anong gagawin ko riyan sa kamay ko?"

"Pera mo? Oorder ako." Bored niyang sagot. Kuripot.

"Wala akong pera. Pera mo na lang, mayaman ka naman e."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Nakarating ka rito ng walang pera. Ano iyon, naglakad ka papunta dito?" Sarkastiko niyang sagot.

"Hindi. Lumipad ako pumunta dito. Ang saya nga e. Bakit hindi mo i-try." Ganti ko.

"Bakit hindi ka mauna, papunta sa inyo. I-try mo sa rooftop tapos tumalon para makalipad ka baka sakaling makarating ka nang safe sa inyo." Walang pake niyang tugon.

"Huwag na, sawa na ako roon. Na-try ko naman na. Mas maganda ang gumapang. Ano sa tingin mo, bestfriend?" Nakangising suggest ko.

"Pwede naman. Pero mas maganda parin 'yung lumangoy ka." Sakay niya sa sinabi ko. Hindi talaga siya magpapatalo.

"Okay, sige, lalangoy na lang ako mamaya. Kung totoo nga iyang sinasabi mo, mag-order ka na ng meryenda natin." Utos ko dito.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa. Guminhawa rin sa wakas ang likod ko. Kahit tapos na kaming mag-review, hindi pa ako umaalis. Maaga pa naman, magpapahatid na lang ako mamaya sa kanya.

The Hidden Child Where stories live. Discover now