Levi's POV
Teka si Manong guard ba yun? Anong ginagawa niya dito sa coffee shop?
Nilapitan ko siya sa may cashier oorder ata siya eh.
"Manong guard.!" tawag ko sa kanya sabay tapik ng balikat.
"Uyy!" medyu awkward niyang sagot.
"Bakit ka nandito sa coffee shop?"
"Bakit mayayaman lang na pwedeng bumili ng coffee dito ha?"
"Di naman sa ganun."
"Di naman pala eh."
"Nagtanong lang po ako."
"May table ka na ba? Maki share nalang sana ako sayo."
"Yes you can po Manong guard." sagot ko.
"Salamuch naman." sabay kindat niya.
Atsaka ko tinuro ang table ko.
Sumunod ako sa kanya, nang naka-upo na siya ay umupo na din ako..
"Kuya guard may asawa ka na?"
"Bakit gusto mo bang maging asawa ko?" tanong niya matapos humigop ng kape at humarap siya sa akin.
"Hehe." sabay kamot ko sa ulo. "Kuya guard talaga. Nagtatanong lang ho ulit ako." sagot ko.
"Teka nga! Crush mo ba ako?" tanong niya.
"Luh hindi ah. Tanda mo na kaya ang bata ko pa." sagot ko na medyu naiinis.
Ano bang tingin niya sa akin? Magkakagusto sa isang tulad niyang guard lang ng school.
"Ilang taon ka na ba hija?"
"17 lang ako kuya guard." ani ko sabay ligpit ng mga gamit ko atsaka tumayo.
Hahakbang na sana ako paalis ng bigla niyang pinigilan ang kamay ko.
Tumayo siya at hinarap ako.
Matangkad si Kuya guard kaya yumuko siya ng bahagya para eface to face ako.
"I'm just 22 so kung crush moko? Aminin mo na."
Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
Isang malaking YUCKkkkkkkkkkkk....
A/N:
This story was posted 4 years ago in a Facebook group. Naisipan ko lang ipost dito.
YOU ARE READING
That School Guard Is My Husband
RomanceSi Yohan Grainger ay nagpapanggap na school guard sa isang paaralan na pagmamay-ari mismo ng kanyang ama. Tanging ang mga graduating college students lamang ang may alam ng lihim niyang iyon. Hanggang sa isang araw ng magtagpo ang kanilang landas ni...