Chapter7♥

2.1K 71 2
                                    


Sinadya kong tumagal sa kusina, ayaw kong maabutan na gising si Matteo sa sala. Hingasan ko ang plato at lahat ng ng makita kong madumi. Nang dumaan ako sa sala para umakyat nakita ko si Matt sa sala, sarado na ang tv at natutulog na siya, nakaakap sa sarili at nilalamig. Walang kumot sa sala, naka-sando lang siya. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kumuha ng kumot. Tinakpan ko siya ng kumot na yun at tipong aakyat na ng narinig ko siyang magpasalamat.

Wala na si Matt ng magising ako ng alas-10. Sa kusina may malamig na french toast. Kinain ko ng malamig ang agahan at pumasok sa opisina. Wala parin si Matt ng makauwi ako ng gabi. Pagkatapos mag-luto at kumain, nanood ako ng tv sa sala, wala parin si Matt, hanggang nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Naisip ko kung nasaan na si Matt ng ganung oras at kung ano na ang nangyari sa kanya. Lumabas ako sa may pool para magpalamig at nakita si Matt na nakahandusay sa may upuan malapit sa pool. Gising si Matt at umiinom galing sa bote, sa baba ng upuan may tatlong bote ng Red Horse na ubos na at meron pang dalawa na hindi bukas. Halatang lasing na si Matt, malakas ang amoy ng alkohol sa kanya.

"Tama na yan," sabi ko sa kanya akmang kukunin ang beer sa kamay.

"I love the way you said that. It almost sounds like you care." sabi ni Matt. Hinayaan nyang kunin ko ang beer sa kamay nya.

"Pumasok ka na sa loob. Malamig dito."

"Another one! Ha! This must be my lucky day!"

"Matt, marami ka ng nainom."

"Why do you care? I mean I'm a mistake, right? Why do you care about your mistakes?"

"Is that what this is about? Kaya ka umiinom dahil sakin?"

"You'd like that, wouldn't you? But rest easy, I'm drinking because I made a mistake, a really bad mistake, the worst mistake I ever made." tumayo si Matt sa harap ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tumingin siya sa mata ko at tumahimik. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Ayaw ko siyang itulak baka matumba sa kalasingan.

"You, Kiros... you're the most beautiful mistake I ever made."

Naglakad si Matt papasok ng bahay at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Hindi ko na pinansin ang lamig kahit naninigas na ang katawan ko na parang nagyeyelo. Hindi ko alam kung hangin ang nagdala nun... o si Matt. Pagkarinig ko ng pagsarado ng pinto saka tumulo ang malakas na luha. Nandyan na naman sila. Ayaw na naman papigil. Sumabay sa pagbuhos ng luha ko ang pagbuhos ng ulan pero hindi ko magalaw ang paa ko para sumilong. Parang napako sa lupa hanggang tuluyan na akong mabasa ng ulan.

Pagka-umaga nagising ako na may lagnat. Sa lahat ba naman kasi ng lugar na pwedeng pagdramahan, dun pa ko sa umuulan. Umuulan pa din sa mga oras na yun. Hindi ako papasok. Nagreklamo ang tiyan ko sa gutom. Mag-aalas 8 pa lang. Sa kusina kumakain si Matt ng oatmeal. Pagkatapos tumingin sakin binalikan ang pagkain niya at nagkunwaring wala ako sa paligid. Nagbuhos ako ng kape sa tasa at umupo sa upuan na katapat ng kinauupuan niya. Wala akong magawa kung hindi titigan siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Maliban sa pulang mata, aakalain ko na nasa harap ko ang pinakamagandang nilalang. Biglang kumirot and puso ko at lumakas ang tibok. Sabi ko na nga ba. Mukhang matatalo ako sa pustahan.

"Bakit?" tanong niya sakin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.

"Tell me about your daughter," sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya.

"Anong gusto mong malaman?"

"Kung anong gusto mong sabihin."

Tumahimik siya ng sandali, nagiisip kung anong sasabihin.

"Her name is Nicole... Nikki. She's 3. Kasama ng mama niya sa Australia. Dun ako tumira dati until two years ago when her mum and I... when her mum and I decided that we have to stop living a lie."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumahimik na naman siya para makapag-isip.

"Hindi ko mahal ang mummy ni Nicole," simula niya, "hindi rin niya ako mahal. Nagsama lang kami para sa bata. Nicole came out of nowhere, unexpectedly. Isang inuman ng magbabarkada, the next thing you know, her parents and my parents have agreed on a wedding. Ayaw naming pumayag. Her name was Celine, she was my bestfriend. Kilala namin ang isa't-isa. Alam ni Celine kung ano ako. At alam naming hindi kasal ang gusto namin. We went to Australia para tumakas sa kasal. We were practically prisoners. Ang bahay, pagkain, lahat bigay lang ng pamilya at mga barkada. Wala akong ginagawa dun. Celine met a new guy and fell in love kaya kailangan ko siyang bigyan ng space. Pumayag akong iwan sa kanya si Nikki with the promise that I will still be recognized as his father. Bumibisita ako dun once in a while and they call me."

Natahimik ako sa pagkukwento niya, akala ko may karugtong pa.

"Yun lang." dagdag niya.

"I'm sure she's a beautiful kid." sabi ko sa kanya.

"I'm her father, of course she's beautiful."

"Yabang..." Ngumiti siya at nawalan ulit kami ng pinaguusapan hanggang tanungin ko siya. "Did you mean what you said yesterday? Do you really think I'm a mistake?"

Tumingin siya ng matagal sakin bago nagsalita. Ulan lang sa labas ang naririnig namin.

"I don't know what to think."

"Because I think I'm in love with you."

My Most Beautiful Mistake (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon