Kinuha niya ang pinagkainan at nilagay sa lababo at iniwan niya akong kumain ng mag-isa. Natahimik ako sa sinabi niya. Tahimik ang buong bahay bigla. Si Zap lang at ang kanyang dila sa gatas ang tanging ingay hanggang narinig kong buksan ni Matt ang tv. Pagkatapos ng paghugas ko ng pinggan, kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan ng wine. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na kailangan kong humingi ng patawad sa kanya. Mahirap sakin ang paghingi ng tawad. Pano niya nagawang mapilit sakin yun?Naabutan ko si Matt na natutulog na sa sala habang bukas ang tv. Natigilan ako sa nakita ko. Si Matt lang naman. Pero parang iba ang Matt na to. Mas maamo ang kanyang mukha. Mas tahimik. Gumalaw ang labi niya na parang may nginunguya. Parang bata. Malalim ang pahinga niya. Medyo mahaba ang buhok ni Matteo, ilang piraso nito bumabagsak sa mukha niya. Isang kamay niya nasa tiyan, ang isa naman sa tabi hawak ang remote. Parang gusto kong hawiin ang buhok niya, hawakan ang labi niya at halikan ang mata niya. Naramdaman ko na kumirot ang puso ko. Shit! Di pwede 'to!Binaba ko ang baso sa salamin na mesa sa sala. Anong gagawin mo, Kiros? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko gagawin ang gusto kong gawin. Hindi ako matatalo sa pustahan. Umalis ako sa sala at pumunta ng kwarto. Nahiga pero hindi makatulog. Iniisip ko si Matt at noong gabi na magkakilala kami. Hindi ko natatandaang sinabi niya ang pangalan niya pero ang alam ko 24 ang edad niya. Tinanong ko silang lahat ng edad nila. Twenty-five ako, hindi magkalayo ang edad namin. Tinanong niya kung pwede daw siya tumambay sa kinatatayuan ko. Sabi ko walang problema basta walang magagalit na nakikipag-usap siya saakin. Sa tagal ko na sa sirkulasyon, alam ko na ang gusto niyag mangyari. Hindi ako tatanggi. Biyaya na, aayawan ko pa ba? Hindi ko maalala ang pinag-usapan namin pero alam ko na marami. Mukha naman siyang matalino, may sense kausap. Marami na rin ang nainom ko pero ayaw ko pang tumigil. Sabi niya, sa condo niya na lang daw kami uminom para kung sakaling makatulog eh may higaan. Pumayag ako. Gegewang-gewang na din ako kaya inalalayan niya ako. Nakatulog ako sa biyahe, kahit papano nagbalik ang ulirat ko. Pero hindi naalis ang libog ko sa kanya. Hindi pa tuluyang sarado ang pinto tinulak ko na siya sa likod nito at hinalikan sa labi. Hindi niya ako binigo at humalik naman pabalik. Habang pinupuno ko ng halik ang kanyang labi, sinimula kong hubarin ang suot niyang polo. Ganun din ang ginawa niya sakin.At nangyari nga ang nangyari. Isa si Matt sa pinakamagaling na nakatalik ko. Ibang klase siyang gumalaw. Nakakalibog ang kanyang boses habang nagpapahiwatig ng sarap. Mainit ang hinga niya sa batok ko. Marahan ang kanyang pag-indayog. Marunong siyang magpaligaya at alam niya ang dapat gawin para magpaligaya. Walang salita, alam namin pareho ang dapat gawin. Matapos 'yun, binuksan ko ang bintana at nagsindi ng yosi. Natulog na si Matt. Malamig ang hangin ng Disyembre lalo na dahil naka-boxers lang ako. Habang nakatingin sa mga ilaw sa baba, hindi ko namalayan ang luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi na bago sakin ang umiyak matapos gawin yun. Sa bawat pagkakataon tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. Anong makukuha ko dito. Oo nga't
masarap pero nasasaktan ako pagkatapos. At hindi matumbasan ng sarap ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Ayaw kong masaktan pero ayaw ko din timigil. Napukaw ako ng gumalaw si Matt, tulog parin. Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa kama. Tumalikod sa lalakeng yun at pinilit na matulog.Nagising ako sa tahol ni Zap sa garden. Paglabas ko sa porch nakita kong nilalaro ni Matt ang aso ng frisbee sa garden. Nakangiti si Matt, iba sa itsura niya nung huli kaming mag-usap kagabi. Sana kinalimutan niya na yun. Ayaw kong pag-usapan. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng kape, nilagay ko sa dalawang tasa. Paglabas ko nasa pool na sina Matt at ang aso. Nakita ako ni Matt at umahon, lumapit sa mesang pinaglagyan ko ng kape habang umupo naman ako. Walang suot ng t-shirt si Matt. Maganda talaga ang hubog ng katawan niya. Mas maganda pa dahil sa kumikintab sa araw na mga patak ng tubig dito.
