Chapter8♥

3.5K 91 19
                                    


Fuck! Sinabi ko ba yun sa kanya o sa isip ko lang? Parang hindi ko na napigilan, bigla na lang lumabas sa bibig ko. Tumahimik siya. Tang ina, sinabi ko nga yun, di ko inisip lang. Ngumiti siya sakin at walang sinabi.

"Pwede ba magsalita ka, para akong gago dito."

"What do you want me to say?"

"I don't know. Maybe you can tell me it's all a mistake. Diba favorite word mo yun? Maybe you can tell me it's just an illusion or something." Wala parin siyang sinabi.

Dinala niya ang pinagkainan sa lababo at hinugasan habang nakatingin lang ako sa kape ko na nangangarap na sana malunod na lang ako dito. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang magmahal. At hindi pa nga nagtatagal nasasaktan na ako agad. 'Yun ang isang bagay kaya wala akong hinayaan na lumapit sakin ng ganito. Nabibigyan sila ng pagkakataon para saktan ka.

Hindi ako iiyak, sabi ko sa sarili ko. Kung hindi niya man ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya, wala na akong pakialam. Mabuti ng matapos 'to bago pa masimulan.

"You're so stupid!" Sabi ko sa sarili ko ng malakas.

"Don't blame yourself. I'm just irrisistable." Putang ina nang-inis pa.

"You think this is a joke? God! Ikaw ang nagsabi sakin na masyado akong matigas, na di kita pinapatuloy," umiiyak na ako sa mga sandaling yun. "Then you take my defenses away, make me fall in love with you so bad and now you're laughing at me? Putang ina, anong tingin mo sakin, ha? Laruan?"

Lumapit ako sa kanya at pinaikot para magkaharap kami. "Look at me! Am I a toy to you, Matt?" Hindi siya nagsalita ng matagal hanggang...

"Are you really in love with me, Kiros?"

"Bingi ka ba?"

"Kiros, mahal mo ba talaga ako?" Hinawakan nya ang pisngi ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Lumakas ang buhos ng luha ko. Natakpan ng tubig ang paningin ko. Sunod naramdaman ko na lang ang labi ni Matt sa labi ko. Isang malambot na halik. Niyakap niya ako at bumulong sa tenga.

"I knew I loved you the first time I ever laid eyes on you. I know that sounds crazy but well, I'm crazy. And
I'm crazy in love with you."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ang korni mo. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko."

Bulong ko sa kanya.

"You know that's not true."

"Yeah... I know."

Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko ng mas mahigpit na yakap. Hindi ako makapaniwalang sa iilang araw pa lang na magkakilala kami, ganito na ang mararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako nagsisisi. Nawala ang takot ko sa kahit ano. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At alam ko na ngayong gabi, hindi na ako iiyak.

My Most Beautiful Mistake (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon