Chapter2♥

2.7K 81 2
                                    


"Ang ganda-ganda mo, friend?" sabi ni Nina. Itim ang kulay ng kasal ni Kelly kaya itim ang suot ni Nina at may bulaklak sa puti sa tenga. Si Kelly lamang ang naka suot ng puti. Inabot ni Nina ang isang pirasong bughaw na tulip kay Kelly, and kanyang boquet.

"I know!" sabi naman ni Kelly habang nagpo-pose ala-modelo sabay pakingdat-kindat na mata. Tumawa na lang ako sa dalawa. Naging malapit nadin saakin si Nina dahil sa madalas pagpunta niya sa bahay namin nung doon pa ako sa amin nakatira. Magka-classmate sila ni Kelly mula pre-school at di na naghiwalay ang dalawa. Akala ko dati susunod si Kelly sakin at magiging lesbiana. Mabuti na lang hindi, gusto ko ng pamangkin dahil alam ko wala akong magiging anak.

" Tara na! Dalawang 'to para kayong mga ewan diyan" sabi ko. Hindi nagtagal tumugtog na sa loob ng chapel. Natapos ng maglakad ang lahat, nagsimula ng tugtugin ang Bride's Chorus, hudyat ng paglakad ko kay Kelly sa altar. Totoong pinaka-maganda ang babae sa kanyang kasal. Hindi maitago ni Kelly ang saya, ito na ang pinakamalaking ngiti na kakita ko sa kanya. Nagsitayo na ang lahat. Nakita ko si Macky sa harap, talagang napaka-gwapo ng magiging bayaw ko. Nainis ulit ako kay Kelly. Mang-aagaw na bruha! Sino yung nasa tabi ni Macky? Best man, natural, pero ngayon ko lang siya nakita. habang papalapit kami sa altar unti-unti kong naaninag ang mukha ng best man nila. Shit! Shit! Shit! Mali ako, nakita ko na pala siya. Si Pikoy.Nahalata ni Kelly ang mukha ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

"Okay ka lang, BB? Parang ikaw ang ikakasal ah!" Mahinang sabi niya sakin.

"I'm just... I'm just so happy for you." Okay na sa sagot na yun si Kelly, iniabot ko na siya kay Macky habang pilit na umiiwas sa tingin ni Matteo. Alam ko na namumukhaan niya ako, ang laki ng ngiti niya saakin. Halos may kasama pang tawa. Hanggang matapos ang sermonya, hindi ako mapakali. Tingin ng tingin sakin si Matteo. Ramdam kong naubusan ako ng dugo sa mukha. Iniisip ko, eh ano ngayon? Pero hindi nakatulong.Nang matapos ang kasal, dumirecho agad ako sa kotse para pumunta sa reception sa clubhouse ng village na tinitirahan ngayon ni mummy. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang reflection ni Matteo sa salamin ng pintuan.

"What?" Tanong ko sa kanya na parang wala lang.

"What did you say your name was again?" Sabi niya ng nakangiti.

"I didn't tell you my name." Sagot ko sa tanong niya.

"Oh yeah, you didn't. So... what is it? What's your name?" Pagpupumilit niya sakin.

"Hindi mo na kailangan malaman." Pumasok na ako at sinimulang paandarin ang kotse. Hindi pa nakakaandar ay hinarangan niya ang kotse ko. Binuksan ko ulit ang pinto at bumaba.

"What do you want?" Asar na taong ko sa kanya.

"A ride. My friend took my car and there's no one else around." Sabi niya. Napansin ko nga, wala na lahat ng sasakyan. Walang dumadaan na taxi dito. Naasar ako sa kanya pero naawa din ako. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kahit gaano ko kaasar, pinapasok ko na lang siya sa kabilang pinto.

"Thanks," wika niya pagkapasok sa pinto. Hindi ako sumagot. Naging napaka awkward ng sandali kaya nagsimula ulit siyang magtanong,

"So... are you like Kelly's father?" Tumingin na lang ako sa kanya na gustong kong sabihin na napaka-tanga ng tanong niya.

"Oookay... Hindi ka naman ganun katanda ang itsura mo." Tahimik parin ako.

"Marunong ka naman magsalita, diba?"

"Oo." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa wakas sa clubhouse. Sa akin lang parang limang oras ang nilakbay ko.

"That was a nice conversation." Sabi niya.Nakangiti parin siya sakin, walang bahid ng pagka-inis sa mukha niya. Maganda ang ngiti ni Matteo. Maganda ang labi niya, ang mga ngipin, ang mga guhit sa tabi ng labi. Naalala ko bigla kagabi noong nakapatong ang mga labing yun sa labi ko. Ibang klase kung humalik si Matteo, mabagal, sensual, matamis. Napakagat ako ng labi. Nakatingin parin siya sakin na parang nang-aakit. Hindi ko na mapigilan
ang sarili ko, mabilis na inabot ko sa leeg nya ang kamay ko at hinila ko ang leeg niya papunta sakin. Mabilis naman nagpatong ang labi namin. Pero hindi siya humahalik. Oo nga't nakapatong ang labi niya pero hindi gumalaw. Tang ina, napahiya ako! Inalis ko na ang labi ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Thanks for the ride." Binuksan na niya ang pinto at lumakad papunta ng clubhouse.

My Most Beautiful Mistake (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon