Prologue

1K 12 0
                                    

Trigger warnings: grief, depression, and su*c*de.

Prologue

Accident

Bea

They said that he got into an accident. At pagkagising niya ay wala siyang maalala. He's suffering from an amnesia...

At palagi kong maaalala sa kaniya si Jake dahil sa isang rason...

Ngumiti ako sa kaniya nang magkita kaming muli rito sa magandang garden ng hospital.

We were both admitted here at the Dela Cuesta Medical Hospital. Pagkatapos namin parehong manggaling sa isang aksidente na nangyari sa amin...

I also learned that he was actually a doctor here in this hospital before his accident happened and he couldn't remember anything now about his past after he woke up.

While I can remember everything...

Kahit halos pareho lang din iyong aksidente na nangyari sa amin. It was a traffic accident... that happened on the same time, and the same place...

I remember when I first woke up. Pagkatapos ng aksidente. Hindi pa ako makapaniwala sa nangyari. I screamed in shock and trauma the moment I knew what happened to us...

Hindi ko matanggap.

At hanggang ngayon ay parang hindi ko pa rin talaga matanggap...

And I can only wonder if I'll ever be able to just accept what happened...

Hindi ko iyon basta na lang makakalimutan.

At nandito sa akin ang sakit at guilt... My regrets and frustration would not just magically heal or disappear...

I know that it takes time. Pero pakiramdam ko na ngayon na kahit gaano pa man katagal ay hindi ko na makakalimutan iyong nangyari.

Habang-buhay ko na siguro itong dadalhin.

I wouldn't be able to move on from it...

It was traumatic. And very painful.

Gusto kong umiyak na naman pero inunahan ko na ang emosyon ko at binati ko na siya nang magkita kami. "Hi! Trying to relax here in the garden again?" I asked him.

Tumango naman siya at ngumiti rin sa akin. "Yes. Ikaw din ba?"

I nodded. "Yeah..." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. I was just trying to find that something in him...

"Wala kang kasama ngayon?" I asked. Dahil palagi siyang binibisita ng pamilya niya rito sa hospital habang nagpapagaling siya.

Habang ako naman tingin ko ay napilitan lang din sina Mommy na puntahan at bisitahin ako rito sa hospital...

I didn't have a proper family growing up... At nang makilala ko si Jake ay siya na lang sana ang naging pamilya ko...

Umiling siya sa akin, and he almost looked annoyed about something. "I told them na kahit huwag na muna nila akong madalas na puntahan dito sa hospital. I also don't like to see that woman..." aniya na parang napapaisip din...

I think I know who he's talking about now.

He has a girlfriend before the accident happened, at hindi na niya ito maalala ngayon. He doesn't remember anything about her. So he's just pushing her away...

Habang ako naman ay parang mas nakikilala niya pa kahit ngayon lang naman talaga kami nagkitang dalawa at dito na sa hospital pagkagising namin pareho...

Sa ganoon kami nagkakilala ni Leo at nagkalapit sa isa't isa on our days of recovery at the hospital...

"Bea!" Kumaway siya sa akin.

Your Lying Heart (Hearts Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon