CHAPTER 10

446 12 1
                                    

Alyssa

"Naka-review ka na, Nyx?" Tanong ko kay Onyx habang ngumunguya ng fries.

Nandito kami ngayon sa scoccer field nakatambay. Wala kaming klase dahil vacant namin. Heto ngayon, lumalamon kami. Libre ni Onyx eh. Masarap kapag libre, kaya dapat sulitin. Haha!

"Hindi pa. Kailangan pa ba 'yon?" Kabit-balikat niyang tanong.

Napa-ikot na lang ako ng mata. Ang gandang sagot naman iyon. Tss! Mababatukan ko itong lalaking ito. Kumuha ako ng fries at sinubo na lang.

"Kahit hindi na sa'yo. Alam ko naman na wala ring papasok sa isip mo." Walang gana kong tugon.

"Tss! Bakit naka-review ka na rin ba?" Balik niyang tanong.

Tumingin ako sa kaniya. Busy siya sa paglamong ng fries. Heto talaga ang isa sa favorites namin e. Kaya ang daming fries ang binili niya. With coke pa.

"Hindi rin." diretso kong sagot, sabay kabit-balikat.

"Kita mo, ikaw din naman pala! Kung makapagsalita ka akala mo naka-review ka na rin. Psh!" tugon niya.

Kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam kong masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Tinignan ko na lang ang mga lalaking nagpa-practice ng soccer.

"Matagal naman pa ang exam." sabi ko at sumubo ng titsirya. Titsirya naman ang nagdiskitahan ko.

"Ang sabihin mo tinatamad ka lang talaga na mag-review." tugon niya. "Kung magbasa ng pocketbooks ang sipag sipag mo."

Natatawang humarap ako sa kaniya. "Kaibigan nga kita, alam mo kung ano ang gusto kong i-review."

Natawa rin siya sa sinabi ko. "Kaya nga bestfriend tayo e. Magrereview na lang kung kinabukasan na 'yung exam."

Sabay kaming tumawa."Syempre para hindi agad makalimutan ang rineview ko kinabukasan." Natatawang turan ko dito. Hindi ko naman pagkakaila na ganun ako.

Napailing na lang siya at natatawang kumakain ulit ng fries. Tahimik kaming kumakain nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa harap lang namin. Sabay kaming napatingin doon. Si Kailey ang tumatawag, ang jowa niya. Inalis ko ang tingin dun. Tumingin ulit ako sa mga naglalaro habang pinagpatuloy ang kinakain.

Nakita sa gilid ng mata ko na kinuha niya ang cellphone. At sinagot ito. Nakita ko pa na tumingin sa akin dahil kaharap ko lang siya. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Hi, Honey! Napatawag ka?" nakangiting bungad ni Onyx sa girlfriend. Psh!

"Bakit bawal ba akong tumawag sa boyfriend ko? Nakakatampo ka ha!" rinig ko sa kabilang linya.

Bumaling ako kay Onyx. Tamang-tama naman na bumaling siya ng tingin sa akin. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang siya ang unang umiwas at binalik ang tingin sa cellphone. Mukhang naka-video call ang dalawa.

Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang kinakain ko. Bahala na sila ng jowa niya na mag-usap.

"Hoy, bestfriend! Gusto ka raw makausap ni Kai." Tawag ni Onyx. Gulat naman akong napatingin sa kaniya. "Ano ba ang nangyayari sayo at tulala ka? Kanina pa kita tinatawag e!" nakakunot ang noo niyang dagdag.

Mabilis akong umiling. "H-hindi naman ako tulala ha, anong pinagsasabi mo diyan?" Wala sa sariling tugon ko. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako.

"Hindi raw tulala. Sinong niloloko mo? 'Yang pagkain?" Kasalanan ko bang hindi ko siya narinig?

"Nag-aaway na naman kayo ano? Hay naku, kayo talagang dalawa, basta tumatawag ako lagi kayong nagbabangayan." dinig kong sabi ni Kai sa kabilang linya.

The Hidden Child Where stories live. Discover now