"Is that for me?" turo niya sa isang tasa ng kape. Umupo siya sa harap ko.
"That's for Zap," birong sagot ko sa kanya.
"Kanino?" tanong niya sakin. Hindi niya nga pala alam na Zap ang tawag ko kay Legazpi. Tinuro ko ang aso. "I thought his name's Legazpi?"
"It is. But it's a stupid name so I call him Zap." sabi ko sa kanya.
"Ah! Ako nagpangalan sa kanya." sabi niya sakin habang tinitingnan ang aso na inaalis ang tubig sa katawan.
"Kaya pala." sabi ko sa kanya. "Sayo yang kape"
"Thanks. Ako nag bigay kay Macky niyan bago pa sila ikasal ni Kelly. May alaga din akong pug, si Villalobos."
Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. "Bakit?""And pangit mo magbigay pangalan sa aso."
"Ganun ah! Eh ikaw nga diyan eh. Zap? Ano yun? parang kinuryente." Ngumiti kaming pareho, nagsalubong ang mata namin. Natahimik.
"Sa tingin mo ba talaga malungkot ako?" tanong ko sa kanya. Shit!
Sabi ko ayaw ko ng pag-usapan bakit ako pa ang nagsimula? Yumuko si Matt at ngumiti sa sarili.
"Sa tingin ko? Oo. Kitang kita sa mata mo. Kahit gaano mo itago, makikita at makikita parin sa mata. Hindi ka magaling magsinungaling, kita lahat. Kung masaya ka, kungmalungkot..." Nawalan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya.
"Pero... kung sinasabi mong hindi ka malungkot... e di hindi!" ngumiti siya sakin ng matamis. Napakagat ako ng labi.
"Do you believe in love?" biglang lumabas sa bibig ko. Ano ba 'tong pinagtatatanong ko sa kanya?
"Sabi ko na nga ba in love ka sakin." wika niya at mas lumawak pa ang ngiti niya. Yung wine kagabi, 'tong kape... nagpapa-cute ka pa palagi."
"May napakagsabi na ba sayo na napaka-arogante mong tao?" inis na tanong ko sa kanya.
"I was just kidding! Where are these questions coming from anyway? Kaaga-aga nag e-emote-emote ka a diyan!"
"My parents, they... they divorced when I was 15, Kelly was 12. Mga tito at tita ko, lahat, kung hindi divorced, hindi nag-asawa. Natatakot ako para kay Kelly."
"Natatakot kang masaktan."
"Ha? Ah... hindi, hindi... sabi ko si Kelly."
"'Di ba sabi ko sayo, hindi ka marunong mag-sinungaling?" Tumayo si Matt at naglakad papasok ng bahay. Tumigil siya sa may pinto at lumigon sakin.
"Wag kang mag-alala. Hindi hindi kita sasaktan."
![](https://img.wattpad.com/cover/42352603-288-k302028.jpg)