Chapter Eleven
Ex
"Doc, nandito na po si Doctor Madrigal..." Her assistant told Yessa.
Bumaling naman sa banda ko si Yessa sa may pintuan ng clinic niya rito sa ospital.
Bahagya akong kumaway sa asawa ko. Agad naman siyang ngumiti sa akin at lumapit. "You're done?"
I nodded. "Yes. Ikaw? Tapos ka na rin dito?" Tiningnan ko ang malinis niyang clinic.
She nodded and smiled at me again. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag niya at ako na ang magdadala nito. Nagpaalam kami ni Yessa sa assistant niya at ito na ang magsasara ng clinic. Umalis na kami ni Yessa at papunta nang parking ng ospital para makauwi na sa anak namin na kanina pa raw naghihintay sa bahay ayon sa yaya.
Leon's such a sweet little boy. Hindi ko lang sigurado kung gan'yan pa rin ba 'yan kalambing kapag mas lumaki pa siya o nagbinata na. And whenever I talk to Yessa about it she doesn't like to hear it now and she also becomes a bit emotional as a mother. So I don't tease her about our son growing up into a man or a teenager anymore.
"Leon's third birthday is coming up." Yessa said as I drive.
Mula sa pagmamaneho ay bumaling ako sa kaniya. "Oh. He's three."
Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Yes. Ang bilis nang panahon... Remember how happy you were the first time you learned that I was pregnant?"
Napangiti rin ako sa alaala. "Yes..."
Parang bumalik na rin sa normal ang buhay namin ni Yessa. Hindi ko na rin muli pang nakikita sa ngayon si Bea. Ayaw ko na rin banggitin pa kay Yessa. Since she's a bit sensitive about the topic...
Ang now we're just living our lives each day trying to make up for the lost times...
"Mommy and Daddy are home!" Agad na tumakbo papunta sa amin para salubungin kami si Leon pagdating namin ni Yessa sa bahay.
I chuckled and hugged my son. Lulubus-lubusin ko na 'to ngayon habang maliit pa siya at ganito pa kalambing. Because my parents told me that I was once like this, too. When I was a boy they said that I was as sweet as my son. Pero noong nagkaisip na ay hindi na raw ako ganoon kalambing sa mga magulang ko. Siguro ay dahil nagbinata na rin ako noon, and I was already shy to show that same much affection to my parents as when I was little.
Yessa and I also started planning for Leon's 3rd birthday party. May mga anak na rin ang mga kaibigan namin ni Yessa kaya may iba pang mga bata rin kami na maiimbita sa kaarawan ni Leon. May mga anak na rin ang mga pinsan ko kaya matutuwa si Leon dahil maraming mga bata ang pupunta sa birthday party niya.
"Good morning, big boy! Happy birthday!" We woke him up in his room on the day of his birthday and a birthday cake with us.
Leon opened his eyes and smiled when he saw me and his mom in his room early in the morning.
Our day started great so I never thought it would end up bad later...
Pumunta na rin kami sa venue ng birthday ni Leon. Medyo nagmaaga kami, so that we could still properly welcome our guests.
"Mabuti naman at okay na kayo uli ngayon, Leo... Yessa..." anang kaibigan din naming doctor sa amin.
Yessa and I just smiled at them. Pagkatapos ay kinausap din muna ni Yessa and mga babaeng kaibigan niya. While I also went to welcome some more of our friends coming in the venue of our son's party.
Nakikita kong masayang-masaya ang anak ko sa birthday niya kaya naman halos buong party ay nakangiti lang din ako habang pinapanood ko ang anak ko.
And then an unexpected guest arrived. Nawala si Yessa sa tabi ko kaya hinanap ko siya. Tumayo muna ako mula sa panonood ko kay Leon na nag-e-enjoy sa mga games ng hosts sa party niya.
BINABASA MO ANG
Your Lying Heart (Hearts Series #4)
General FictionNang magising si Leo sa ospital pagkatapos ng isang aksidente na nangyari sa kaniya ay isang tao lang ang hindi niya maalala, his wife, Yessa. While recovering from the accident he met Bea at the hospital who was also a patient, and he fell in love...