Chapter Ten

0 0 0
                                    


Fierrare's POV

Sunday morning katatapos lang namin mag simba. Kaya have a blessed day.

"Kuya Fierrare daan tayo sa coffee shop dun malapit sa school."

"Gusto mo bang mag coffee?" tanong ko.

"Opo, may ipapatikim ako sayong coffee."

"Okay sige tara."

Nagtungo kami sa shop ni Yohan.

At nandun ang mokong pero wala si Yonah.

Pagpasok na pagpasok namin.

"Good morning misis ko."  bati ng loko.

"Sino siya Lev?" ma-ang-ma-angan ko.

"Ahh kuya, siya may-ari ng shop at the same time siya din po yung school guard namin. Atsaka trip niya lang pong tawagin na asawa niya ko pero wala pong namamagitan sa amin." paliwanag ni bunso.

"Oaahhh.!!! school guard? Okay." sagot ko.

"Sino siya misis ko?" tanong ulit ng mokong.

Ako naman nagpipigil na suntukin sa sikmura si Yohan.

"Siya lang naman ang gwapo kong kuya." taas noong pagmamayabang ni Levi.

"Ahhh. Kuya mo? Pero di kayo magkamukha, mas maganda ka medyo panget yung kuya mo eh" sagot   niya.

Pag ako di makapag-pigil baka masapak ko tong tinuturing kong bestfriend.

"Order na tayo Levi." aniko.

"Sige kuya."

"Ikaw na mag order sabi mo may ipapatikim ka sa akin."

"Ahh opo." atsaka niya kinausap ang kahera. "2 vanilla chocolate mix frappe and 2 caramel taps with chocolate filling."

While busy sa kaka-order ang bunso ko. Nasa likod naman ang mata ko. Atsaka kami nag sung-gaban ng tingin ni Yohan with action moves na parang nagsusuntukan.

"Tara kuya hanap tayo ng table. Hahatid nalang nila yung order."

"Okay sige tara."

Kaya kami nagtungo sa isang bakanteng table. While naglalakad kami patungo sa table pasimple kaming nag sha-shadow fight ni Yohan at nag wawacky faces. At biglang matitigilan pag napansin kami ni Levi.

Nang maihatid ang order namin.

"Excuse me Levi I'll go to rest room muna."

"Sige po kuya balik ka agad ha."

"Yes Levi."

Patungo ako sa CR at andun na si Yohan nag-iintay.

"Bro." salubong niya.

"Baliw, tumigil ka nga baka mapagkamalan tayong bading." sambit ko rito.

"Okay na yun. How was your day?" tanong niya.

"Syempre matiwasay sana kaka simba lang namin eh.!Pero umepal ka kaya nasira." sagot ko habang naghuhugas ng kamay.

"Langya ka Fierrare. Ano nasabihan mo na ba parents mo?"

"Hindi pa, humahanap pako ng tiempo. Kaya mag hintay ka."

"Oo na."

"Huy Yohan, aminin mo nga bakit atat kang pakasalan kapatid ko? Gusto mo siya no? Di mo lang masabi."

"Hindi nga, gusto ko lang siyang ipagtanggol."

"Maiba tayo sabi mo pangit ako? Kung di kaya kita tulungan?"

"Kung di kaya kita ilakad kay Yonah.!"

"Sige na. Balik Nako dun."

"Sige enjoy your coffee."

Bumalik ako sa table.

"Ang tagal mo ata kuya?"

"Sorry."

"Okay lang po yun"

"Oh bakit? Ka naka simangot.?" tanong ko rito.

Kinuha ko ang coffee ko atsaka ako uminom.

"Tignan mo yung guard ng school namin kuya nagpapacute." sumbong nito. Muntik naman akong mabilaukan sa winika niya.

Kulang nalang mahilamos kay Levi yung coffee mula sa bibig ko buti nalang at nalunok ko.

Langyang Yohan, guard talaga ang pakilala niya? Kulang nalang sabihin niyang siya ang janitor ng campus nila.

Kaya ako lumingon at idinilat ang mata ko. Kaya siya tumigil sa nagpapacute.

"Hahaha kuya takot pala siya sayo eh." pagtawa ng kapatid ko.

"Of course subukan niya ko."

May lahi talaga ng pagka saltik tong si Yoyo. Nawala lang ako dami niya ng kalokohan.

That School Guard Is My Husband Where stories live. Discover now