Chapter1♥

4.9K 98 7
                                    


Nagising ako sa tunog ng pag-bagsak ng sapatos sa sahig.

"Hey, I'm leaving soon. Just lock the room before you leave." Sabi sakin ng isang di ko kilalang boses.

Pagbukas ng mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakabihis ng pantalon na slacks at walang damit. Maganda ang hubog ng katawan at medyo may itsura. Ang totoo, gwapo siya. Sinwerte yata ako kagabi.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko na.

"So you get amnesia on the day after?" sagot niya habang nagpupunas ng buhok.

"What time is it?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Quarter past two." Biglang nagising ang diwa ko. Naalala ko ang kasal ng kapatid ko.

"Shit!" Sabay bango ko sa pagkakahiga a dali-daling pinulot ang damit ko sa sahig at nagbihis. "Shit! Shit!
Shit!"

"Ano, natatae ka?" nang-asar pa ang gago habang tumatawa sa sinabi nya. Hindi ko na pinansin at nagmadiling umalis.

"Matteo." sabi niya sakin bago makarating sa pinto.

"Ano?"

"Matteo ang pangalan ko. But my mum calls me Pikoy." Natawa ako sa sinabi niya. Alam niya kaya na titi ang tawag sa kanya ng mama niya? Inisip ko na parang tugma naman, base sa nangyari kagabi.

"What's so funny?"

"Forget it." Sabi ko bago tuluyang lumabas sa pinto.

"Bye, Pikoy."

Tawa ko sa sarili ko. Ilang segundo pa lang ako nakalabas ng pinto ng bumalik ako sa kwarto niya.

"Where's my car?" tanong ko sa kanya

"Alchemy. We used my car last night. If you want I can..." Kabog ng pinto na ang nagpatahimik sa kanya.

Matagal na ako sa sirkulasyon, 'di na bago sakin ang magising sa kama ng isang estranghero. Di ko na inaalam ang pangalan, wala ng usapan. Walang kakabit ng tali. May pagka-abnormal yata ako. O malamang, kahit hindi ko maamin sa sarili ko, takot lang talaga ako. Naranasan ko na. Matagal na panahon na rin pero ayaw ko na ulitin. Hindi na ako natuto sa nakita ko sa mummy at daddy ko. O kaya sa mga kapatid nila. O sa mga napapanood ko sa peikula. Walang katuturan ang relasyon. Walang kauturan ang kasal. Pero kahit ilang ulit kong sabihin yun sa nakababata kong kapatid na babae, hindi parin siya nakinig sakin. Ikakasal siya ngayong araw. Lintik. Basta sinabi ko na lang sa kana na wag akong sisihin sa hindi magandang mangyayari.

Dali-dali na lang akong kumuha ng cab sa ibaba ng condo niya. Hindi mahirap makakuha, sa Eastwood siya nakatira. Hindi ko namalayan yun kagabi. Pagkakuha ko ng kotse, direcho na ako ng unit ko sa Ortigas, mabilis na paligo, konting pabango. Nahirapan lang ako sa pagsuot ng ribbon sa leeg. Hindi ako marunong kaya tsumaba na lang ako. Kung pwede lang sanang mag t-shirt na lang.

Thirty minutes bago magsimula nakaratig na ako sa pagdadausan ng kasal - isang maliit na chapel sa New Manila. Mabuti na lang pala hindi ako nag t-shirt kung hindi magmumukha akong basurero sa gitna ng mga taong ito. Pagkalabas lang ng kotse ko, naramdaman ko ang cellphone sa bulsa. Si bunso tumatawag.

"BB?" pambungad sakin ng kapatid ko. BB ang tawag nya sakin, ibig sabihin big brother. Nahilig yata masyado sa Pinoy Big Brother 'tong kapatid ko. Merong iba sa boses niya. Malungkot. Umiiyak.

"Nasan ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa room dito sa likod."

"Punta na ako diyan. Hintayin mo ako."

Nadatnan ko si Kelly na umiiyak sa harap ng salamin. Suot na ang kanyang traje-de-boda, maayos na ang buhok, mejo magulo ng konti ang make-up dahil sa kakapunas ng luha. Biglang ngiti pagkakita nya sakin. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"What's wrong?" tanong ko. Natatakot ako sa isasagot niya.

