Chapter Nine
Son
"Wait lang, hijo. I will call Yessabella and let her in here, okay?"
I nodded at my Mom and she went out for a while to call Yessa.
And while I was waiting for them I kept on thinking about all of the things that happened. I feel guilty and I regret my decisions...
"Leo..."
Nag-angat ako ng tingin kay Yessa.
And the moment our eyes met, hindi ko na napigilan ang pag-iinit din ng mga mata ko nang makita ko rin ang nagbabadya nang luha sa mga mata niya. Umiling ako at agad na humingi ng tawad.
"I'm sorry..." I said.
But Yessa just also shook her head and immediately went to me to hug me in her comforting arms...
"I'm sorry, Yessa... I'm so sorry." I kept on apologizing to her.
"It's okay... It's all right now." She assured me while still hugging me.
At nang kumalma na kami pareho ay hinanap ko na rin ang anak namin. "Where's Leon?"
Tiningnan ako ni Yessa. "Pinauwi ko na muna siya sa bahay. He saw you collapse..." Umiling siya. "I'm sorry, he was here for his checkup with the pediatrician."
My eyes widened a fraction. "Is our son all right?" I worriedly asked Yessa.
Umiling naman siya sa akin. "Leon is fine, Leo... It's just his regular visit with the doctor."
"But I can bring him here..." Yessa said.
Umiling naman ako sa kaniya. "It's fine. Ako na lang ang pupunta sa kaniya... I'm sure makakalabas na rin naman agad ako rito."
Tumango naman siya sa akin.
Pagkatapos ay natahimik kami nang ilang sandali. Kami na lang dalawa ngayon ang nandito sa loob ng private hospital room ko. Unti-unti kong inabot ang kamay niya at marahan na hinawakan. Nagkatinginan kaming dalawa.
"I'm very sorry, Yessa..." I apologized to her again.
Tumango naman siya sa akin. "It's fine now, Leo. Ang importante naman sa akin na magaling ka na..."
Ngumiti ako kay Yessa. At ngumiti na rin siya sa akin. And then the doctor went in and started checking on my health again. Tumabi naman muna si Yessa at nandoon na rin muli si Mommy sa tabi niya.
After that I went straight to our house to see my son again. Pagkatapos kong makalabas ng ospital ay umuwi na rin ako sa amin.
"Daddy!" My son went running to me.
Maagap ko rin naman siya na sinalo sa mga braso ko. "Leon..." Hinagkan ko siya. And I also whispered my apologies to my son.
And when I turned to look at Yessa she was just smiling at me and our son.
Yessa also cooked us dinner while I play and catch up with our son. Leon is only two years old but he's also a bit more talkative now. Napangiti na lang ako habang kausap ko siya at pinapakita niya sa akin ang toys niya.
And apparently he only knew that I was at the hospital because I was sick. Iyon ang sinabing paliwanag sa kaniya ni Yessa habang hindi pa ako nakakauwi sa bahay namin...
So when Leon was in the hospital for his checkup he also tried to look for me there kaya kami nagkitang dalawa.
He's already a smart kid for his age.
"I miss you, Daddy!" And then Leon went to hug me again.
Napangiti na lang ako at niyakap ko rin siya. "I miss you, son." Pagkatapos ay muli ko lang din siyang hinagkan.
BINABASA MO ANG
Your Lying Heart (Hearts Series #4)
Aktuelle LiteraturNang magising si Leo sa ospital pagkatapos ng isang aksidente na nangyari sa kaniya ay isang tao lang ang hindi niya maalala, his wife, Yessa. While recovering from the accident he met Bea at the hospital who was also a patient, and he fell in love...