CHAPTER 2

745 26 0
                                    

Alyssa

"Ayos ka naman d'yan sa maynila anak? Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aaral mo?" May pag-aalalang tanong ni inay sa akin. Kausap ko ngayon siya sa cellphone.

Sa probinsiya ng Cagayan ako nagmula. Dito ako sa manila nag-aaral. Pinapaaral ako ng tita ko dito. Ang kapatid ni itay. Hindi na kasi kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako. Nung nalaman ng tita ko iyon, mukhang naawa naman siya sa akin, kaya pinag-aral niya ako. Pero pinapadalhan naman ako nila itay ng konting pera minsan kung meron sila. Ibili ko daw kung anong gusto ko Dahil sila tita ang nagpapaaral sa akin sagot na nila lahat pati allowance ko.

Ang pinagkukunan nila ng pang araw-araw nilang gastusin ay ang pagtitinda ng mga gulay. Buti na lang masipag sila sa pagtatanim ng mga gulay. Meron din naman kaming konting palayan tamang tama naman lang na pagkukuhanan namin ng bigas.

Business Ad ang kinuha kong course. Nasa second second year collage na ako ngayon. Sa awa ng diyos maganda naman ang mga grades ko. Naipapasa naman kahit papaano.

"Ayos lang ako dito 'nay. Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po ako nahihirapan sa pag-aaral ko. Sa awan nang diyos naipapasa ko naman ang mga subjects ko." Sagot ko. Ngumiti naman ako kahit hindi nakikita ni inay.

"Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo anak. Alam ko naman na proud na proud kami sa'yo ng itay mo di'ba. Basta huwag ka munang magboboyfriend. Sigro kapag naka-graduate ka na, pwede ka ng magkaboyfriend." Mahabang paliwanang niya.

Napabusangot ako sa sinabi ni inay. Hindi ko alam kung pang ilang beses na niyang sinabi yan, huwag daw muna akong akong magboboyfriend. Basta kapag tumatawag siya hindi 'yun mawawala sa usapan namin. Hays. Ewan ko ba kay inay wala naman akong balak magkaboyfriend. Pinapangunahan na niya ako.

"Nay alam ko na 'yan. Halos memoryado ko na ang linya mong 'yan. Atsaka wala pa sa isip ko 'yan." Sagot ko naman.

"Mabuti naman. Baka ma-distract ka lang sa dahil diyan. Hindi naman sa pinagbabawal ko pero gusto lang namin ng itay mo na makapagtapos ka ng pag-aaral. Ayaw namin na matulad ka sa amin na hindi nakapagtapos. Buti meron ang tita Laina mo na gusto kang pag-aralin. Kaya huwag mong sayangin, pagbutihin mo ang pag-aaral mo." Mahabang pangangaral ni inay mula sa kabilang linya.

Dumaan ang katahimikan sa amin. Pero maya maya agad ko ring binasag.

"Oo naman po, gagawin ko ang lahat para makapagtapos. Kahit iyon man lang ang maipagmamalaki ko sa inyo. Atsaka kahit hindi man po kayo nakapagtapos noon maganda naman po ang pagpapalaki niyo sa amin ni kuya. Nairaos niyo ang pag-aaral namin hanggang maka-graduate kami ng high school." Sagot ko kay inay.  

Si kuya ay hindi na nag-aaral, pagtapos niya lang ng highschool noon tumigil siya dahil tutulungan na lang daw sina inay at itay sa pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay. At isa pa walang wala kami noon hindi nila kami kayang pagsabayin na pag-aralin. 3 years gap lang ang agwat namin ni kuya Elijah. 19 na ako at 22 na siya. Buti nakakaintindi si kuya na hindi muna siya mapag-aaral nila inay.

"Si itay at kuya pala 'nay?" maya mayang tanong ko dito. Pansin ko kasi na walang boses nila ang nakikisabat sa usapan.

"Ang kuya mo may binili lang sa tindahan. Ang itay mo naman nandun sa kusina nagluluto ng panghapunan namin." Sagot naman ni inay.

Maya maya nagpaalam na ako sa kaniya. Nang maibaba ko ang tawag agad akong tumayo sa pagkakahiga sa kama. At pumasok sa CR. May sarili akong CR dito sa kwarto ko. Astig nga eh hindi ko na kailangan na lumabas pa. Agad akong naligo. Gusto ko ulit maligo kahit naligo na ako kaninang umaga. Sa init ng panahon dapat kada oras kang maligo.

May sarili akong kwarto dito sa bahay nila tita Laina. Mansion kasi ang bahay nila. Maswerte si tita Laina dahil mayaman ang napangasawa niya, hindi lang basta basta ang asawa niya. May dalawa silang anak pero nasa ibang bansa ang mga ito. Nagtatrabaho at nag-aaral ang anak nila. Mas matanda ang dalawa kong pinsan kaysa sa akin.

The Hidden Child Where stories live. Discover now