Levi's POV
No ID No Entry
Pero buti nalang suot ko na ang ID ko. Si Kuya Guard ang nasa gate nag checheck ng mga bags.
"ID mo misis ko?"
"Dala ko." sagot ko.
Ipinakita ko ang ID ko at binasa niya pa 'to.
"Levi Harrison? Bakit? May half ka? Pang foreengeerr ata apelyido mo misis ko?"
"Tumigil ka nga. Oo may half ako. I am half German. Kaya ayokong maging Mrs. Castro ang ganda po kaya ng apelyido ko tapos papalitan ng bantot mong surname.! NO WAaaaay." ani ko.
"Well, half German ka pala? Bagay tayo half Shepherd kasi ako."
Natawa ako dun ah!
Nagkatitigan kami!
"Havey ba joke ko?" tanong niya.
"Tapos mo na po bang e check ang bag ko?" tanong ko.
"Di ko na rin naman kailangan e check bag mo misis ko eh. Wala naman akong trust issues."
"Nakakaloka ka kuya Guard sobrang hangin mo po."
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Manyakis." sabay sampal ko sa kanya. Hinablot ko ang bag ko atsaka ako tumakbo.
Narinig ko pang nagtawanan ang ibang guards.
Yohan's POV
Ang sakit nun ah!
Sabay hawak ko sa pisngi ko.
Ramdam ko pa ang hapdi.
"Masakit ba?" tanong ni Soñoson.
"Obvious ba?" sabay hagis ko ng stick sa kanya.
"Baka e report ka niya sa may-ari ng school at mapatanggal ka." pagbibiro niya pa.
"Baliw." sabay hampas ko ng balikat niya. "Si Dad? Ipapatalsik ako? Hindi niya gagawin yun."
"Yown. Guwardiya na nga anak pa ng may-ari." mapanakit na salita mula Kay Manong Guradilla.
"Maiba tayo. Bakit naman Castro ang sinabi niyong apelyido ko.Ang bantot daw."
"Aba bagay yan sa mga taong half Shepherd." sagot ni Soñoson.
"Langya. Naging Yokai Castro na ako ngayon?" tanong ko.
"Aba oo eh, Mr. Shepherd." sagot niya.
"Langya." sagot ko. "Ngayon ko lang nalaman Castro pala ang naka lagay sa uniporme ko."
"Eh Yokai. Ano bang balak mo sa magandang estudyante na yun?" tanong ni Soñoson.
"Alam mo namang pabago-bago ang mga desisyon ko diba.? Kaya hindi ko alam." sagot ko.
"Alis na muna ako. Mag cocoffee lang ako dyan sa malapit na coffee shop." dagdag ko atsaka ako lumabas ng gate at tumakbo papunta sa kaharap na coffee shop.
Pumasok ako sa shop at nagtungo sa cashier para mag order.
"Excuse 1 americano. Please.!" atsaka ako namili ng mga cakes. "1 choco moist nalang din.!" dagdag ko.
"Excuse me sir Yohan Grainger. Pwede ba akong magtanong?" tanong ng kahera.
"Yes ano yun?"
"Nung isang araw po. Narinig ko kasing tinawag ka ng isang student na guard ka daw po." aniya.
"Hehehe, ahhh wala yun! Palabiro lang talaga yung asawa ko. Kaya next time pag mag-oorder siya dito wag mo na pabayarin ha.! E credit mo nalang sa akin." sagot ko sabay pa cute.
"Asawa niyo po pala yun?"
"Yes. Pakihatid nalang ng order ko sa VIP room."
"Yes sir."
After a few minutes...
Levi's POV
Hayst pinaka paborito ko talaga ang Coffee Lover Shop
Nang nakapasok ako sa shop dumiretso ako sa cashier.
"Excuse me miss, 1 caramel frappe and 1 slice of sweet vanilla cake."
"Okay po Mrs. Grainger." ani ng kahera.
"I'm Harrison, and miss po not misis."
"Asawa ka po ni Mr. Yohan Grainger diba po?"
"What???" naguguluhan ako. "Okay magkano ba lahat?"
"No ma'am na credit ko na po sa credit card ni Mr. Grainger. Enjoy your snack po." aniya.
Ano daw?????
YOU ARE READING
That School Guard Is My Husband
RomanceSi Yohan Grainger ay nagpapanggap na school guard sa isang paaralan na pagmamay-ari mismo ng kanyang ama. Tanging ang mga graduating college students lamang ang may alam ng lihim niyang iyon. Hanggang sa isang araw ng magtagpo ang kanilang landas ni...