Pagka-uwi ko sa bahay galing sa trabaho narinig kong kumakahol si Zap at nagri-ring ang telepono. Wala yata si Matteo."Hello?" sabi ko sa telepono.
"BB?" Si Kelly.
"Kelly! Oh kumusta? How's Hawaii?"
"BB ang ganda, sobra! Thanks thanks thanks talaga!"
"Enjoy it while you can kasi papatayin kita pag-balik mo dito!"
"Oh! What did I do?"
"Matteo!"
"Oh.. haha! BB naman, okay lang 'yun no! Ano ka ba? Hindi ka ba natutuwa?
"Mukha ba akong natutuwa. Kelly? I mean what are you doing? He's your brother-in-law who I slept with!"
"Slept with? Past tense yun, BB ah! You mean you're not sleepING with him?"
"God no! It was a mistake, okay? I was drunk and that's what drunk people do!"
"BB... he was the one who asked me if you could stay with him. I thought you two are dating." Natigilan ako sa sinabi ni Kelly. Si Matt ang nag-request kay Kelly na dito ako tumira kasama niya?
"BB? Are you okay?"
"I'm... I'm fine, Kelly. I... I have to go now. Kinda busy."
"Okay. Tawag na lang ulit ako, ha! Bye BB, love you"
"I love you, too, Kelly." Binaba ko na ang telepono.
"Was that Kelly?" Nabigla ako. Nasa may pintuan si Matteo. Hindi ko alam kung gano na siya katagal dun at kung ano ang narinig niya. Hindi pa ako nakakasagot, nag-ring ulit ang telepono.
"Hello?" Sabi ng kabilang linya. Hindi si Kelly yun pero babae. "Is Teo there?" Inisip ko kung sino si Teo, akala ko wrong number hanggang naalala ko na Matteo nga pala si Matt.
"You mean Matt? Yeah he's, he's here." Inabot ko ang telepono kay Matt at umalis na rin ako paakyat ng kwarto pero narinig ko parin ang una niyang sinabi...
"Hello, baby!"
Sinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto at napasandal sa likod. Hindi ko alam kung anong iisipin. Una nalaman ko na si Matt ang may gustong magkasama kami. Hindi ko alam kung maagalit ako sa kanya dahil sinet-up niya to o matutuwa dahil kahit papano gumagaan na ang loob ko sa kanya. Tapos bigla kong marinig siya sa telepono kausap ang isang babae tapos babatiin niya ng ganun? Nalilito ako. Sumasakit ang ulo ko at biglang nag-tubig ang mata ko. Nagseselos ba ako? Naiinis ako sa kanya pero hindi ko siya magawang kainisan ng labis labis. Tuluyan ng lumuha ang mata ko. 'Tang ina kaya ayaw ko ng ganito eh.
Nagtangka akong kontrahin ang nararamdaman ko. Bakit ako umiiyak e ako na mismo ang nagsabi na ayaw ko sa kanya, na ayaw ko ng ganito. Ano naman sakin kung may karelasyon siya? Hindi gumana. Tuloy tuloy ang luha ko. Matagal din siguro ako sa ganung lagay ng biglang may kumatok sa pinto.
"Kiros?" Tawag ni Matt sakin. Ayaw kong magpakita sa kanya na ganun.
Pinunasan ko ang luha ko at nagpag-pag ng sarili tapos pinilit ngumiti. Tumayo ak sa pagkakaupo at binuksan ang pinto.
"Oh, Matt? Bakit?"
"Anong bakit? Ako dapat yata magtanong sayo niyan! Bakit ka umiiyak?"
"Ah... di ako umiiyak," sabay punay sa mata ko. "Napuwing lang ako."
Inabot ni Matt ang kamay niya sa mukha ko, akmang pupunasan and luha ko. Umatras ako ng hindi niya maabot.
"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sakin? Kailan mo ba ako pagkakatiwalaan?"
Umalis si Matt at humiga naman ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi na ako nakapag-bihis o naligo man lang. Nang nagising ako, nakita ko sa relo na alas dos-y-medya na ng madaling araw. Nagugutom ako kaya bumaba para kumain. Nadaanan ko si Matt na nakahiga sa may sala, ang tv bukas. Nakita kong may natatakpang pagkain sa mesa at binuksan yun. Sardinas.
Kung sa ibang pagkakataon, iisipin kong napaka-sweet at naghanda siya nga sardinas para sakin pero nalala kong bigla ang narinig ko sa telepono kahapon. Kumuha ako ng kanin sa may rice cooker at nagsimulang kumain.
"Ayos ka na ba?" Nabigla ako at napalingon sa kinatatayuan ni Matt. Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa pagkain. "Tumawag ulit si Kelly. Alam mo na pala."
"Ang alin?"
"Alam ko agad na ikaw yun nung makita kita sa kasal. Gustong gusto kitang makilala. Kinausap ako ni Kelly sa reception, nagtanong siya kung papayag akong magbantay ng bahay at sa aso. Sabi ko papayag ako kung kasama kita."
"Ah talaga?" sabi ko na nagkukunwaring walang pakialam. hindi ko makuhang tingnan siya kaya pinagpauloy ko lang ang pagkain. Naglakad siya papunta sa mesa at naupo sa katabing na upuan ko. Hinawakan niya ang bisig ko. "I just want to know you better."
"Bakit? May gusto ka ba sakin?" Sinabi ko sa kanya ng maypagka-sarcastic. "Gusto mo rin ba yung kausap mo sa telepono kanina?"
"Nagseselos ka ba? Is that what this is all about?" Medyo galit ang tono niya. "I was talking to my daughter!" Napatingin ako sa kanya. Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "And you talked to her mother."
"You didn't tell me you had a daughter." Nag-aasta parin akong hindi interesado at nagpatuloy sa pagkain.
"How can I if you're closing everything on me! You wouldn't let your guard down! Natatakot ka sakin! You don't trust me! I'm just a mistake to you, 'di ba yan ang sabi mo kay Kelly?" Tumayo siya at naglakad papalayo pero tumigil at nagsalita.
"I didn't want to think YOU were a mistake. Now I can't help it."