CHAPTER 1

1.6K 25 3
                                    

Dedicated to RonjayAbluyanRamos

༺༺

Alyssa

"Class dismissal."

Nakita ko ang iba kong kaklase na nag uunahan na lumabas ng room. Gutom na siguro ang mga iyon dahil late na nang magpa-dismiss ang prof namin.

Kahit ako din e, gutom na gutom na ako hindi kasi ako kumakain ng pang-umagahan. Kaya dali daling inayos ko agad ang mga gamit ko at nilagay sa bag.

Habang nag aayos ako ng gamit ko may naramdaman naman akong may umakbay sa akin.

"Hey mukhang nagmamadali ka. Where are you going?" Bungad na tanong ni Onyx. Pero mas kilalang Nyx.

Nag angat ako ng tingin. At sinamahan ng tingin. Tumingin ako sa braso niyang nasa balikat.

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko. Ang bigat ng braso mo e." Busangot ko na suway.

Tumingin siya sa braso niya nakasabit parin sa balikat ko. Tumingin siya pabalik sa akin. At umiling-iling.

"Ayoko nga, ang sarap kayang sabitan ng braso ang balikat mo." Pang asar na sabi niya. Nginisihan niya ulit ako.

"Hoy hindi sampayan ang balikat ko. Baliin ko 'yan e."

Isang ngisi ang sumilay sa labi niya. "Sorry bestfriend akala ko sabitan ng braso ang balikat mo. Para kasing sampayan ng damit, ang tigas at straight kasi."

Naningkit ang mata ko. At inirapan siya. Tinanggal ko naman ang braso niya balikat ko.

"Loko ka huh?" At sinuntok ko siya sa tyan. Pero ang loko parang hindi man lang nasaktan. Hindi ko naman lang nadinig ang pagdaing niya.

"Ikaw ha hindi mo sinabi gusto mo pa lang mahawakan ang abs ko sabihin mo lang sa akin pagbibigay naman kita." At humalakhak siya ng malakas. 

Halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya.

"Walangya ka! Anong gustong hawakan ang abs mo? Yuck! Kadiri ka! Sinong may sabi na gusto kong hawakan ang abs mo?" Asar kong bulyaw.

Pero ang loko pangisi ngisi lang. Tanggalin ko 'yang labi mo e.

"Asus! Pakipot pa ang bestfriend ko. Sige na hawakan mo na tamang tama walang tao. Chance mo nang hawakan. HAHAHA!!"

Walangya talaga ang lalaking ito. Kinakalibutan ako sa pinagsasabi niya.

Dahil sa asar ko sa kanya hindi ko mapigilan na batukan siya.

"Aray ko naman, Ali. Binibiro lang naman kita eh. Pikon ka na agad."

Pinaningkitan ko lang siya ng mata. At sinamahan ng tingin.

"Dapat lang sayo 'yan dahil lagi mong pang titrip sa akin. At isa pa huwag mo nga akong tawaging bestfriend. Hindi tayo bestfriend oy. Diyan ka na nga." At sinamahan ko ulit nang tingin bago kinuha ang ibang gamit ko. Lumabas na ako pagkatapos makuha ang gamit ko.

Hindi talaga titigil ang lalaking iyon hanggang hindi ako mapikon o maasar. Ako lagi ang pinagtitripan.

Napaka kulit talaga ang lalaking iyon. Buti na lang at napagtatyagaan ko ang pag uugali niya.

Kung hindi lang siya boyfriend ng bestfriend ko baka sinalvage ko na ang lalaking iyon.   Kung bakit kasi ako pa ang pinagbaytay ng babaeng iyon e. Bakit hindi na lang siya umuwi para siya ang mag-alaga sa abnormal niyang boyfriend.

"Hoy bestfriend hintayin mo ako! Akala ko sabay tayong kumain!" Sigaw niya habang tumatakbo patungo sa akin.

Napahugot na lang ako ng malalim nang maabutan niya ako. Tinignan ko siya at pinaikutan ng mata.

The Hidden Child Where stories live. Discover now