One relationship ruined because of a one night mistake!
"Ikaw ang hiling sa amang nasa langit. Nawa'y ibigay ka sa akin," taimtim kong dalangin bago ko binuksan ang aking mga mata at ngumiti bago sinimulan ang routine ko bilang isang asawa.
Isa lang naman ang aking hiling at dalangin pero hindi ganito ang gusto kong sitwasyon dahil hindi ko intensyon na makasira ng isang relasyon. At isa pa ay hindi ko rin ginusto na makasakit ako sa kapwa ko tao dahil alam ko kung anong pakiramdam ng masaktan. Sadyang, hindi ko lang inasahan ang nangyari sa nakaraan kaya heto ako ngayon hinaharap ang isang consequence sa buhay ko dahil kasal ako sa lalaking hindi naman ako mahal o gusto at kailanman hindi ako kayang mahalin dahil alam ko, kaibigan lang ang turing sa akin.
"Wait for the love that you deserve, " ika nga ng iba kaya nga wala akong magawa kundi ipagdasal ang lahat at mangarap na lang sa hinaharap na sana masuklian ang pagmamahal na binibigay ko sa aking asawa.
Actually, I am a legal wife but hinahayaan ko lang kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Hinahayaan ko rin na ipagpatuloy niya ang relasyon niya sa babaeng mahal niya at inalagaan niya mula pagkabata niya.
I am not a martyr wife but...G-Gusto ko lang kasi okay ang lahat at ayaw ko ng gulo sa pagitan naman dahil tanggap kong ganito na ang kapalaran na tinakda sa akin because we are not engrave by love byt we connected in a piece of paper at tanggap ko naman 'yon. Tanggap ko ang sitwasyon namin dalawa at tanggap ko rin na mag-asawa lang kami sa papel kahit nagsasama kami sa iisang bubong.
So that, I do my job as a wife like, pinagsisilbihan ko siya bilang asawa.Natuto akong magluto dahil sa kaniya although nararamdaman kong hindi niya naman kinakain ang niluluto ko. Masaklap man ang buhay pero ito na talaga ako though I'm trying, trying everything para maging okay kaming dalawa at maging okay ang lahat katulad ng dati, nung mga bata pa kami dahil magkaibigan kami.
"Kumain kana?" tanong ko dahil na abotan ko siyang nagkakape sa dining area habang tutok na tutok ito sa kaniyang laptop. Ngumiti ako ng mapait kasi inaasahan ko na ang hindi niya pagsagot sa tanong ko dahil sino ba naman ako para bigyan niya ng oras? Umiling na lang ako at huminga nang malalim. Nasasaktan kasi ako sa kasi kahit sulyap at tingin sa akin ay hindi niya magawa. Wala naman akong sakit na nakakahawa pero kung tratohin niya ako ay subra pa sa may sakit akong leprosy.
"Nakausap mo na ba ang daddy mo?" walang emosyon niyang tanong sa akin at padabog na sinarado ang laptop nito sa harapan niya.
"N-Na sabi ko na," utal na sagot ko at yumuko.
"Good!" saad niya at tumayo na. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi na umimik bago ko inayos ang dining area. Naramdaman kong huminto siya kaya huminto rin ako sa ginagawa ko at humarap sa akin.
"Wag mo ng asahan na uuwe ako rito sa bahay kapag weekdays. Wag mo rin akong hihintayin kapag weekend," seryosong sabi niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi tumango na lang sa kaniya para wala ng gulo sa pamilya namin kaya hinaharap ko ang ganitong buhay ko kahit nasasaktan na ako dahil ako ang may kasalanan at ako iyong nakakaintindi kaya ako ang papasan.
"Kung nasa camp ka naman Psalm just ignore me dahil hindi naman nila alam na asawa kita sa papel, " iritang sabi niya sa akin at tumalikod na.
"I'm sorry, " habol ko sa kaniya para humingi ng tawad. Nanginginig kong hinawakan ng dalawang kamay ko ang kamay niya.
"I-I'm sorry," sabi ko ulit. Huminga siya ng malalim at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Your sorry cannot change the situation, Psalm! " galit na sagot.
"M-Mahal... K-Kita,"matapang kong sabi kahit utal-utal ang pagkakasabi ko.
"Pero hindi mo ako pagmamay-ari, " walang gana niyang sagot.
Hinakbang ko ang mga paa ko para harapin siya pero nagtama ang mga mata namin kaya automatic akong nag iwas ng tingin at pinaglaruan ang sing-sing sa palasing-singan ko.
"Anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" tanong ko.
"My freedom!" maikling sagot niya.
"And please..." paki-usap niya at tumingin sa kamay ko.
"Don't use that ring because we're not lovers."
"Masusunod."
"Gawin mo ang lahat para mapatawad kita!" Huling sabi niya sa akin at umalis na nang walang paalam.
Nagbuga ako ng hangin at umiyak na lang. Malabo man ang gusto niyang mangyari pero pinapangako kong gagawa ako ng paraan para sa hinihingi niyang kalayaan mula sa akin. Hindi ako mapapagod kumbensihin si daddy para sa kalayaan na hinihiling niya kaya kahit mahal na mahal ko siya handa akong magsakripisyo para sa ikakasaya ng buhay niya.
"Being in love with someone who no longer love you is the most painful feeling in the lies of world," wika ko at pinunasan ang mga luha ko at patakbong bumalik sa kwarto at tinungo ang kwarto at umiyak ng umiyak.
Binuhos ko sa pag iyak ang sama ng loob ko. Binuhos ko ang lahat ng hinanakit ko. Sumigaw ako at tinapon lahat ng mahawak ko dahil kahit magwala ako rito walang makakarinig sa akin.
"A-Ahh...A-Ang sakit!" galit na sigaw ko at tinungo ang kama at sinubsob ang mukha sa unan at pinahupa ang sarili ko dahil wala naman aalo sa akin kundi ang sarili ko pa rin.
Bumangon ako at tumingin sa larawan namin no'ng kinasal kami. Tumingin ako sa picture ni Llishan na makikita mo ang pilit niyang ngiti sa labi. Tumayo at lumapit sa larawan at hinaplos ang mukha niya.
"S-Sana isang araw paggising ko wala na itong sakit na dala-dala ko."
"S-Sana wala na iyong pagpapanggap na ginagawa ko ngayon. Mahirap man pero s-sana isang araw you have your freedom baby at sana mabigay ko ang hinihiling mo kapag pagod na ako," sabi ko at humagulhol.
This is the truth that I standing on because my secret is still remains.

BINABASA MO ANG
A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETED
RomanceOne relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llishan pero habang lumalaki sila ay nararamdaman niyang lumalayo na ang kababata sa kaniya. Hindi niya ma...