CHAPTER 5

606 19 0
                                    

Dedicated to: Seavin_Hertzshyrel CJFWoon Ur_Cheyenne. Hello po sa Inyo. 🥰

༺༺

Alyssa

Nagising ako kinabukasan sa kama ni Onyx. Tumingin ako sa katabi ko, nakita ko na masarap parin ang tulog niya habang humihilik. Yes, tabi kaming natulog. Don't get me wrong, may mga unan sa pagitan naming dalawa. Tamang tama malaki naman ang kama niya. At isa pa, May tiwala naman ako sa lalaking ito kahit may pagka-manyak. Alam ko naman hindi siya magtetake advantage sa akin.

Bumangon ako sa pagkakahiga at tinungo ang CR para makapag ayos. Tumingin ako sa kabuuan ko sa salamin. Suot ko ngayon ang t-shirt at boxer ni Onyx. Maliban na lang ang panloob. Suot ko parin ang bra ko, pero ang pang ibaba, linabahan ko kagabi. Buti na lang namagahan na ito kaya dali-dali kong sinuot.

Agad din akong lumabas nang matapos 'kong mag-ayos. Tumingin ako sa pwesto ni Onyx, ang loko ganu'n parin ang pwesto kung saan ko iniwan kanina. Ang sarap parin ng tulog. Napailing na lang ako.

Inayos ko muna ang mga kalat namin. Nu'ng nag movie marathon kami, madami ang nagbalatan namin ng titsirya at bottle ng Coke. Hindi namin naayos kagabi dahil antok na antok na kami.

Maaga akong nagising dahil uuwi na ako mamaya. Baka mapagalitan pa ako nila tita.

Lumabas ako ng kwarto para ibasura sa trash bin ang mga pinagkainan namin. Nang matapos ako sa ginagawa ko, agad akong naghalungkat sa ref niya nang maluluto.

May nakita akong bacon, itlog, longganisa, aba't may jumbo hotdog pa. Linabas ko ang mga iyon para lutuin. Ako na ang mag luluto dahil alam kong tinatamad magluto ang lalaking iyon. Ang daming pagkain sa ref pero ang tamad magluto. Psh!

Nagsimula naman na akong magluto ng maayos ko na ang mga lulutuin ko. Buti na lang alam ko kung saan nakalagay ang mga gamit niya pangluto. Kung minsan kasi ako ang nagluluto ng kakainin namin kung pupunta ako dito.

Pero ngayon lang ako natulog dito. Kapag kasi pumupunta ako dito, uuwi din agad ako matapos ang mga projects namin.

Nang matapos ako sa pagluto ng ulam, nag fried rice naman ako. Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na. 8:45 am na. Pero hanggang ngayon tulog parin ang lalaking iyon. Napailing na lang ako. Agad kong pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Laking gulat ko nang may biglang tumakip sa mata ko. Dahil sa gulat muntik na akong mapaso.

"Hulaan mo kung sino ito!"

Napahugot ako ng malalim na hininga. Kinalma ko ang sarili ko. Umagang umaga hindi dapat ako nababadtrip.

"Tigilan mo ako kung ayaw mong ikaw ang isunod kong lutuin." May diin kong banta kay Onyx.

Tinanggal naman niya ang pagtatakip ng mata ko. "Tsk!"

Tumabi siya sa akin at pinanood ang ginagawa ko.

"Huwag mo akong simulan, Nyx, umagang umaga binabadtrip mo na naman ako. Umupo ka na nga lang doon, malapit na itong maluto ko." Utos ko.

"Ayoko! Dito lang ako! Panoorin ko ang ginagawa mo para sa susunod ikaw naman ang ipagluluto ko." Tugon niya habang pinapanood ako.

Natiglan naman ako sa sagot niya.

"Tapos na, umupo ka na roon maihain ko na itong linuto ko. Ihanda mo na ang mga plato." Utos ko dito nang matapos ko ang pagluluto.

The Hidden Child Where stories live. Discover now