"You look better than I do on my wedding day!" Pabiro niyang sabi habang humihikib. Hindi ko na napigilan ngumiti. Akala ko sasabihin niya sakin na hindi na tuloy and kasal. Masyado yata talaga akong nanunuod ng pelikula.

"I miss you."

"Miss me? Eh di naman ako nawala ah!" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha nya.

"'Di naman kelangan wala para ma-miss." Alam ko ang ibig sabihin ni Kelly. Mag-aasawa na siya. Natural lang ang umiyak.

"And I miss dad. Sana nandito siya."

"Kelly..." Hindi ko na ala ang susunod kong sasabihin. Siguro nga, ganoon talaga kahalaga sa isang babae ng ilakad sa altar ng kanyang ama.

"Kelly, it's all right. I'll walk you down that aisle. Tahan na, wag ka ng umiyak. Tingnan mo ang pangit-pangit mo na oh. Para kang punk diyan sa mascara mong sabog." Tumahan na rin siya sa pag-iyak at tumawa.

"Let's fix you up, okay?"

"You're always so good at that," sabi niya sakin. Habang tinatanggal ang ribbon sa leeg ko para ayusin.

"And I always will be. I'm you're big brother, that's what I do."

Kami lang ni Kelly and magkapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya pero kahit ganoon, naging malapit parin kami sa isa't-isa. Dala na rin siguro ng pagigi naming ulila sa ama kaya ako na ang nagsilbing gabay sa kanya. Nandiyan ang mummy namin pero iba parin ang may lalake na tumitingin sayo habang lumalaki ka. Wala kaming sikreto sa isa't isa ni Kelly, alam nia ang pagkatao ko at ni minsan ay hindi niya pinaramdam sakin na nag-iba ang turing niya mula nung malaman niya. Ang naaalala ko lang nung malaman niya, sabi niya may mag-lilinis na ng mga kuko niya ng libre. Sabay tawa. Noong nagdadalaga si Kelly, ako parin ang bantay niya - tagahatid sa gimik, taga-sundo sa school, taga-screen ng boyfriend. Si Macky ang naging pinaka-matino sa naging nobyo niya. Kaya siguro hindi niya siya nagdalawang-isip nung nag-propose ito sa kanya. At nagpropose pa talaga ang mokong sa kapatid ko habang nandun ako. Sa isang banda, dahil sa ginawa niyang iyon, naisip ko na sincere nga siya sa kapatid ko. Utos kapatid ko na lang, huwag na huwag sasaktan ang bunso ko kung hindi hukay ang katapat niya.

"BB, umamin ka sakin." sabi ni Kelly habang inaayos ang ribbon.

"Ano yun?"

"Crush mo si Macky dati, noh?"

"HA?! Si Macky? Kadiri!"

"Asuuus! Kadiri ka pa diyan! Kala mo ba hindi ko nahalata? Lagkit mo kaya makatingin! Parang kakainin mo eh!"

"Ah. Hehe." Buking! Baka sakalin ako ng ribbon ko. "Sarap nyang tingnan eh!" Sabi ko ng pabulong.

"Masarap talaga! Pero ikakasal na kami at inaalisan na kita ng karapatan na masarapan!" Sabay ngiti sa sinabi.

"Ask me bakit ako pumayag magpakasal." Tanong niya sakin.

"O sige, bakit?"

"Kasi dati nararamdaman ko, malapit ka na niyang patulan! Parang may tendency, alam mo yun?. Baka makawala pa eh!" Sabay tawanan kami ng malakas. Bruhang to! Kung hindi sana naglandi eh sakin sana si Macky!

"Kelly?" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa bumubukang pintuan. Si Mummy.

"Mummy!" Sabi ni Kelly sabay yakap kay Mummy, naiiyak ulit.

Pagkatapos naming maayos ang make-up niya!

"Oras na, baby." Sabi ng mummy ko.

"Oh sige, mi!" sabi ni Kelly habang nagpupunas ng luha. "Lalabas na kami sandali na lang." Tumango sakin at umalis na si mummy.

"Isn't she ging to give you "The Talk"? tanong ko kay Kelly.

"Tapos na. Kagabi pa."

"Hmm... convenient. Para di na masira make-up mo." Inayos ko na ang belo ni Kelly. Bumukas ang pinto at pumasok si Nina, and bestfriend ni Kelly sabay tili ganun din si bunso.

My Most Beautiful Mistake (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon