"Alam mo sa tigin ko, may gusto ko sakin. Sinunggaban mo nga ako ng halik kanina eh.""Walang ibig sabihin 'yun," namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Okay lang. 'Di din naman kita gusto eh."
"Good! That's good." Aray. mokong na 'to. Nasaktan ako sa sinabi niya ah! Hindi ko alam kung bakit, siguro nasaktan ang ego ko.
"But I bet, magkakagusto ka sakin! Pero hindi ako papatol sayo kahit akitin mo pa ako."
"Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya pero sinadya kong lumakas ang tawa ko.
"Never gonna happen."
"We'll see about that, BB!" Tinapon na niya ang yosi at naglakad paputang clubhouse.
"You're on, Pikoy!"
Kinaumagahan, nagising ako sa ring ng telepono, si Kelly tumatawag.
"BB," pambungad nyang bati.
"Kelly ang aga pa!"
"BB may utang ka saking kwento."
"Masyado ka pang bata."
"Pag-kinwento mo sakin, ikukwento ko sayo nangyari samin kagabi ni Macky."
"Salamat na lang."
"Che! Bahala ka nga diyan," mabuti na lang umalis na si Kelly sa piaguusapan namin. "BB, remember ha! You promised me you'll take us to the airport." Ngayon nga pala ang alis ni Kelly at Macky para sa honeymoon nila. Ako ang nagregalo kay Kelly noon, isang linggo sa Hawaii .
"Yeah, yeah, I remember."
"We're all packed up na, punta ka na dito."
"Sige, shower na ako."
Hinatid ko si Kelly at Macky sa airport. Ibinilin sakin ni Kelly ang bahay. Dun muna daw ako tumira para alagaan ang kanilang aso, si Legazpi. Napaka-istupidong pangalan para sa aso kung ako tatanungin mo, pero gusto ko na rin si Zap, tawag ko sa aso. Pumayag na ako. Pero pina-sumpa niya ako na doon ako matutulog hanggang dumating silanext week. Sabi ko walang problema. Pagkagaling ng airport, dumirecho na ako sa bahay nila para pakainin si Zap. Nabigla ako ng nakita kong bukas ng pinto, kahol ng kahol ang aso. May magnanakaw yata. Kumuha ako ng tubo na malapit sa may pintuan bago pumasok, inutusan ko ang sarili ko na itanong kay Kelly kung bakit may tubo dun. Napaka out-of-place. Hindi ako gumawa ng ingay, baka malaman ng magnanakaw na may tao at tumakbo. Walang magulo, walang nakuha sa sala, ang tv nandun parin at nakabukas. Siguro alam ng magnanakaw na matagal bago bumalik and may-ari ng bahay. Nasa kusina si Zap kumakahol. Kumakahol si Zap sa ref. Pagtingin ko, may lalakeng naka-dungaw at may kinukuha sa loob.
"You have got to be kidding me!" sabi ko at nahulog ang tubo na dala ko. Napalingon si Matteo sa ingay ng tubo ng nahulog.
"O, Kiros! Anong ginagawa mo dito?" Nilagay niya ang gatas na kinuha sa ref at binuhos sa lalagyan ni Zap.
"I was going to ask you the same thing."
"Well, Kelly asked me to stay here 'till they get back. You? What's your excuse? Sinusundan mo ako 'no?" Ngumiti siya sa akin habang hinihimas ang ulo ng aso.
"Remind me to kill Kelly when she gets back." Wika ko sa kanya.
"Okay, I will."
Pagkatapos noon umuwi na ako para kumuha ng mga damit sa gagamitin. Habang nasa byahe, nag-ring ang telepono ko.
"Hello?"
"Kiros? It's Matt."
"Where did you get my number?"
"Kelly gave it to me."
"Remind me to kill her twice."Natawa siya sa sinabi ko.
"Hey, listen, can you pick up a food for Legazpi on your way back."
"What makes you think I'm coming back?"
"Because I'm here. And I know you want to see me again."
Puki ng ina! Ayaw niya talaga akong tigilan! Napaka aroganteng litsugas! Binagsak ko ang telepono. Pagkalipas ng tatlong oras nakabalik na ako sa bahay nila Kelly dala ang isang sakong pagkain ni Zap. Binuksan ni Matteo ang pinto.
"You can't get enough of me, can you?" tanong ni Matt sakin. Sinubsob ko sa dibdib niya ang dogfood na dala ko.
"Matt, listen, I have some rules." sabi ko sa kanya.
"Bakit? Di naman ikaw may-ari ng bahay ah!" protesta niya.
"Number one! Sa sala ka matutulog, sakin ang guest room."
"Fine by me."
"Two, salitan tayo maghuhugas ng pinggan. At three, bawal ka magdala ng lalake dito"
"Gusto mo lang akong solohin."
Dumirecho ako sa guest room dala ng mga gamit ko. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Kelly pero hindi ako natutuwa. Ang lalake, pang isang gabihan lang. Akala ko sinwerte ako kay Matt nung inuwi niya ako sa bahay niya noong isang gabi. Mali . Pagkatapos kong maligo bumaba ako. Naamoy ko ang masarap na niluluto sa kusina.
"Are you sure you can cook?" Tanong ko kay Matt.
"I'm a chef!"
"Hindi ko tinatanong kung anong trabaho mo, oo o hindi lang."
"We're having Couscous-Stuffed Pork Chops." sabi niya.
"Gusto ko ng sardinas."
"Oh that is so rude!"
"Baka may gayuma yang niluluto mo."
Binigyan niya ako ng dirty finger. Kumuha ako ng softdrinks sa ref ni Kelly.
"Get the wine, this will be finish soon."
"Wine-wine ka dyan! Wag ka maarte. Couscous pork chop. Ha! Kuskusin ko yang mukha mo eh!" Nilaro ko si Zap hanggang makapag-handa si Matt ng mesa. Siya na rin ang kumuha ng wine. Inaamin ko, sa amoy at tingin ng niluto niya parang nagutom ako bigla. Chef-chefan nga si pota. Tinawag na niya ako para kumain. Ang gara ng pagkakaayos ng mesa, may kandila pa.
"We're not on a date, you know!" sabi ko sa kanya. "Wag mong sindihan ang kandilang yan at lalong wag mong patayin ang ilaw."
"It's called fine dining, Kiros. Get with the program."
Hindi sinindihan ag kandila, bukas lang ang ilaw. Hindi ko maipagkakailang masarap talaga ang luto niya. Mga tipong tig-iisang libo ang bawat subo. Tahimik lang ako at nakatingin sa pagkain. Si Matt tingin ng tingin sakin hanggang di mapigilan magsalita.
"We could at least be friends, you know."
"I have enough friends." Sagot ko sa kanya.
"Ano bang meron sayo, ha? Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos ng isang gabi sa lalake, bale wala na sayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at inatupag ang pagkain ko.Napailing na lang ang ulo niya at bumalik sa pagkain.
"Ba't parang apektado ka?" tanong ko sa kanya.
"You know why I even bothered talking to you that night? Kasi kita sa mata mo na malungkot ka. Nakatawa ka pero malungkot ka. Parang dapat may kumausap sayo kung hindi magpapakamatay ka."
"Well, hindi ako malungkot, alright?" Naramdaman kong nagagalit sa kanya. Parang tinamaan ako.
"Whatever you say. But I honestly thought you were going to be... different."